BLACK FIGURE WITH RED EYES AND LONG TAIL

44 0 0
                                        

"BLACK FIGURE WITH RED EYES AND LONG TAIL"

Hello guys. Kwento ko lang yung nakakatakot na encounter ng friend ko sa bagong bahay nila. Medyo mahaba ito kaya read at your own risk.

So eto na nga...

Si friend at ang mga kapatid niya ay bumili ng house and lot at pinarenovate ang nabiling lumang bahay for their family. Itago nalang natin siya sa pangalang Anthony (hindi niya tunay na pangalan).

Habang ginagawa ang bahay nila, pinupuntahan niya from time to time ito para icheck ang pagkakagawa. Dahil luma na ang bahay, kinailangan idemolish para magawan ng panibagong pundasyon, para sure nga naman na matibay.

Simula nung dinemolish ang bahay ay may nararamdaman siyang kakaiba pero hindi niya lang pinansin kasi baka lang daw sobrang init ng weather doon kasi wala masyadong puno and tabi tabi ang mga bahay, at ang iba pa ay may mga 3rd floor. Row house type ang mga bahay sa isang sikat na subdivision.

So fast forward sa house blessing, bigla daw may pumutok na bumbilya sa kitchen at nawalan na sila ng kuryente habang binebless ng pari ang bahay nila.

So pinatay muna ang circuit breaker kung saan nakaconnect ang ilaw. Tumawag ng technician at naayos na ang kuryente. Nagtataka ang technician dahil imposible daw na pumutok yun. Tuloy ay pagbless ng bahay at ang kainan.

Kinagabihan, natulog na silang pamilya sa kanya kanya nilang mga kwarto. Si Anthony ay natutulog sa kwarto kasama ang kapatid niyang lalake. Sa kwarto nila ay may single bed kung saan siya natutulog sa isang side ng kwarto at may double deck naman ang kapatid niya na nakapwesto sa kabilang side. Sa taas ng double deck ay mga tambak lang na books at ibang mga gamit.

At dito na nagsimula ang pagpaparamdam ng todo.

Tuwing madaling araw pag naaalimpungatan silang pamilya ay nakakaamoy sila ng kakaiba. Amoy malansa na amoy bulok daw. Parang may patay na daga na di nila maexplain. Hinahanap nila ang amoy pero di nila makita kita kung saan ito nanggagaling. So naisip nila ba baka sa kanal lang nanggagaling at sumisingaw lang at pumapasok sa bintana ang amoy. At palagi silang namamalikmata na may nakatingin sa kanila sa bintana. Sa kwarto nila Anthony ang may pinakamalakas na amoy.

Palaging bukas ang mga bintana nila dahil wala silang aircon at may screen lang para pumasok ang hangin at maayos ang ventilation nila sa loob.

Ang kwarto nila Anthony at kwarto ng parents niya ay nasa first floor. Yung pwesto ng kwarto e yung bintana ay malapit sa gate. Kumbaga kung late ka uuwi, nalock-an ka na at wala kang dalang susi, sisigaw ka lang dun sa bintana para manggising para pagbuksan ka. Ganern.

Ang isang kapatid niya naman ay kasama ang asawa at isang anak sa kwarto sa 2nd floor.

So ayun na nga. Lumipas ang mga araw at umabot na sila ng 3 years sa bahay na yon na araw araw nilang tinitiis ang amoy sa madaling araw.

Sa pagsapit ng 3am nung araw na yon, ang black figure na pinagmamalikmatahan nila ay nagpakita na.

Naalimpungatan si Anthony. Lumala daw ang lakas ng amoy. Tatayo na sana siya para umihi sa banyo at icheck kung saan nanggagaling at bakit mas lalo pang bumabaho. Baka kako may patay ngang daga na nastuck sa ilalim ng kung anumang gamit sa kwarto nila. Pero dahil sa nakita niya, sa kama na daw siya naihi at di na siya nakagalaw.

Gigisingin dapat niya ang kapatid niya para tulungan siya maghanap pero paglingon niya, nakita niya ang malaking black figure.

May sungay ito na mahaba at nanlilisik ang pula nitong mga mata. Nakatitig ito sa kapatid niya habang kumakawag-kawag ang mahaba nitong buntot. Ang balat nito ay mukhang nasunog at naaagnas na.

Pumikit lang daw siya at nagdasal. Pero habang nagdadasal siya ay palakas ng palakas ang amoy na parang papalapit na ito sa kanya.

Pagmulat niya ng mata niya ay nakita na niya sa harap niya ang figure. Wala na siyang ibang nakita kundi dalawang pulang matang nanlilisik na mukhang galit na galit sa kanya, at nagsalita daw ng ibang language, at siya ay hinimatay pagkatapos nito. Sa pagkakaalala niya parang Latin daw pero di niya maalala mismo yung exact words.

Nang mahimasmasan kinabukasan, kinwento niya ang nangyari sa pamilya niya. Yung kapatid naman niya ay nanaginip din daw nung gabing yon. Same black figure ang nasa panaginip niya. Pero ang panaginip ay parang sinusubukan daw ng figure na ito na alisin ang kaluluwa niya sa katawan niya.

Dahan dahan daw nagiiba ang pakiramdam niya na parang hihiwalay ang kaluluwa niya sa katawan niya. Sumisigaw siya para humingi ng tulong pero di daw siya naririnig ni Anthony kahit anong kalampag at pagsigaw ang gawin niya. Nakatingin lang daw sa kanya ang kuya niya at mukhang shocked.

Agad agad na umalis sila sa bahay na yun at di na nagpaabot pa ng dilim. Naghanap sila ng marerentahan pansamantala hanggang sa mabenta ang bahay. Simula ng mabenta ang bahay na yun, wala naman daw kababalaghan na nangyari sa bagong owners.

Ano sa tingin niyo ang figure na yun? Tikbalang? Kapre? D3monyo? Aswang?

Posible kayang nag-aastral travel ang kapatid ni Anthony na nakapagpukaw ng interes ng figure na ito para pumalit sa katawan niya?

Hanggang ngayon kinikilabutan parin ako pag naaalala ko tong kwento na to.





📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon