Glitch

47 1 0
                                        

Not necessarily nakakatakot pero my wife had an out of this world experience few months ago. Nag dadate kami sa SM Sta. Rosa. Habang nag iikot kami, nakita namin yung Soy Yummy duon at sabi, diyan tayo mag dedessert mamaya after natin kumain ng lunch. Sabi niya, sige gusto ko niyang taho!

Pagkatapos namin kumain, hinanap na namin yung Soy Yummy at nag tataka kami kasi hindi namin makita si Soy Yummy. The following visit, inikot namin ulit yung buong SM Sta. Rosa, at wala hindi na talaga namin nakita yung Soy Yummy.

Out of curiosity, nag search ako sa google at nakita ko na nag open si Soy Yummy sa SM Sta. Rosa last 2016 pa, pero nung tinanong ko yung information desk kung may Soy Yummy na stall ba, wala raw.

Tingin namin ng wife ko, napunta kami sa ibang dimension kung saan merong Soy Yummy sa SM Sta. Rosa or possibleng nag time-travel kami in the past kung saan may Soy Yummy sa SM Sta. Rosa.



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023¤

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon