ANG LARO NA BINAON NA SA LIMOT..
Hello sa Lahat.. Musta na kayo? Medyo naging busy sa work at nito Holiday kaya di na nakapag share ng Story dito.
Nung nagkaroon ng Virtual Meet and Greet na inorganize ni Admin nung Holloween, eto kwento sana ang ishare ko pero biglang nagbago ang isip ko sabi ko sa sarili ko sa ibang pagkakataon na lang siguro. and this is the right time to share this story na matagal ko na binaon ko na sa limot at ayaw ko na mapagusapan at gawin pa..
Flashback year 2000, Grade 4 ako nun at nag aaral sa probinsya namin. gawain ng mga bata sa school ang mag laro ng kung ano ano. anjan ang Larong text, Jolens, mga Luksong Baka at etc. at pag nasawa nman, chikahan ng kung ano ano kwento. hanggang isang araw may laro na inintroduce ang kaklase ko babae..
Tara laro tayo ng "Spirit of the Body"
Syempre pag bata wala pa sila alam kung ano pwede kahinatnan ng mga ganito laro. saka wala pa alam tungkol sa mga Psychic activities and etc na pwede ikapahamak.
Me: Paano yun?
Classmate: Ganito lang, Pikit mo mata then hawakan ko kamay mo. then may spiel sya na binabanggit..
So may nag volunteer sa group namin. excited kasi may sanib chenelyn daw ng mga lamang lupa.
nag Volunteer ang kaklase ko lalaki na isa sa maangas sa amin. sumunod sya sa instruction nung kaklase ko babae.
Classmate G: Pikit mo mata mo ilagay mo at tumayo ka lang ng matuwid.
at tahimik kami sa susunod nya gagawin.
"Spirit of the Body Please Come in"
with Matching Finger Flip yan in a Cross Sign.
3x nya sinabit ang Katagang yan at saka kinuha ang dalawang kamay ng kaklase ko na noon ay nakapikit lang. at yun ay kanyang iwinagayway.
Spirit of the Body Please Come In. with Finger flip ulit in a Cross sign.
Classmate Girl: Sino gusto mo sumanib sayo? nagbigay sya ng choices at lahat ng pamilyar na Lamang Lupa binangit nya. Pipili lang sya ng isa sa mga nabanggit,
Pagkatapos pumili ng Kaklase ko lalaki ng gusto sumanib sa kanya nagpatuloy ulit ang kaklase ko babae sa Spiel at pag finger Flip..
Last Spiel nya "Espiritu ng (Lamang Lupa) Sumanib ka na sa Katawan ni (Pangalan ng Kaklase ko lalaki)
Pinakiramdaman lang nmin sya kung may exorcism na magaganap pero chariz lang pala.. haha. Simula noon naging laro na namin eto at ung ibang participant nagpapanggap na nagsasapi sapian. Just for Fun.. Not until nung nasa Grade 5 na kami. Minsan na ako nag volunteer dito at lagi ako nagpapapanggap ng may sapi. ang ginagawa ko tumitingin ako ng matalim sa mga Clasmate ko. at ang saya ng feeling ko everytime na may natatakot ako na classmate ko. at may mga bagay na pumapasok sa isip na masama habang nagpapanggap na may sapi. ewan ko parang may nagkokontrol sa akin di man directly pero ramdam ko ung evilness sa isip ko. na buti na lang nasa katinuan pa ako.
Hanggang isang araw nag confess sa akin ang Kaklase ko na mahilig din mag volonteer sa laro eto.
Wala ka ba nararamdaman na kakaiba after mo maglaro nung spirit of the Body?
Me: Wala namn. Kalokohan lang eto larong eto. haha..
Nung last time na nag laro ako bigla ako nawalan ng lakas. hinang hina ako. kaya paguwi ko sa bahay nakahiga na agad ako kasi parang pagod na pagod ako saka ang sakit pa ng ulo ko.
Me: Tinatakot mo lang ako eh. pag ako ulit nagvolunteer jan hahabulin kita. haha
Hanggang sa Naglaro ulit kmi ng mga kaklase ko ng Spirit of the Body. as usual ako na naman ang nagvolunteer kasi mananakot na nman ako ng mga classmate ko.iba ung feeling pag nararamdaman ko na takot na takot sila sa akin. ang feeling ko napaka superior ko. kahit na alam namin na isa lang eto laro at nothing serious.
Matapos ang laro na un. tila nawalan ako ng lakas. bigla ko naramdaman ang pananakit ng ulo ko na di ko maintindihan. feeling ko tumakbo ako ng 10 kilometro at kailangan mag gain agad ng lakas. di ko maintindihan kung bakit ko naramdaman un nung oras na un pero di nman pisikalan ang laro na eto. hanggang sa paguwi ko sa bahay ganun pa rin ang nararamdaman ko kaya nagpahinga agad ako kahit na alas 5 pa lang ng hapon nung araw na un.
Simulan nun di ko na sumasalang sa larong eto. feeling ko may elemento na anuman oras ay kaya kami saniban for real.. hanggang sa magtapos ako ng elementary di na namin ulit eto nilaro..
Lumipas ang taon hanggang sa makatapos na ng College at makapag trabaho. Minsan bumabalik sa ala ala ko ung laro na eto. at di ko mapigilan manginig sa takot. naisip ko na what if kung nung panahon na un napossessed ako ng Elemento ginagambala namin.. kaya ba nila kontrolin ang katawan ko? sino ang magtataboy ng tinawag namin? lalo pa at wala nman ganun history sa school namin. nagpapasalamat ako at habang maaga pa lang ay naihinto ko na ang kahibangan sa larong un.
Last Nov, Nasa Probinsya ako para sa 40days ng lolo ko. ay muli kmi nagkita ng kaklase ko na unang sumabak at unang nakaramdam ng kakaiba pakiramdam sa larong eto. nagkamustahan kami at napag usapan ang mga buhay buhay at mga kalokohan nung Elementary hanggang sa na brought up nya ang tungkol sa larong eto.
Naalala mo pa ba ung Spirit of the Body?
Me: Oo Naman. mahilig tayo magpanggap ng sinasapian ng kung anik anik. matakot lang natin mga Classmate natin.
Former Classmate: Haha. oo nga.. Galing mo nga umakting na para kang adik.
Me: Haha. Sus katuwaan lang un. (Pero that time kinikilabutan ako pag naalala ko ung last experience ko sa larong un. kaya nag divert na lang ako ng ibang topic na mapapagusapan)
Isa lang napatunayan ko sa Experience ko na yun. wag na natin gambalain or gawing laro ang pagtawag sa mga elemento na nanahimik l na namumuhay kasama natin. Against ako sa paglalaro ng Spirit of the Glass or coin kasi para akin panggagambala ng elemento at espirito na namumuhay na ng tahimik . Bigyan natin sila ng Respeto.
Salamat sa Pagbabasa. God Bless Us
📜Travel Horror Stories
▪︎2022▪︎
![](https://img.wattpad.com/cover/334075232-288-k923540.jpg)
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.