MAMA MARY?
Hi, just call me D. Nangyari to year 2017. Nasa probinsya ako para magbabakasyon, tapos kaming magpipinsan, mahilig gumala ng naka-motor pag gabi. Lahat ng gala namin inaabot ng madaling araw. Naglilibot kasi kami sa iba't ibang mga barrio kung saan may sayawan ganyan.
Then one time, 4 am kami nakauwi, kasama ko yong pinsan kong si ate J at boyfriend niyang si Kuya K, yong iba umuwi na sa bahay nila. Hindi kami pumasok agad ng bahay, nagpapahinga kami sa papag sa labas ng bahay.
Sila nagkukwentuhan, ako nagsi-CP lang that time, nakaharap sa daanan at pag tumingin ka sa kaliwa, makikita ang highway, sa kanan daanan papasok pero madilim. Tapos may tumahol na aso. Syempre, sa probinsya uso mga alagang aso bilang bantay nga. Nagsalita si ate J ng "may tao yan."
So ako na nakaharap sa daanan, nakikiramdam sa paligid kung may tao kasi madilim na non. Nagtataka na ako kasi wala namang kaluskos akong naririnig. Tapos maya maya, dumadami na yong tumatahol na aso ng mga kapitbahay namin. Hindi na ako mapakali, binitawan ko yong CP ko at nagmasid na lang talaga ako hanggang sa may paisa-isang aso na akong nakikita sa highway.
Tahimik lang akong nanonood hanggang sa medyo dumami na yong mga aso. Tapos meron ako nakitang isang babae na nakalutang kasi hindi naman naglalakad. Ang ganda sobra ng damit niya, ang kinang. Hindi ko naaninag yong mukha niya pero nagliwanag nong nakita ko siya. Sobrang pulido ng pagkakadisenyo ng suot niya, ang puti at ang haba pa ng buhok niya na kulut-kul0t.
Imbes na matakot, e namangha ako sa nakita ko. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa unti-unti na siyang naglaho sa paningin ko at kasunod niya ay napakaraming aso. Sobrang dami na parang pumarada yong mga aso tapos nasakop nila yong lapad ng highway, don nanindig balahibo ko.
Hindi ko kinuwento sa pinsan ko kasi matatakutin yon. Hahaha! Ako lang nakakita saming 3 non gawa ng busy sila sa kwentuhan pero mahina lang.
Ms. D.
2016
ICT
STI Caloocan
—-
Send your stories/confessions here: www.usfstories.com
📜University Secret Files
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HororAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)