Tagaytay Road
Good eve sa Lahat. May I kwento ako..
Handa na ba kayo?
Tara, Subaybayan natin ang kwento ng aking Tropa sa pinamagatang Tagaytay Road
May Tropa ako na isang K9 Trainer. Madami na sya mga naging client at minsan naisama na rin nya ako sa mga Pagtratraining nya. Every time na May training sya lagi nya ako inuupdate lagi nya pa ako tinawagan via Messenger para ipakita ang new client nya at Dog na tinitrain nya.
Isang araw, May nakuha sya client na mula sa Laguna, malapit sa Nuvali area. Since taga Dasma lang sya ay kaya nya I motor yun for less than 2hrs. Pag Full course training ang inavail sa kanya, palagi bukang Liwayway ang Start ng training nya para ma-enhance ang skills ng Dog at mas May kondisyon ang aso kung palagi umaga ang start ng Training.
So since sa Nuvali ang Location ng kanyang Client, ang easy access dun ay kung dadaan sya sa Tagaytay road pababa ng Santa Rosa. Diba sa mga rider Jan alam nyo naman kung gaano ka tahimik at eerie ang way pababa ng Sta Rosa galing Tagaytay. At ang masaklap pa dito bilang lang ang bahay na madadaanan mo. Nakadaan na rin kami sa daan na eto nung 2017 kaya alam ko kung ano feeling. 🤣🤣
Umalis daw sya ng 4am sa Bahay nila sa Dasma para before 6am ay eksaktong start na ng Training nya sa client at Dog.
Etong tropa ko astig at barumbado pero pag dating sa mga ganitong kwento at experience eh tiklop ang pagiging maton nya😂😂🤫 habang Binabaybay nya ang Way pababa ng Tagaytay Road - Sta Rosa medyo madalim pa nun kaya kampante sya na wala na mga magpapakita kanya.
Sa May talahiban area, May naaninag sya babae. May kahabaan daw ang Buhok nito. Mabagal daw lumakad at nung medyo malapit na daw sya ay kumaway sa kanya ang babae pero nakatungo lang eto. nanginginig daw sya at sa sobra takot napaharurot daw sya. Buti na lang at kinontrol pa rin daw nya ang sarili kung hindi titilapon sya sa baba. Nung araw din un ay bumisita sya sa akin para ikwento eto. At simula din nung araw na yun nag adjust sya ng oras ng turo at di ba muli kumuha ng client na malapit sa Nuvali. At dun nya lang din narealize na ung area na yun ay lagi tapunan ng patay .at meeting place sa mga dinudukot na tao.
📜Travel Horror Stories
▪︎2022▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.