Hello mga ka-LTP! This is my first time to share here. I grew up na nakasanayan ng nakakakita ng something na unusual kase I'm not aware na may third eye ako not until siguro I was in high school na.
I have plenty of stories to share with but this hits the most kase kahit ako na-amaze.
Anyway this is way back around probably 2005. We went to Batangas together with my boyfriend's (now husband) officemates tropa. We stayed in one of the rest house nung isa naming kaibigan.
We were eating dinner non at kase nga usual na sa akin non na makakita ng someone from the other world, nagulat na lang ako ng may mapansin akong isang lalaki na nakatayo lamang sa likod nung isang kaibigan namin. Andun lang siya nakatayo sa likod ng friend namin habang nakain kame. Since napansin ko nga na hindi siya belong sa mundo natin, binulong ko yun sa bf ko. Sabi ko sa kanya, "Hun, wag mo sabihin ha pero may nakatayong lalaki sa likod ni Z!"
So nag carry on lang naman kame sa pagkain namin, tapos tulong-tulong sa pagligpit. Tapos ng dinner, nagayos na rin kame ng matutulugan namin sa taas.
Yung 2nd floor nila, medyo open lang tapos dun kame naglatag sa sahig para presko at masaya kase tabi tabi kame sa pagtulog.
Nung lumalalim na ang gabi, maraming mga paramdam na di mo nanaisin na imulat pa mga mata mo. Maraming beses kaming nakarinig ng mga yapak, mga hiningang pawang malapit lang sa tenga mo at tumatawa at bumubulong sayo pero feeling mo may nakalutang sa taas habang pilit mong di gumising at baka mamaya ano pa makita ng mga mata mo.
Nalaman na lang namin kinabukasan na lahat pala ng naramdaman ko, naramdaman din nila. Yung mga malakas na pagyabag at yung hinga ng isang babaeng animo'y panaghoy.
Sa gitna ng mga kwentuhan namin ng umagang iyon, lumapit samin ang may-ari. Siya ang nanay ng kaibigan ko na nakitaan ko na may lalaking nakatayo sa kanyang likod habang kame ay naghahanapunan.
Kahit sinabi ko sa bf ko na wag magkwento at sabihin yung nakita ko, eventually nalaman din ng nanay ng kaibigan namin na may nakita nga ako at pinadescribe sakin.
Wala naman ako talagang idea kung sino yun, at siyempre dahil sa pakiusap, sinabi ko kung ano itsura. Sabi ko, "basta nakatayo lang po siya sa likod ng anak niyo eh habang nakain. Pinagmamasdan lang po niya. Ang napansin ko lang po ay ganito siya katangkad (habang nakamuwestra ako sa sukat ng laki) at medium size lang ang built niya. Higit sa lahat, salt and pepper yung hair niya!"
Matapos kong madescribe ang lahat ng iyon, nagulat si Tita kase ang nakita ko daw pala ay yung namatay na asawa niya na never ko pang nakita.
P.S. Hindi ko talaga nakikita ng sobrang detailed yung mga itsura ng mga multo o kaluluwa na mga nakikita ko pero although parang silhouette lang talaga siya. Pero ewan ko ba, more or less kaya ko idescribe yung mga itsura nila. Yun lang. Sana nagenjoy kayo kahit papaano sa karanasan ko.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)