HOTEL SA MANILA

64 1 0
                                        

HOTEL SA MANILA

Hello po, it's me again. Ako po yung nag share ng HAGULGOL, hoping po na ma post po itong story ko.

It was a week bago mag birthday ang daughter ko, pumunta kami ng Manila para dun e celebrate kasama yung partner ko kasi dun sya na assign sa work niya samantalang dito kami sa Mindanao naka tira.

Nag check-in kami sa isang hotel, hindi ko na sasabihing saang lugar pero malapit lang sa may sakayan ng Lrt. Being the sensitive that I am, at first pa lang iba na din talaga yung feeling ko sa hotel lalo na sa elevator. Mabigat yung pakiramdam and parang hindi ako mapakali tapos parang wala masyadong nag che-check-in dun. Hindi ko na lang din binigyang pansin kasi marami naman kami, yung dalawang kapatid ko, ako, yung daughter ko and yung byenan ko. Nung nakapag settle na kami sa room, iba din yung feeling ko pero mas lesser yung bigat kaysa sa elevator and sa may hallway kasi nanlalamig ako na parang may parating nakatingin sakin, tho hindi ako nakakatulog ng maayos pero wala din naman kaming na encounter sa loob ng room.

Fast forward, we were on our 4th day and bibili na sana ng breakfast namin yung byenan ko and yung kapatid ko. Ganito yung setting, bale nasa 3rd floor kami. Sasakay ka ng elevator pababa ng 2nd floor kasi hanggang dun lang yung elevator and need mo gamitin yung stairs pababa ng ground floor.

So pumasok na sila ng elevator, pinindot ng kapatid ko yung 2nd floor. Pag open ng elevator lumabas sila papuntang stairs, nagulat sila and na confuse nung pagkababa nila sa stairs eh nakalagay dun nasa 5th floor sila. Nagkatinginan lang sila tapos nakapagdecide sila na ipagpatuloy ang pagbaba sa hagdan, supposed to be 2 sets of stairs lang eh makababa kana agad sa next floor. Nagulat ulit sila ng para daw napakadami na nilang nababaan eh nasa 4th floor pa daw sila, tumaas na daw yung balahibo nila and nag start na mag panic yung byenan ko. Nakapag decide silang mag elevator na lang ulit, dito na yung pinaka matinding experience nila.

Pag baba ng elevator, huminto daw ito at nag open tapos may dalawang tao daw na nakatayo na parang nag aantay ng elevator. Parang bakasyunista din daw kasi ma porma daw yung damit tapos may bitbit din na malalaking bag pero dun na sila kinilabutan ng matindi nung marealize nilang hindi daw pumasok at hindi din daw natinag sa pagkakatayo ang dalawang tao which is nakapa weird naman talaga. At ang pinaka malala eh wala daw itong mga mukha! sakto namang sumara ulit yung elevator nung na realize nila kung ano yung nakita nila. Nanigas at nanlamig daw silang dalawa at walang nakapag salita agad sa kanilang dalawa hanggang sa makalabas na sila ng hotel, dun na nila napag usapang dalawa yung nangyari.

Nung mag che-checkout na kami, timing nun na yung kababayan namin ang nasa front desk. Sabi pa ng byenan ko "INYONG HOTEL BA KAY NAAY UNGO" (Yung hotel niyo may multo) tumawa ng hilaw yung receptionist tapos sabi niya "SURE MAAM BA? NAKAKITA MO?" (sure po maam? Nakakita kayo?) Tapos kinwento ng byenan ko yung experience nila ng kapatid ko tas sabi nung kababayan namin sa dalawang kasama niya "SABI KO NA SAINYO MERON TALAGA DITO" tas sabi din nung taga hatid ng breakfast namin "SABI KO NA NGA EH TUWING MAG ISA KO SA ELEVATOR PARA MAG HATID NG PAGKAIN KINIKILABUTAN AKO"

Plot twist. Nung nakauwi na kami, sinearch ng kapatid ko kung may makikita ba kaming information about sa pinag stayhan naming hotel, and guess what? Ginamit itong quarantine ng mga covid positive na mga ofws nung kasagsagan ng Covid-19.

Pero kahit pa man, maganda pa din yung hotel and napaka linis. Hospitable din ang mga staff at very affordable ng rates nila. Yun lang po, maraming salamat!

tkdgirl 😊



📜Spookify
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon