Vigan
Nagstay kami sa isang Villa sa Vigan. Maganda siya, lumang bahay na ngayon pwede na irent for staycations. Sabi nung caretaker, dun daw nagstay sila Angelina Jolie at Brad Pitt pero di ko lang alam kung totoo. Normally, pag mag oout of town kami tinataon namin na weekdays para mas ma enjoy namin ung place kasi pag weekends laging crowded. Kaya pagdating namin dun pa check out na ung iba at kami nalang ang naiwan. Describe ko lang ung bahay. Malaki ung garden niya. Pag pasok mo sa staircase na luma, gawa sa bricks yung parang pang engrandeng entrance ang dadaanan papasok ng bahay. Pag akyat mo, isang mahabang dining table agad. Lahat talaga antique pati mga decors nila. Yung room na kinuha namin family room siya na may 4 beds. Tulad ng mga lumang bahay, nasa ibaba ang kitchen.
Nagkayayaan mag inuman ung driver namin, kapatid ko at boyfriend ko so dun sila nagstay sa baba. Ako naman saka si mama, natulog na kasi pagod kami sa byahe. Dati inaabot sila ng madaling araw pero this time maaga silang natulog din. Nung nagiinuman daw kasi sila, may narinig silang naglalakad sa dining room at inuusog pa daw ung mga upuan. Akala nila si mama. Sabi pa nila ano ba yan si mama gabing gabi nagliligpit pa din. Kaya binalewala nalang nila. Ang tagal daw na maingay hanggang sa naiihi si boyfriend kaya umakyat siya para mag cr. Pagakyat niya wala namang tao sa dining room at pagpasok niya sa room eh tulog naman kami. Kaya pagbaba niya di na niya tinakot ung dalawa sabi lang niya pack up na sila.
Nung umaga na nagbbreakfast na kami. Hanggang sa nagkwento ung driver namin sabi niya “si mam gabing gabi na nagliligpit pa kagabi dito sa labas eh. Rinig na rinig pa ung langitngit ng kahoy dun sa baba”. Nagtaka siya, sagot ni mama hindi naman daw siya nagligpit kagabi kasi maaga din siyang nakatulog. Kahit na common area ung dining room, impossibleng ibang guests un kasi kami lang naka check in nung time na un. 2 nights dapat kami dun pero 1 night lang naman ung bayad na kaya nag decide nalang kaming lumipat ng ibang hotel.
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
![](https://img.wattpad.com/cover/334075232-288-k923540.jpg)
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.