BINTANANG KAWAYAN

54 1 0
                                        

BINTANANG KAWAYAN

Greetings Spookify! I would like to share my creepy experiences in my Lola's house. I'm Vegas by the way.

Actually, feel ko rin may sixth sense ako, pero di ko nalang pinapansin. May nakikita at nararamdaman ako, pero kusa namang nawawala yun nga lang bumabalik din. It started.. ewan di ko na maalala kung ano ang pinaka unang na encounter ko sa dami ng pinagdaanan ko.

Pero let's start with this one, 2012 or 2013, pumunta kami ng bukid para magbakasyon at para nadin mag celebrate ng New Year. Madilim narin kaming nakarating sa bahay nila lola around 5 or 6 siguro, pagod ako nun naalala ko pa I was around 11 years old back then.

Dalawa lang kwarto nila lola nun, the rest sa lapag natutulog sa baba na naglalatag lang sila ng banig at pinailaliman ng karton para di malamig (dos andanas ang bahay ni lola). Nag-uusap sila sa balcony sa labas, pagod ako e, kaya natulog ako sa isa sa mga kwarto sa taas, habang ang mga pinsan ko naman ay naglalaro sa kwarto rin kung saan ako matutulog. Ang ingay nila, di ako makatulog. Hindi ko alam bakit, pero nakatitig lang ako sa bintana habang nakahiga, tulala. Hanggang sa naka idlip ako.

Nagising ako sa sobrang tahimik na ng kapaligiran ko, tila walang tao kaya sinilip ko sila mama sa labas ng balcony mula sa bintana sa kabilang kwarto, tanaw ko sila mama roon, nag uusap sila ng mga tito at tita ko pati narin ang lola. Nakatulog na pala ang mga pinsan ko sa baba, tanaw ko rin kasi sila nung papasok ako sa kabilang kwarto.

Bumalik rin ako at pinatuloy ang tulog ko, pero di nako maka-idlip ulit e, kaya.. dating gawi, titig sa bintana. Yung bintana ng bahay ng lola, kawayan lang at may kurtina pangtabon tuwing matutulog na sila. Dapat sana di nako tumitig dun, napapaginipan ko parin kasi.

Habang tumititig sa bintana, may napansin akong mata, pulang pula, nakatitig sa akin. Wala pa akong naramdamang takot dun until ilang blink ko lang, mukha na ang tumambad sakin. Lalake, pula yung mukha, pula yung mata, pula siya lahat ewan tila duguan. Ang dungis, naka ngiti sakin habang yung ulo niya tila umiikot ng pakaliwa. Langya talaga, nanlalamig nako at  nangiginig ang mga tuhod gusto ko mang umiwas ng tingin diko magawa kahit pumikit rin dala siguro ng takot. Siguro na passed out ako, hindi ko kase alam kung pano ako nakatulog nun. Diko sinabi kahit kanino yon kaya ang bigat sa pakiramdam, hanggang nung umuwi kami feel ko nakasabay siya sa byahe.

Hanggang ngayon, minsan may kumakalabit, tumatawag sakin, at nag papansin. Hindi lang ito ang mga experience ko, marami pang iba na puwede ko ring ikwento.

— Vegas

📜Spookify
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon