PROBINSYANA
Laking probinsya ako. Tunay na masarap, maayos, masaya at payapa ang pamumuhay sa isang probinsya. Hindi mo alintana ang hirap ng buhay dun basta wag lang magkakasakit.
17 years old na ko ng maranasan ko ang mga bagay na akala ko ay kwento at kathang isip lang ng mga taong naniniwala sa mga multo at lamang lupa.
Nag-aaral ako ng kulehiyo ng mga panahong yun. May isang tumbang puno ng sampaloc bandang likod ng bahay namin nun at doon ay matatagpuan ang bago pa lang na gawang deep well (poso/bombahan). At dahil nga probinsyana ako, madalas ako naliligo sa poso na iyon at pagkatapos ay tumatambay ako sa tumbang malaking puno dun na ginawan nga din pala namin ng Tree House, kaya talagang nakakaaliw magtambay dun habang nagrereview. Halos hating gabi na ko nakakapasok ng bahay nun, palagi pa akong napapagalitan ng aking ina na wag masyadong magtatambay dun lalo kapag sobrang lalim na ng gabi dahil baka maanayo(mabatian ng maligno). Hindi ako naniniwala nun sa mga ganung kwento kaya tuloy-tuloy lang ako sa mga ganung gawain.
Isang gabi ng tumambay ako dun, sobrang nag-iba yung pakiramdam ko na nun ko lang naramdaman simula ng magtambay ako dun. Tila nanaas mga balahibo ko at lumalaki ang ulo sa kakaibang pakiramdam na yun. Para akong hinihipan ng kakaibang hangin. Hanggang sa magdecide na ako na pumasok ng bahay upang matulog naman.
Hating gabi na at nakatulog na ko nun ng bigla akong magising at makita ang isang anino, malaking-malaking anino na unti-unting lumalapit sa akin ng gabing yun. Hindi ako makagalaw nun na tila dagan niya ang buong katawan ko, hindi din ako makahinga dahil sa nararamdaman kong bigat. Dinadaganan ako ng malaking itim na tao, sobrang nakakakilabot ang kanyang wangis(hitsura) ng matanto ko ang kanyang mapulang mga mata na napapaligiran ng itim niyang hitsura. Naiyak lang ako habang nakakagawa ng ako ng ingay na naging dahilan ng pagkagising ng mga kasama ko sa bahay. Nagulantang ang nanay ko ng makitang hindi ako gumagalaw at mulat na mulat ang mata ko na tila may kinakatakutan. Akala ko makikita din siya ng mga kasama ko s bahay pero nagkamali ako, ako lang nakakakita sa kanya. Kita ko na talagang hindi siya umaalis sa ibabaw ko at dun ay naghahabol na ko ng hininga, kita ko ang pagpasok ng 3 dwende na tila tinataboy nila ang itim na maligno na nasa ibabaw ko at dun nagtagumpay ang mga dwende na paalisin ang itim na tao na yun, dun ako nakagalaw at nakakilos na naghahabol ng hininga. Halos 3 days din akong dinadalaw ng itim na nilalang na yun bago ko pa makwento sa nanay at mga kasama ko, yun ay naikwento ko lang sa kanila nung mataas na lagnat ko, at nagtuturo na ko kung saan siya sa sulok ng bahay nandun. Agad naman pumunta yung tita ko na malapit lang sa bahay namin at dali-dali niya ko nilagyan sa paanan ko ng bawang saka nilagyan ng medyas, tinalukbungan(nilagyan) din niya ako ng pulang tela sa ulo ko saka nagkuha ng insenso at kamangyan saka niya pinausukan ang buong bahay namin. Sabi niya, kapag bumalik pa ito ay dalhin na agad ako sa albularyo. Naging maayos man ang tulog ko ng gabing yun pero nung sumunod na gabi dinadalaw niya na naman ako, sa mga sumunod pang araw hindi ko na maigalaw ang kaputol na katawan ko, pilit kong pinapagalaw para hanapin ang mga kasama ko sa bahay, hinihila ko na yung kaputol na katawan ko(bewang hanggang paa), agad ko naman nakita ang nanay ko at kapatid ko na naiyak sa kalagayan ko. Tumawag agad sila ng albularyo upang matingnan ako at matawasan. Nakita agad ng albularyo kung anung klaseng nilalang yun. Isang alaga na sobrang nagkagusto sakin ng mga panahong nagtatambay ako sa tumbang malaking puno sa likod ng bahay na malapit sa poso.
Hanggang ngayon ay aral pa din sa akin ang mga pangyayaring yun.
Sana maipost po Admin. Salamat po.
-Ms.Eya ng Marinduque
📜Spookify
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)