BOOKING
November 13 2020, kumuha ako ng schedule sa sideline ko as rider, pumili ako ng schedule na 8pm to 12am. Hindi ito ang tipikal na kinukuha kong schedule pero ito nalang kase ang available na schedule saka sabi kase ng kapwa ko rider malakas daw byahe sa gabi kaya sinubukan ko.
Start na ko ng shift normal naman ang lahat mejo malakas nga wala pang isang oras nakaka limang byahe na ko, after ko madeliver yung pang lima kong byahe may pumasok na order sakin na agad kong inaccept wala namang unusual pero ito pala yung deliver na di ko makakalimutan sa buong buhay ko, isang iced coffee tapos cinnamon roll ang order. After kong mapickup ready to deliver na kinontak ko yung customer pero ang reply lang niya sakin ay "okay" di ko nalang pinansin, rekta deliver na ko, nung makarating ako sa village kung saan yung address dun na nag start ang nakakakilabot kong experience. Mejo malawak yung village, pero alam kong malapit na ko sa destination ko base sa maps na sinusundan ko, hanggang sa mapadaan ako sa isang malaking puno na nakakatakip sa buwan at maliliman nito ang buong kalsada, paglagpas ko don ay nag simulang magloko yung maps na sinusundan ko, pababa yung kalsada kaya mejo nagbagal muna ako ng takbo para ayusin yung pwesto ng cp ko baka kako mahina cignal pero biglang nag lost connection yung cp ko at nawala na yung maps na sinusundan ko kakatingin ko sa cp ko di ko napansin, mejo malayo na pala nabaybay kong kalsada kaya nagpasya nalang akong hanapin yung street at house number nung customer nang magfocus na ko sa kalsada eii. Wala na kong nakikitang bahay sa paligid puro talahiban at bakanteng lote ang nakikita ko tumigil ako saglit para magmasid, pababa ang kalsadang binabaybay ko at habang tinatanaw ko ang dulo eii wala akong makitang bahay, kaya nagpasya akong bumalik paakyat nadaanan ko ulit yung malaking puno pero hindi ko na makita yung mga bahay na nadaanan ko. Bago yon, ang natatanaw ko lang ay isang derechong kalsada na napapaligiran ng talahiban puro bakanteng lote, kinabahan na ko, naliligaw na ko pero imposible sinimulan kong mag patakbo ng mabilis pabalik dinerecho ko yung kasada hanggang sa makakita ako ng isang ilaw sa dulo kaya lalo kong binilisan ang takbo para puntahan yon, pero sa tantya ko mga kinse minutos ko ng binabaybay yung kalsada pero malayo parin yung liwanag na nakikita ko, di ko na alam gagawin ko. Mabilis na ang takbo ko dahil sa kaba at sa kagustuhang makarating sa ilaw na natatanaw ko, biglang may tumahol na aso sa bandang kanan ng kalsada nilingon ko saglit pinanggalingan nung kahol ng aso pero nung binalik ko na ang tingin ko sa kalsada ay may biglang tumawid na matanda, lumabas siya mula sa talahiban tumatakbo siya ng parang kuba, sa bilis ng motor ko di ko na nagawang umiwas, naging dahilan ng pagsemplang ko tinamaan ko siya alam ko, sumadsad ako sa kalsada ng patagilid habang nauuna ang motor ko, mabuti nalang at gasgas lang ang inabot ng kaliwang bahagi ng katawan ko pero dahil sa impact, kahit nakahelmet ako eii mejo nahilo ako at napahiga ng nakatagilid sa kalsada. Habang nakahiga ako nakikita ko yung ilaw na sinusundan ko kanina papalapit sakin, nakakasilaw tumigil yung liwanag sa harap ko sunod na nagyari ay naramdaman kong may bumubuhat na sakin untiunti akong nakakrinig ng mga taong nagsigaw na ang sabi "isakay nio na sa mobil dalhin sa ospital" nilingon ko yung boses nakita ko na binubuhat ako ng tatlong gwardya, pasakay sa parang minicab na pinanggagalingan nung liwanag na nakita ko kaninang palapit, unti unting bumabalik ang ulirat ko at nakita ko yung matanda na tumawid nakahalo sa mga taong nakatingin sa akin, dito ko mas nakita ang itsura nia at nalaman kong matandang babae sya nakaitim na damit at nakangiti siya na kita ang mga ngipin, nakatitig lang siya sakin ng ganon habang sinasakay ako sa mobil. Nadala ako sa pinakamalapit na ospital sa lugar at na asikaso naman agad, habang nag aantay makalabas ng ospital ay kinausap ko yung OIC ng mga guard sa sumama sakin, gusto ko sana ipaliwanag sakania yung nangyari pero inunahan nia ako ng tanong. Sabi nia ano ba daw ang ginagawa ko at bigla kong binilisan ang takbo na naging dahilan ng pag bangga ko sa malaking puno sa harap ng abandunadong bahay, di ko maintindihan dahil iba naman ang nangyari sakin. Lumipas ang isang araw binalikan ko yung motor ko dun sa village na yon para kunin na at habang na sa club house nila ay pinakita nila sakin ang cctv footage ng nangyari, nakita ko na tumigil ako lagpas ng kaunti sa malaking puno at inayos ang cp ko ng bigla kong inikot pabalik yung motor ng mabilis at ibangga ito sa malaking puno. Naisip kong ipakita sakanila yung address ng delivery ko nung araw na yon at nagtinginan silang lahat na parang kinilabutan, sabay sabi sakin nung isang guard na "dun yan sa abandunadong bahay, pero matagal ng walang nakatira sa bahay na yon, mga limang taon na nakalipas nung magpakamatay yung huling tumira jan, jan din mismo sa loob ng bahay na yan" kinilabutan ako sa narinig ko, hanggang pag uwi ng bahay ay di maalis sa isip ko yon. Ilang linggo dn ako di nakapasok sa main work ko dahil sa aksidenteng yon. Di narin ako pinag byahe ng asawa ko as rider ulit mula non.📜Spookify
▪︎2023▪︎
![](https://img.wattpad.com/cover/334075232-288-k923540.jpg)
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.