"LOST KEY"
Nangyari ito noon magbakasyon kami sa Coron, Palawan ng foreign ex boyfriend ko for 5 days.
October 31, 2018
Pagod kami sa Island hopping at anik anik na activities kaya after namin mag dinner ay bumalik na kami sa Hotel around 7pm. Napakaganda ng lugar kaso nasa secluded area sya, may bakawan pa nga or mangroves na pwede ka mag kayaking.
Pagkarating deretso kami sa concierge, wala pa akong ideya na nawawala ang keycard at dahil naiinip na ako, iniwan ko muna ang boyfriend ko that time na nakikipag usap sa front desk tapos naglakad ako papunta sa pool area na nasa dulong parte na malapit sa bakawan. Bago marating yun need mo bumaba sa hagdan na may 100 steps ata, basta malayo din.
Pool area ay malapit sa may tulay na papuntang bakawan or mangroove. Sobrang dilim na wala kasing ilaw sa parteng yun. So habang nakaupo ako sa pool side nilang cute size at nagpapahangin, nagsimula na akong kilabutan at bumigat ang pakiramdam na parang nahihilo na inaantok. Pramis! Buti na lang sinundan ako ng boyfriend ko tapos nagtatanong sya sa akin nasaan raw keycard namin sa room. Sabi ko, wala sa akin. Hindi ko alam! tapos inusisa nya ako if nagpunta ba ako dun sa mangroves kanina, natural sabi ko hindi eh ang dilim dilim dyan.
Guess what? Tumuloy sya sa madilim na parte na yun, nagsisigaw ako na bumalik sya. Magkahalong galit at takot kahit parang matutumba na ako sa sama ng pakiramdam. Ilang minuto na rin sya nawala at sobrang natatakot na ako. Maya maya bumalik sya, deep inside me kinalibutan ako sa awra nya pero buti bumalik sya, nakita ko may sugat sya sa braso at kamay na parang kinalmot tapos hawak nya yung susi sa left hand nya.
Paano napunta dun ang susi? sa isip isip ko. Bakas ang disappointment sa mukha nya kasi baka raw nagpunta ako dun nakalimutan ko lang! pero gulat na gulat ako, kasi hindi naman talaga ako nagpunta dun! Sa katunayan, hindi ko nga alam itsura ng bakawan kasi di ako mag a-attempt pumunta dun mag isa. Maya maya nag aya na syang bumalik sa room namin, dahil nga masama pakiramdam ko inalalayan nya ako papanhik sa steps.
Hanggang ngayon, palaisipan sa akin ang pangyayaring yun dahil sa sobrang kilabot ko sa nangyari ay gusto ko na lang kalimutan ang pangyayaring yun sa buhay ko pero hanggang ngayon na magkaroon na ako ng asawa ay naaalala ko pa rin, hindi kami ang nagkatuluyan dahil nakipag hiwalay na din ako sa kanya.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
![](https://img.wattpad.com/cover/334075232-288-k923540.jpg)
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.