Ancestral Home in Batangas
This happened a decade ago, we are a coed group at nagkayayaan kaming magkakaibigan na mag summer outing. Yung isa naming friend na si Angel (di niya tunay na pangalan hehe) nag-volunteer na doon kami mag-stay sa Ancestral Home nila sa Batangas para maibawas sa budget.
On the day of our trip, lahat kami pagod kasi pinili naming magbyahe from Manila to Batangas ng Friday night after work. Eto pa yung time na wala pang PITX so pahirapan sumakay ng Bus or Van. At dahil ang tagal namin pumila sa sakayan ng bus, late na kami nakarating sa Batangas.
Pag baba namin sa Terminal ng Bus, sinundo kami ng Uncle ni Angel. Mukang jolly person naman si Uncle, nakangiti palagi at makwento. So habang nasa owner type jeep kami papunta na sa Ancestral Home, tinanong ni Angel si Uncle kung kamusta yung bahay na pupuntahan namin kasi matagal na din palang walang nakatira doon at baka daw kasi sobrang maalikabok at baka maglinis pa kami bago matulog. Na-curious kami sa reaction ni Uncle kasi sabi niya hindi niya alam.
Ayun na nga nakarating na kami sa Ancestral Home, may kalumaan yung 2-storey na bahay. Yung bakal na gate pag binukas at sara ay lumalangitngit. Pag pasok sa main door nagulat pa kami kasi ang una mong makikita is yung malaking picture frame ng grandparents ni Angel and yung lolo at lola niya parehong doon binawian ng buhay sa bahay (pero wala naman daw instance na nagparamdam sila). Yung mga gamit sa loob medyo may kalumaan na din. Yung sala set at dining area nila gawa sa narra, stereo is lumang style, may telepono yung di-ikot ang pag-dial tapos ang mga bintana nila is jalousie type. At dahil may kalumaan yung bahay, may mga ilaw na di gumagana so may parts ng bahay na sobrang dilim. And yes yung sa may gawing likuran kung nasaan yung kitchen, CR at pinto papunta sa bandang likod ay walang ilaw. Yung hagdan naman, kahoy yung steps tapos di mo agad masisilip yung sa taas.
Nung nakapag settle in na kami at nakapagbaba na nang mga bag, nagpapasama si Angel sa mga boys para umakyat sa 2nd floor at kumuha ng kutson, unan at kumot. Of course nagtuturuan kung sino aakyat kasi natatakot din sila. Ang ginawa na lang ni Angel tinawagan niya si Uncle para samahan sila umakyat pero mas weird kasi sabi ni Uncle hindi rin daw siya umaakyat doon matagal na. Ang ending doon si Uncle sa bahay nila kumuha ng mga gagamitin namin para matulog. (Lapit lang ng bahay ni Uncle mga dalawang bahay lang ang pagitan).
Bago matulog nag-uusap usap pa kami kung anong kakainin namin for breakfast at ano pang bibilhin namin bago pumunta sa beach resort at mag check-in. Unti unti na din kaming nakarandam ng antok at naging tahimik na sa Ancestral Home.
Hindi ko alam kung gaano na ko katagal nakatulog pero naalimpungatan ako. Tapos hirap na ko makatulog ulit, akala ko dahil pagod sa work at byahe ay makakatulog ako ng mahimbing. Maya maya may nadinig ako sa labas nung bahay, tunog ng kadena or mabigat na bakal na parang hinihila ng mabagal sa semento. Umupo ako at sinubukan kong maaninag sa mga jalousie kung may pumasok ba sa gate kasi may ilaw naman sa labas. Then bigla ko narealize na yung tunog pala is parang prisoner shackle (sorry di ko alam sa tagalog). Yung tunog kasi para siyang naglalakad ng mabagal tapos dina-drag niya yung kadena ng shackle. Pinakiramdaman ko yung mga friends ko kung naririnig din ba nila kaso mukang tulog na tulog sila. Natakot na ko so pinili ko na lang magtalukbong ng kumot at parang sobrang bagal din ng oras nung time na yun. Pero maya maya naramdaman ko yung isang friend namin na tumayo, tinignan ko siya at naglalakad siya diretso papunta sa may pinto sa kusina yung papunta sa likod. Natakot akong sundan siya kaya hinintay ko lang bumalik, tinanong ko kung nadidinig niya din ba yung mga kadena, oo daw pero wala naman siyang nakita. Hindi ko alam kung gaano katagal bago ako nakatulog ulit.
Pag gising ko ulit maliwanag na thank God. Nakakwentuhan ko ulit yung friend kong matapang na tumayo pa sa may pinto about dun sa nadinig namin. Nagulat kami nung biglang naki-join sa usapan yung iba kasi nadinig din pala nila pero di na lang nila pinansin.
Doon lang kinwento ni Angel na may ganoong kwento din yung lolo niya noong bata pa siya. May nagpaparamdam daw na Japanese soldier na naging preso daw noon dun sa lugar nila. Ayaw nga niyang ikwento pa yung iba kasi baka matakot lang daw kami lalo.
Ayun after namin umalis dun at mag check in sa beach resort di na kami bumalik nung pauwi na hehe nagpa-diretso na kami sa terminal ng bus.
Ayun lang salamat sa pagbabasa 👻
⛓️⛓️⛓️⛓️⛓️⛓️⛓️⛓️⛓️⛓️⛓️⛓️
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)