Itim na Clouds

20 0 0
                                    

Matagal konang gusto mag post dito nung bago palang kami lumipat ng bahay. April last year nagka deppression ako at grabe ung itim na clouds na parating lumalapit sakin. Nagpadoktor ako nun everytime na may nararamdaman ako pero all negative ang findings.

Nuong nasa dating bahay pa kami, may nangyare sakin na hindi ko maexplain. Tuwing tanghali pahapon parati akong nanghihina tapos namamaga ung bandang leeg ko, lumalaki sya na namamaga, mainit tapos buong katawan ko umiinit din para bang nilalagnat. Nung gabing kinukombulsyon nako nadinig ko ung boses ng asawa ko, tinawag nya kong "mommy" akala ko anjan na sya. Kaya nag message ako sakanya kung nanjan naba sya kasi normal samin un kahit nasa loob na ng bahay mag mmessage kami sa isat isa. Wala pa nga daw sya at pag tingin ko sa oras medio maaga pa sa nakasanayan nyang uwi. Hirap na hirap nako nun.

Nung kinagabihan na pinakausap ko sia sa kapatid nya na may kakayanan. Ang sabi nga nya may nagkagusto nga daw sakin na Di*blo. Naka sampa sakin sa likod ko, kaya pag tanghali pahapon parang pagod na pagod ako. Sa tuwing pinapainom ako ng tubig na may dasal nawawala ung bigat ng nararamdaman ko, nag karon din kami ng ritual na mag pausok sa buong bahay namin nuon. Hanggang sa nawala na ung bigat na nararamdaman ko.

Nakalipat na kami ng bahay bago pumasok ngaung taon, maganda na man awara ng bahay namin. Kaso ngaung April nnaman, nag kasakit nnaman ako, pabalik balik ako sa doktor, naconfined pa ako dahil sa dami ng test na ginawa sakin. Pero ang findings, negative as in clear lahat. Pero hinang hina ako at bigat na bigat ako. Ang sabi ko sa asawa ko kausapin ulit ung kapatid nya. Ayun nga daw may Di*blo nnaman nga daw na nagkagusto sa akin. Iniisip ko kung paano ba yan labanan. Ung tubig na may dasal na iniinom ko may mapakla na lasa,nung sinabi ko un sa kapatid ng asawa ko nag bigay sya ng bagong tubig na may dasal, nawala din naman. Kahit ako sa sarili gusto kong makakawala sa depression na pinag dadaanan ko, kaya gusto ko labanan kung ano man ung Di*ablo na sinasabi nya. Hindi din naman ako nagkukulang sa itaas. Kaya minsan napapaisip nalang ako.

Sorry medio mahaba.




📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon