Sino sa inyo ang nakaka alala pa, i think this was late 80's to early 90's. May number ang PLDT nun na kapag dial mo eh may parang recording ng matanda babae ang sasagot, foreign language sya and it lasts for more than a minute. It sends chills kapag pinakinggan mo ito. Eto yung time na karamihan ng mga unit is yung de ikot pa na telepono na halos 1 kilo ata ang bigat.
The story behind it was, may isang matanda na mag isa na lang nakatira sa kanyang bahay. Then dumating sa point na di na nya mabayaran yung bill nya sa PLDT and she was told na idi disconnect na yung linya nya. Nag makaawa ang matandang babae kasi iyon lamang ang paraan nya para makausap ang kanyang mga anak na nasa malayong lugar. Humingi sya ng pagkakataon na mabayaran ang bill nya sa mga susunod na araw, pero hindi pumayag ang kolektor. Then sinabi nya dun sa naniningil na mag iiwan sya ng isang bagay or something na hindi nila makakalimutan. Tuluyan na nga na naputulan ng telepono ang matandang babae. Then one day namatay yung matandang babae.
Pero ang nakapag tataka, yung number ng matanda kapag dinayal mo eh mag ri ring pa din and after a few seconds may sasagot at maririnig mo ang boses ng matandang babae na may sinasabi, medyo mahinang boses sa simula kaya mahirap intindihin and then haggang sa lumakas na at dun mo ma realize na foreign language sya or na parang dasal sya or orasyonna Latin.
The story went on and i think yung number na yun eh never ng nagamit ng PLDT. Hindi na nila na recycle yung number para maipagamit sa mga bagong subscribers. Since during those times eh wla pa nmang google or SocMed, mahirap ma verify yung story behind it. Years ago i tried searching Google about the story behind it pero wala akong makitang result, or maybe i'm using the wrong keywords.
I can attest to this kasi my siblings were able to call the number and it was really creepy. Though mga bata pa kami nun and para sa amin laro lang lahat. We eventually forgot what the number was. once in awhile pag nag kakausap kami ng mg kapatid ko at mapagusapan yon, definitely nag tatayuan mga balahibo namin.
I know maraming may alam ng istorya na to or similar to this, sana andito kayo sa group to share some insights. Eto din ung time na uso pa ang batuhan ng number sa partyline.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.