Spiral na Hagdan

69 3 0
                                        

Spiral na Hagdan

Hello spookifyiers HAHAHAHA this is my first time to share my story here, pero silent reader nako dito since 2016. Itong kwento ko mommy ko ang nakaranas nito sa dati naming bahay.

Year 2011 or 2012 siguro, hindi ko na maalala kasi sobrang tagal na. Meron kaming bahay sa Concepcion Malabon dati, simula bata ako madami ng kwento sa bahay na yun. nagagalit pa dati si mommy pag tinanong ko sya about sa ghost kineme, kasi tinatakot ko lang daw yung sarili ko, pero mga tito at tita ko na mismo na tumira dati sa bahay na yun may mga naranasan din silang kakaiba. lalo yung tito ko na naging pastor, Diba dapat hindi sya naniniwala sa ganon. pero ngayon pag tinanong sya about dun sa naranasan nya sa kwarto nya dun, sinasabe nya na totoo daw talaga na merong bantay yung bahay.

Yung bahay namin is may second floor, pero yung sahig sa second floor, kahoy. yung kahoy na pag naglakad ka lumalangitngit. ayun yung style ng taas namin. tapos gawa din sa kahoy yung pader ng bawat kwarto, kaya maririnig mo kung may tao sa taas o sa kwarto pag nasa baba ka, gets nyo ba? HAHAHAHAHAHAHA tapos yung hagdan pataas is yung uso dati na spiral na hagdan na gawa sa bakal, so alam nyo na, dahil bakal pag may umakyat o bumaba tumutunog yung lagapak ng paa.

itong ikekwento ko ngayon, si mommy ang nakaranas nito. Yung bahay namin nayun binenta kasi lilipat na kami. Friday yung araw na yun kasi naalala ko umuwi ako galing school, naka P.E uniform ako, panghapon. pag uwi ko ng 6pm naabutan ko si mommy na andun sa may gate ng eskinita samin. nagtaka ako, kasi hindi naman sya yung tipo ng tatambay dun lalo last day na namin nung araw na yun kasi nahakot na lahat ng gamit dun sa bahay. may iilan nalang na kahon ang natira pati yung tv at electic fan lang. daddy ko ang sumundo sakin sa school nun kaya pag dating namin nag taka kami bakit andun sya. sabe ni daddy sakanya nun "ano ginagawa mo jan?" sabe nya lang "mamaya ko na ikekwento, ikaw na kumuha ng natirang gamit dun ayoko na pumasok sa bahay" edi nag taka ako. Eh hindi naman matatakutin yung mommy ko. tapos pag dating namin sa loob ng bahay, Nakabukas yung TV pati electric fan. Tapos sobrang dilim. yung TV lang yung pinangagalingan ng liwanag. takang taka ko, kasi hindi nya yun iiwan ng ganon. syempre sayang yung kuryente. pasensya na kung sobrang haba na nitong kwento ko, tinatry ko yung best ko para maging detalyado hehehe.

edi ito na, tapos na mahakot lahat ng gamit, nagmamadali na umalis si mommy. kahit lumapit sa bahay ayaw nya. sya lang yung naiwan nun sa bahay kasi sila daddy nag hahakot nga ng gamit. hanggang sa nakauwi na kami sa bago naming bahay, dun na sya nag kwento.

POV ni mommy:

nanonood ako non tanghaling tapat, pinagmamasdan ko yung bahay kasi huling beses ko na tong makikita,  habang nanonood ako ng TV, narinig ko sa taas sa mismong kwarto namin, sa kwarto kasi namin meron pang ilang kahon na natira dun. tapos mga nakaplastic na gamit, nagulat ako kasi narinig ko yung tunog ng plastic. malabong tumunog kasi wala namang hangin dun. sinarado ko yung pinto sa terrace. alam nyo yung tunog ng plastic pag kinakalkal. ganon! tas biglang may naglalakad na parang paikot ikot dun sa kwarto. rinig na rinig ko. ang sinabe ko nalang sa isip ko nun "okay lang, baka nagpapaalam na yung bantay ng bahay. okay lang din na andun sya wag lang syang bababa" dinedma ko na, pero na bobother padin ako kasi kinakalkal nya yung mga plastic at kahon tapos palakad lakad sya. iniisip ko na nun kung lalabas na ba ko o hayaan ko nalang. (shet guys eto na yung nagpapatayo ng balahibo ko) hinayaan ko na, nanood nalang ako ng TV hanggang sa yung yapak ng paa narinig ko na nasa may corridor na. kinakabahan nako non nasa isip ko nalang okay lang wag lang talaga syang bababa!! nag salita nako na "aalis na po kami, wag nyo na akong takutin. magpapaalam din po ako sainyo" tapos huminto yung paglalakad. nagulat ako kasi bigla tumunog yung hagdan!!! unang yapak parang nagdahan dahan pa hanggang pangalawang hakbang. yung nga sumunod na yabag nya mabilis na, yung parang nagmamadaling bumaba, yung parang may hahabulin sya habang bumaba as in dugdugdugdugdugdug hindi ko na kinaya, hinablot ko yung bag ko hindi ko na napatay yung tv at electic fan lumabas nako agad.

ayan yung kwento nya guys, kaya simula tanghali hanggang makauwi ako andun lang sya sa may gate ng eskinita samin. hindi na sya pumasok uli. madami pang kwento jan sa bahay namin. kaso sobrang haba na kaya next time ko nalang ikekwento hehe. hindi ganong nakakatakot pero totoong experience nya yun. mas may nakakatakot pa

salamat sa pagbabasa ng munti kong kwento, hanggang sa muliii!!

-MicoMarico 2023


📜Spookify
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon