Toilet stories

44 1 0
                                    

Toilet stories naman tayo ahahaha! May na-compile ako 4 stories. Here goes:

Story 1:

Sikat na mall sa Makati starts w/ the letter "G". Nag cr ako sa 3rd floor ng mall na to, medyo tago yung CR at konti lang ang gumagamit nito. Masikip at maliit lang sya, may 3 cubicle. Walang tao sa CR, pagpasok ko sa unang cubicle, after ko mag wiwi nagsasara na ko ng zipper ng pants napatingin ako sa baba. Eh di ba mga cr sa mall malaki yung space sa ilalim ng pinto, yung tipong pwede gumapang ang tao. Nagulat ako kc may nakalaylay na buhok sa ilalim ng pinto😱 pagkakita ko binuksan ko agad yung pinto. Walang tao, ako lang. Lumabas ako agad at tinignan yung magkabilang side ng hallway pero wala naman tao. Kung nakayuko yung tao kaya nakalaylay dulo ng hair nya, eh bakit wala naman ako nakitang paa😱😱😱

Story 2:
Same mall hehe..although di naman sya talaga sa CR nangyari share ko na rin. Nagwork kc ako sa isang resto/bar noong year 1999. Sa may locker area namin meron kaming parang maliit na room na pwede namin pagbihisan. So, uwian na tapos ang dami namin nakaabang dun sa room para magbihis. Kumatok kami at sumagot naman yung mga nasa loob na sandali lang. Habang naghihintay kami, we got this inpression na ang dami nila sa loob at baka matagalan pa so nagdecide kami na sa CR sa labas na lang magbihis (eto yung same CR sa story 1, nasa likod lang kc to nung resto/bar). Nung paalis na sana kami, biglang bumukas yung pinto ng room and lo and behold! Isa lang syang nasa loob. Takang taka talaga kami, kc dinig naming lahat na maraming sumagot kanina nung kumatok kami.

Story 3:
My husband's one and only ghost experience. Sinama sya ng kuya nya sa swimming somewhere in Laguna. Private resort yung pinuntahan nila na may 4-storey na building kung nasaan ang mga rooms. Sa ground floor lang daw inoccupy nila since kaunti lang daw sila. So, etong si husband eh gusto mag Cr, (call of nature #2 ahahah). At dahil nahihiya sya at ayaw nya maistorbo, sa 4th floor pa sya nag CR. Perfect daw yung pinuntahan nyang cr nasa loob ng isang room. After nya mag CR, pagbukas nya pinto, nakita nya na may basang footprints na ang direction is galing sa loob ng CR palabas. Eh wala naman daw yun nung pumasok sya, tsaka tuyo din sahig ng cr. Kung may nantritrip namn daw sa kanya, wala naman sya narinig pumasok sa room atsaka sana daw eh may footprints din papuntang CR.

Story 4:
Sa isang building sa McKinley Hill, Taguig. Kwento to ng tita ko na lagi rin may paramdam. Sya yung tita ko sa mga "tita stories" na nashare ko dati. Nagwowork sya sa isang bpo company sa building na to. Dahil hinatid sya ng tito ko sa motor, nakaleggings sya sa ilalim ng dress nya. Ngayon, bago sya umakyat sa office nila, nag cr muna sya sa lobby kc huhubarin nya leggings at magpapalit ng shorts. Yung CR na to medyo nasa likuran na ng lobby, tago sya tapos medyo dim yung lights. Sabi ni tita, twing papasok sya dito iba daw pakiramdam nya, para syang nahihilo. So, eto na nga sya lang tao. Pumasok na sya sa cubicle tapos sinabit nya bag nya sa hook sa likod ng pinto. Tinanggal nya sandals nya tapos tinanggal nya leggings nya. Pagtingala nya, para kunin yung shorts na nasa bag, laking gulat nya kc nakasabit na yung shorts dun sa hook na pinagsasabitan ng bag nya. Sure na sure daw sya na di nya pa to nilalabas kc nasa ilalim daw to ng bag at maraming nakapatong na need muna alisin bago nya makuha yung shorts. Sa takot nya, dali dali nya sinuot yung shorts at ni hindi na nya naisara yung strap ng sandals nya kc nagtatakbo na sya sa labas. 😆😆😆



📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon