Almost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
Medyo matagal din ako di nkapagshare dito sa group, medyo busy eh. Etong kwento ko is from my sister in law, itago natin sa pangalang "R". Tumira kasi kami ng husband ko sa Sta. Ana, Manila for 3 years, from 2008-2011. Dun kami sa apartment ng family nya tumira. Lumang apartment to kaya medyo spacious, may 2 rooms sa 2nd floor. One day, mga hapon na yun, nagdecide matulog yung sis in law ko sa room. Sya lang mag isa dun sa room, naalimpungatan daw sya kc narinig nya bumukas yung pinto nung built in na cabinet. Eh wala naman daw sya narinig na pumasok sa room. Di sya dumilat pero gising na sya, pinakikiramdaman nya daw yung nagbukas. Tapos, parang ang impression nya daw is may batang lumabas sa cabinet, di ko alam kung paano at bakit nya naisip na bata yung lumabas. Pero narinig nya daw na naglakad papunta sa kama nya, kahoy yung sahig so dinig na dinig nya daw yung paglakad. Takot na sya kaya di pa rin sya dumidilat. Malalaki na kasi yung 2 nyang pamangkin nung time na yun, walang batang maliit. Naramdaman nya na umakyat sa kama yung bata at tumabi sa kanya, ramdam na ramdam nya pa daw na sumisiksik sa tagiliran nya at kili kili. Habang nakasiksik yung bata dasal daw sya ng dasal. Sa sobrang takot nya, nakatulog sya ulit. Pag gising nya, wala na yung bata..di na nya naramdaman. After a few years, di na dun nkatira yung sis in law ko, kami din ng husband ko at mga anak di na dun nakatira. Nagkaroon kami ng get together doon sa bahay ng biyenan ko. Andun din si R, nasa kwarto sya sa taas tapos ako naman nasa baba. Ka-video chat nya daw asawa nya tas nag pic sya. Sinend nya sa kin kc sabi nya, te tignan mo may batang nakasandal sa dibdib ko, eh wala naman bata dun sa taas kc andun kami lahat sa baba. Ang itsura ng pic, selfie sya eh so yung kita lang is yung from dibdib nya hanggang ulo, pero pag tinignan mo nga, may ulong nakasandal sa dibdib nya, ang kita lang is yung tuktok ng ulo. Naisip tuloy namin if it was the same kid na sumiksik sa kanya sa bed a few years ago..
=====================
Same apartment. Bagong kasal kami ng husband ko nung tumira kami sa apartment na to. Takot na takot ako sa 2nd floor, di mo ko mapapaakyat mag isa dun. Dahil nga may mga nararamdaman kami dun sa bahay, yung mother in law ko, twing hapon nag iinsenso sya dun sa mga kwarto sa taas. Nakakatawa nga eh, pagbababa na kami ng anak ko sa ground floor, ang gagawin ko dadalhin ko na lahat ng gamit naming mag ina. Mga pampalit na damit, tuwalya, charger, ganern. Para di na ko aakyat ulit para kumuha ng gamit. Hangga't di pa nag iinsenso yung biyenan ko, di ako aakyat. Pag uwi ni mister galing work, mga 9-10pm, saka lang kami aakyat sa kwarto. Pero nung araw araw na ginagawa ng biyenan ko yung pag iinsenso, nawala na yung mga nararamdaman namin sa bahay. Kaso ang kwento ng katabi naming apartment eh parang lumipat daw sa kanila yung mga mumung nataboy. Nung minsan daw kc umihi yung neighbor namin ng madaling araw, nakita nya may nakaupong matanda sa sofa nila😱😱😱
====================
"Ben 10"
May laruang ben 10 yung anak ko nung bata pa sya, mga 2 years old yata sya nito, 2010. Same apartment pa din ito. Naiwan kaming mag ina dun sa bahay, gabi na wala pa mga kasama namin sa bahay. Nasa baba lang kami nanunuod ng TV. Nang biglang may tumunog, narecognize ko na yun yung tunog nung laruan ng anak ko na ben 10, pero mahina na tunog parang lowbatt na. Di ko lang masyado pinansin hanggang sa tumigil. Tumunog ulit sya siguro mga 3x pa, hinanap ko na kasi naiirita na ko. Nakita ko nakapatong sa cabinet, pinindot ko, yun nga yung naririnig ko, same sound eh. Nakakapagtaka lang bakit tumutunog mag isa eh need mo sya ipress para tumunog, wala naman nakadagan dun sa toy sa ibabaw ng cabinet. Umupo ako ulit, di naman na tumunog ulit pero takot na ko. Maya maya pa, may parang shadow akong nakita pero mataas sya parang nakalutang, nag glide sya mula sa right side ng wall ng bahay papunta sa hagdan na nagsisilbing parang divider ng sala at dining area. Ready to run na sana ako nun, buti na lang dumating na mga kasama ko sa bahay...😰😰😰
Eto yung pic ni R na may ulo ng bata. Tinakpan ko lang mukha nya kasi di nya alam na ipopost ko pic nya eh haha..
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.