THE WATCHER
Nung mga panahong hindi pa uso ang online banking, monthly akong nagpupunta sa m lhuillier sa may paradahan ng tricycle malapit sa amin. Bilang panganay na anak, nakaka receive ako ng malaking halaga na siya naman ay pinapadala ko sa mga kapatid at kamag anakan na sinusuportahan ng aming ofw na tatay.
Isang hapon, kasama ko ang sister ko at ang dalawa niyang anak kasi wala na daw silang grocery, so ang plano ay pagka tanggap namin sa pera, dederecho na kami sa pamimili. Bitbit ko din ang toddler ko gawa ng walang magbabantay.
Habang nasa grocery kami, may napansin akong lalake na naka cap at jacket na naka titig sa akin. Pero dahil abala ako sa mga bata, nawala din agad sa isip ko.
Maya maya, dumikit sa akin ang sister ko. "Ate, yung nasa m lhuillier kanina, siya yung lalakeng naka sunod sa atin. Umalis bigla ate pero nasa likod natin kanina." Sabi niya. Hindi ako umimik, at naisip ko na wala naman sigurong gagawin yun dahil may kasama kaming mga bata. Mahigpit ang kapit ko sa anak ko nung paglabas namin sa grocery. Napansin kong may naka tambay sa parking lot, naka sandal sa poste, pero dahil nagmamadali kami, hindi ko na tinignan ng maigi. Nakasakay na kami sa kotse nung may narinig akong tumawag na "Mam! May nahulog sa kotse mo!" Kinakatok niya yung salamin ng bintana ko at nakaturo sa may paanan niya. Yung guy na nka cap. Sa takot ko pinatakbo ko nalang ang sasakyan.
Naka uwi kami ng maayos. Bukod ang entrance ng space nila sa space namin, yung sister ko ang nakatira sa likod ng bahay ng parents ko. Parehas na graveyard shift ang mga asawa namin, at wala kaming ibang kasama kundi ang mga bata pag gabi.
Madaling araw ng nagising ako, may nag shashake ng kama ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Naisip kong icheck ang bahay. Dahan dahan akong nagbukas ng pinto ng kwarto at naglakad sa dilim. May mataas na bintana sa salas kung saan pwede kang sumilip sa kalsada. May naglalakad sa harapan namin, pero wala akong makita from the window. Parang nasa ilalim siya mismo ng bintana. May naamoy akong yosi. Ang tagal kong naka bantay sa pwesto ko, pinakikiramdaman ko lang. Narinig ko yung gate namin tumunog yung yero na parang tinulak. Hindi ko magising ang kapatid ko dahil lalabas pa ako para maka katok sa side ng bahay niya. Binuksan ko na lang lahat ng ilaw s bahay at hindi na natulog.
Mga ilang araw din ng makita ko ulit siya, parehas ang height at itsura pero iba na ang kulay ng cap at jacket at naka shades na siya. Sa tricycle niya ako napatapat sa pila. Kunwari may nakalimutan akong bilihin at dali dali akong lumayo. Pag lingon ko, naka lingon din siya sa akin.
Naging ugali ko na na sumilip sa bintana kada may maririnig ako na tricycle. Kapag nasa labas naman ako, palagi akong aware sa mga tao sa paligid ko at tinitignan ko talaga yung titingin sa akin. Nag iba nadin ako ng branch ng m lhuillier. Hindi ko na din siya nakita o yung tricycle niya. Sa huli, ako yung naging watcher.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)