Nangupahan

37 0 0
                                        

Haloooo. Share ko lang story ng buhay ko 😂 djk hahaha so ito nga,

2015 nagkaroon kami ng issues sa fam namin. Warla warla ganern. So to give way sa tita ko, ako ang umalis sa bahay namin. 2nd year college ako nun. (Sige hulaan niyo age ko now 😂) nangupahan ako ng room sa Bambang sa manila. Syempre yung pambayad ko dun yung natitira lang sa allowance ko kaya mumurahin lang na kwarto kinuha ko. Oks naman yung lugar tahimik. Maliit lang yung room good for 2  siya basta sa lapag ka lang mahihiga, may kasamang built in cabinet yung kwarto na nakuha ko. May bintana pero creepy lang kasi dingding ng kapitbahay mo lang di makikita mo and super dilim siya. Hindi siya yung usual bintana na may katabing bahay hahahaha 2nd floor pala yung room ko. Sa 2nd floor may 6 na room kasama yung sa Landlord.

Bali yung bahay ay 3 floors. Yung 1st floor ay ginawang church daw ng born again. Then 2nd and 3rd floor ay ginawang paupahan..

So eto nga ang kwentong kababalaghan.

Every sunday and wednesday kasi ang service dun sa church sa baba, tho yung ingay nung service is hindi ka naman mabubulabog tamang vibrate lang ng sahig ganun. Tuwing praise and worship, yung 3rd floor laging parang may galit, mga nagbabagsakan ang gamit ganun. Creepy talaga yung apartment pero ayun nga since mura, tiis tiis lang. 2 months lang tinagal ko dun sa unit. Nagpupunta din sa unit ko yung bf ko. may time na dun siya nautulog din kasi nag working student ako sa isang cc sa makati, so hatid sundo niya ako. One time na sinundo niya ako, hindi niya kinaya umuwe, that's wed so may church service. Nagtataka siya kasi bakit daw ang ingay sa 3rd floor lagi mga nagkakalampagan so sabi ko, every week yun basta may service sa baba. Creepy daw sabi niya. E sabi ko sanay nako. Hinahayaan ko lang since hindi naman ako ginugulo. So after a week nung incident na narinig yun ng bf ko, ihahatid niya ako sa work nun, may spare key kasi siya nung room ko, edi diretso lang siya. Pag pasok niya sa kwarto tulog pa ako nun siya nalang gumising sakin. Nagtataka siya bakit ang dami ko itim itim sa katawan, parang pasa ganun, kahit anong sabon ko dun sa itim itim ayaw mawala pero hindi naman siya masakit. Nung lumipat kasi ako dun sa unit na yon, nag lagay ako mga bible verse sa ding ding ko lalo na dun sa bintana kasi nga natatakot ako. Tas tuwing dadating ako sa unit lagi nasa sahig yung mga dinikit ko. Parang inaalis ng sadya? Tapos sabi nung landlord namin dun ganun daw talaga dun kasi may mga bantay daw talaga yung apartment since luma na nga daw kasi.

Madami pako creepy experiences dun kaso ang haba na 😂 next time nalang ulit. Lagay ko sa com sec neto hehe




📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon