Panaginip

47 0 0
                                        

Naalala nyo ba nung nag viral sa tiktok yung "Huwag mong sasabihin sa mga tao sa panaginip mo na hindi sila totoo at panaginip lamang sila", puwes eto ang nangyari sakin kanina lang. Eto ang panaginip ko:

Nandun ako sa lumang bahay namin. Yung lola ko meron binigay sa aking CD na tungkol sa mga alien. Pinanood ko sa TV na "prehistoric" yung makakapal ang likod ba. So ang setting ng panaginip ko ay around 2000's. Habang pinapanood ko yung pelikula ay parang nakatulog ako sa panaginip ko (inception yarn?) Tapos panaginip ko sa panaginip ko ay nakahiga ako dun sa lumang kama namin. Meron akong mga kasama sa kama, una, dalawang bata sa paanan ko tila sila ay mga tulog at isa ay ang matandang babae sa tabi ko mismo. Napatitig ako sa babae tapos lumingon sya sa akin. Ang kanyang mga mata ay nanlaki na tila ba parang luluwa na. Napagtanto ko na panaginip lamang lahat at nasabi ko sa kanya na "panaginip ka lang, hindi ako natatakot" nag pumilit akong magising ngunit hindi ko magawa dahil anu mang pilit at piglas ko, nakatitig pa din sa akin ang matanda papalapit nang papalapit, palaki nang palaki ang ngiti nya at lumuluwa ang mata. Alam kong nakaranas ako ng sleep paralysis. Hindi ko na maalala ang mga sumunod nangyari sa panaginip ko pero nagising ako dahil sa pusa ko, tinalunan ako sa dibdib ko.

Gusto nyo ba subukan na sabihin sa mga tao sa panaginip nyo na hindi sila totoo?




📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon