Thank you for reading the first story "Sleep Paralysis" . Mejo sinipag, sharing you another story na I can say na 2nd sa ranking na kakatakot for me na incident from my previous dorm bago ako umalis dun.
ROOMMATE
Madalas talaga ako makaramdam, makakita at makarinig ng Kung ano ano, pero Gaya nga ng Sabi ko, may mga bagay na hindi kaya ng "sanayan lang". This story ay one of mga di ko kinayang interventions sa dorm na yun.
Pasensya na if my work is a blasphemy sa mga architect or designers na members ng group na to. I Am no pro, Below, a floor plan for better visualization ng room namin dati. Yung mga incidents nangyari sa may bunkbed area namin ni Isa. (spacer ng upper bunk; not her real name, mentioned in the first story din). Sa may CR area tapat ng bunk bed namin.
It was Friday the 13th, nung nangyari to. 6PM ang out ko from office sa bgc, hindi na ko gumala kasi Friday. Masyadong Maraming Tao. So direcho nalang ako umuwi sa dorm.
Hindi ako kagad pumasok sa room, umupo muna ko sa labas ng room namin, sa 5th flr. kasi medyo hinapo ako kasi nag lakad Lang ako from st lukes area to Estrella. Mainit sa kwarto namin Kaya nagpa hangin muna ko. Nanood ng favorite Kong series "Hawaii five 0" . Hindi ako nag susuot ng earphones pag mag Isa Lang ako sa dorm. Ayoko ng gulatan, Kung may maririnig akong iba, edi ganun talaga.
Naka tapos naman ako ng mga 2 episodes ng naririnig ko Yung Isa Kong Roomate, si Jona) not her real name) , na kinakatok Yung pinto ng cr na tapat ng bed namin ni Isa. Di ako lalapit Sana kaso narinig Kong tinatawag nya ko.
Pag pasok ko ng kwarto, nakita ko si Jona, katok ng katok sa CR. PVC Plastic yung door ng cr so kitang kita if bukas ang ilaw at may tao. Habang kumakatok sya, Naka bukas yung ilaw, bukas ang shower at kita kong may anino. I was under the impression na may na liligo.
"Jona, anong problema?" namutla si Jona pagkakita nya sakin, Pati Yung Isa kong roomie na Nasa upper bunk ng kabilang kama, bumaba. Tumili. "akala namin ikaw yan. Kanina pa namin need yung tubig." (mahina kasi pag sabay gagamitin).
So Pareparehas kaming natigilan. Unti unting lumakad papalapit sakin yung dalawang roomies ko, lahat kami di namin Inaalis Yung tingin sa CR. Biglang nawala yung anino. Pero bukas parin Yung ilaw at shower.
Takbuhan na kami pa labas ng room. Inantay namin Yung iba at bumaba kami sa admin. Kinwento namin yung nangyari and even sila kinilabutan. We asked na si Kuya admin na mag bukas ng CR. Walang Tao.
Gustong gusto na naming umalis. Pero kasi, mahirap ura uradang magimpake at lumipat. Most of the time punuan ang dorms sa Estrella. Malalayo din inuuwian namin. And to top it all, Gabi na.
So nag decide kaming mag stay. Couple of hours, nag decide kami na mag Sama sama sa may table area, Para Kung ano man ay magkakasama kaming lahat. Kumakain kami ng mangga nun and we started to talk about funny stuff, watch videos Para ma veer away Yung attention namin sa nangyari.
Akala namin mejo na bawasan yung mabigat na aura. Kasi nga nakakapag kwentuhan na kami. Tapos Yung isang roomie naming bangka sa kwentuhan, Ibang klaseng mag kwento. Nakakatawa. Kaso bigla nyang naibiro Yung incident sa cr "naku beks, Itong CR na to, Yung anjan nag aantay Lang ng kasabay. Lalaki Ata. Mahilig sa chicks. Wala naman syang makikita sayo naj. Kapatagan. Nakakaloka! " tawanan naman kami.
Hagalpakan kami ng tawa. Diba kapag nag kwentuhan kayo, kahit anlalakas na ng tawa nyo, recognizable parin naman yung voices ng mga kasama nyo sa circle Diba? For some reason, may naiiibang tawa ang sumabay sa Hagalpakan namin. Yung tawang mejo may echo, tawang hindi masaya, tawang mejo sarcastic. Fading Yung boses. Boses babae.
Mejo natigilan kaming mag roommates, kinakapa namin isat Isa. Mukhang lahat kami narinig namin. Yung boses na yun Yung last laugh at Biglang may nag Salita "oo nga." boses babae..
And I saw a familiar face na dumaan sa peripheral view ko papasok ng cr. Nakita ko na sya before. Ikukuwento ko sainyo Kung saan ko sya nakita at Kung bakit di ko sya makalimutan kahit almost 3 years na ang nakakalipas.
Same entity sa Calaguas Trip.
📜Travel Horror Stories
▪︎2020▪︎

BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.