Minsang nag bakasyon kami sa Samar nung bata pa ako - may ilang madaling araw din ako naaalimpungatan sa mga dasal sa labas ng bahay. Yung pabulong na dasal pero medyo madaming sabay sabay na umuusad. Gustong gusto ko silipin kaso mas nananaig sakin humiga kasi masarap matulog at malamig. May isang beses narinig ko ulit yung parang may sabay sabay na nagdadasal kaya lumabas na ako ng pinto para tignan. Madilim pa. Baka 3am or 4am yun (yung mga dalang kandila lang kasi nila yung liwanag non at wala pa ring mga tao o sasakyan ang dumadaan). Nakita ko may parang prusisyon, mga babaeng naka-veil na ganyan sa picture, nakapalda sila na lagpas sa knee, may mga hawak silang kandila. At dahil ang lola ko ay mandadasal sa amin, madalas ko sya makitang naka veil pag magdadasal kaya hindi na bago yun sakin. Tinitignan ko isa isa yung mga nasa prusisyon, kakawayan ko sana kung andun si Nanay. Natapos yung prusisyon na wala naman si Nanay kaya pumasok na ulit ako sa loob.
Hindi na ako nakabalik ng tulog. Maya maya nakita ko si Nanay bagong gising kakalabas lang ng kwarto nila. Tinanong ko kung bakit wala sya sa prusisyon, ang sagot nya anong prusisyon daw at wala raw ganon sa madaling araw. Naalala ko kwinento ko sakanya yung nakita ko, tumingin sya sa Mama ko pero wala silang sinagot.
Hanggang ngayon naaalala ko yun kasi alam kong hindi yun panaginip. Ano kaya yung nakita kong yun? May similar experience ba kayo?📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
![](https://img.wattpad.com/cover/334075232-288-k923540.jpg)
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.