Guardian Angels

27 1 0
                                    

Guardian  Angels

Ang kwento ko ay di nakakatakot, ito ay tungkol sa guardian angels natin.. naniniwala ako na lagi silang andyan sa atin tabi laging handa tumulong at mag protect sa anu man panganib.. naalala ko ito bigla kahit matagal na itong nangyari.. almost 30years ago na! (Ay, ang tanda ko na pala! 🤣) at di na naulit. Siguro un mga panahon na pure ang ating intention , mataas ang spirituality saka lng natin sila mararamdaman.

Baguhan ako sa work ko noon sa Saudia airlines, karamihan sa mga kasamahan ko mga bata din, fresh from University. Wala kaming kamuwang-muwag.. kaya pag lalabas kami at pupunta sa souk(market place) samama lahat.. isang grupo kami kung aalis.. naniwala pa kami sa mga kwentong may na-rape, na kidnap ng limo driver...

Masarap mamili noon , basta labas na ng salary nasa souk na kami agad... lahat mura pati gold pero ang real bargain eh kung pupunta ka sa mga looban or iskinita.. andun ang mga mura pero nakakatakot nga lng ksi kung mag isa ka pwede kang hilain paloob ng mga tindahan na wala kang laban..

Minsan paglabas ng sweldo namin, sama-sama kaming nagpunta ng gold souk.. grupo kami nagiikot pero minsan naiinip ako mag antay sa mga ksma ko   naisip ko noon na tumingin sa iba tutal tabi-tabi lng naman un mga tindihan.. humiwalay ako sa mga ksama ko, sbi ko sa tabing tindahan lng ako pero tawagin  nila ako pag aalis na sila..

Di ko napansin napatagal yata ako sa kakatingin ksi nun napansin ko mdyo madilim na tapos wala na mga kaibigan ko... nag ikot ako pero di ko na sila nakita.. natakot ako ksi sa mga kwento kwento na bka hilain ako  paloob na lng.. natakot ako na bka bigla akong pagkatuwaan ng mga lalaki doon ksi alam naman pag nasa middle east, naabuso mga babae.. mag isa pa ako!

sbi ko babalik na lng ako sa bus stop, doon na lng mag-aantay sa mga kaibigan ko pero need ko pa rin maglakad mag isa sa mga dumidilim na iskinita.. At ayun na nga, paglakad ko halos lahat ng madaan ko grupo ng lalaki pilit kang kakausapin, pero diretso pa rin ang lakad ko khit kabado na.. Naisip ko magdasal sa guradian angels ko.. un pinaka basic prayers na natutunan mula pagkabata "Angel of God" prayer.. paulit-ulit ko dinadasal habang naglalakad ako papunta sa bus stop..

Bgla na lng wala ng pumansin sa akin, wala ng mga tindero tumatawag ng pansin ko.. kumalma na ako hanggang makarating sa main street kung saan marami ng tao maliwang na..  ilan sandali lng dumating na mga kaibigan ko. Nakasunod daw sila sa akin pero khit anung tawag nila di ko raw sila naririnig.. sbi ko wala akong narinig at di ko sila nakita.. ang alam ko lng noon time na un nagpa-panic na ako.  Niloko pa nila ako ksi sinu daw un kasama kong naglalakad na foreigner.. may kasabay daw akong tatlong lalaki na matangkad, matipuno ang katawan at mukhang foreigner.. di nila kita ang mukha ksi nasa likod ko nga sila.. nakita din nila na palapit un mga lalaki tpos bglang aatras kya wala ng nanggulo sa akin.. nagulat ako ksi wala naman akong kasama nun time na naglalakad ako pabalik. Binalewala ko lng sinabi nila ksi inisip pinag-tripan lng nila ako..

Pero nun kinagabihan habang nagdadasal bago matulog, doon ako kinilabutan.. habang nagpapasalamat ako na walang nangyari sa akin ng araw na un bgla ko naisip na possible din kaya na guardian angels un nakita nila? Un sinasabi nila lalaking mukhang foreigner, wala nman akong nakitang ganun ang itsura habang naglalakad.. bkit sila lang ang nakakita?

Naisip ko lng magpasalamat kay Lord at sa mga angels for keeping me safe.. di ko na iisipin pang masyado..

P.S.

Maaring sabihin ng iba exaggerated ang feelings ko.. pwede but remember this happened in 1992. I was very young and in a new place, with a totally different culture from what I was used to..  I was really paranoid & true naman na that time madalas ako ma-chansingan or mahipuan kya validated ang fear ko..

Marami din mga Amerikano service men noon sa Jeddah kya normal lng may makikita nakakakalat sa souk..

Unfortunately, that was the first and the last time  may experience akong ganun.. I guess di na ksi ako masyado spiritual ngayon but stilll i would like to encourage everybody to pray to our guradian angels! Ako man kahit jurassic na naniniwala pa rin sa angels.,



📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon