Pntau6 !ua

18 1 0
                                    

Pntau6 !ua

(bad word tong title hehe)

Hindi ko to makakalimutan. June 2017. Intramuros. Pero di ko na lng sasabhin ng exactly yung kung saan mismong lugar.

Meron akong friend. Okay sya. Mabait. Marunong gumalang. Pero ang problema sa kanya hindi nya macontrol bibig nya. Mahilig syang magmura. Masaya, malungkot, galit, gulat basta lahat ng expression nya may mura. Problema nya din mata nya kasi matalim tingin nya pero di sya aware na yung tingin nya minsan eh masama na para sa ibang tao. Pero sabi nya naman normal na tingin nya daw yun at wala na sya magagawa.

Back to story, nagkayayaan kami sa manila mag gala. Dapat luneta talaga kami pupunta pero nag decide kami na intramuros na lang tapos food trip na din. Habang naglalakad tapos tambay tapos picture. Tapos naglalakad kami yung friend ko naman eh may nakabangaan. Syempre matic na mura nanaman si friend. Eto exactly nyang sinabi “ay t*ngin* naman”. So ako hinampas ko sya at binulungan ng “bibig mo”. Napatingin ako sa babae. 5’4 tangkad ko hanggang balikat ko yung babae na nakabanggan ng friend ko. Tapos medyo chubby sya. Ngumisi sya sa amin tapos tumawa sya ng mahina yung parang bungisngis. Tapos ayun naglakad na kami ulit tapos di pa kami masyado nakakalayo eh narinig namin tumawa ng malakas yung babae. Na-weirdohan ako kasi bakit sya tumawa ano nakakatawa. Sabi ko pa sa friend ko “uy bilisan mo baka baliw yung nabangga mo bgla tayong sabunutan”. Tapos naglakad na kami ng mabilis talaga.

After nun pumunta na lang kami sa malapit na SM. Dinner then nood sine. Tapos ayun uwi na din. Nakakapagod pero masaya din. Parang mga first time gumala kasi sinagad yung 7 hours sa pag gala.

Kinabukasan nag chat sa akin friend ko sabi nya nabigla daw ata sya sa gala namin kasi sumama pakiramdam nya. Hanggang sa ilang days sumakit na lalamunan nya tapos napaos na sya hanggang sa nawalan naman sya ng boses.
Ang pinaka weird eh yung dila nya ang daming singaw tapos yung formation ng singaw eh pa X na dila nya (Imaginin nyo na lang dila nyo may singaw pero naka form sya ng X sa dila nyo). Tapos hirap na hirap talaga sya maski pagkain. Naisipan ko naman bakit hindi sya magpatingin sa manggagamot. Yun una kong sinuggest. Kasi mas mabuting malaman mo muna side ng manggagamot kesa doctor. Kasi pag sa hospital ka unang nagpunta mahihirapan ka na magamot ng mga nagtatawas or worse hindi ka na magagamot.
Edi nag message ako sa tita ko kung may contact pa sya dun sa magtatawas at may dadalhin akong friend. Kasi naisip ko nag start sya magkaganun after namin mag gala baka may nakabati sa kanya.
So pumunta na kami sa magtatawas. Ginagamot na sya. Nagpatak patak lang ng kandila yung manggagamot tapos nag form yung wax ng babae daw tapos medyo may katabaan daw. Kinilabutan ako kasi natandaan ko yung nakabanggaan ng friend ko. Di ako nagsalita. Sabi ng manggagamot eh nakursunadahan sya nung babae. Tinanong nung manggagamot sa akin kung may nagawa or ginawa ba kami. Sabi ko naman eh wala. Pero yung friend ko sabi ko may nakabanggaan sya last week na babae. Tapos sabi ko nga na nakapag mura yung friend ko at sinabi ko din nung tumawa yung babae na nabangga. Napailing yung matanda. At sinabi nya na hindi tao yung nabangga nya. Sinabi din na dapat hindi sya basta basta nagmumura. Kinilabutan pa ako nung sinabi ng mangagamot na “kukunin na to”. Pag kinuha to magiging kawayan na lang sya pag nakita nyo. Sabi pala nung matanda sa normal na tao katawan pa din makikita pero sa mga may third eye eh kawayan sya makikita. Matindi daw yung galit ng nabangga nya. The more daw na minumura ang encanto eh the more daw na nagagalit. Pero ang way ng galit nila eh ang pagtawa. So sabi ko baka pwede pang maagapan kawawa naman. Sabi naman ng manggagamot eh itatry nya daw kasi matindi na yung sa case ng friend ko kasi hindi sya agad nadala eh. Sabi pa sa akin ng manggagamot eh “wala man lang isa sa inyo humingi ng pasensya kaya ang tindi ng galit”. Nagulat nanaman ako kasi hindi ko naman nakwento na bgla na lng kaming umalis eh. Sobrang takot ko na nun habang ginagamot yung friend ko. After ng gamutan eh inuwi ko na sya sa kanila. Sabi ko na magpahinga sya para gumaling na sya agad.

After ilang weeks naman eh nag message sa akin ang mama nya at wala na nga daw friend ko. Heart failure daw ang findings (which is weird for me). Sobrang heart broken ko nun and takot. Di ko inexpect na buhay magiging kapalit ng mura nya. Kaya after nung incident na yun never ako nagmura sa public place. May mabangga ako sorry agad kahit di ako ang may kasalanan. Talagang hindi lang para sa tao itong mundong ginagalawan natin.

Si tatang (manggagamot) naman eh wala na din sya. Namatay sya 2020 bago mangyari ang lockdown sa pilipinas.

Smile xo🧝🏻‍♀️


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon