MTG
Dahil ginaganahan ako mag share ng kwento na na experience ko this past few months and last year sige go tayo.
The South Island Story is may kasunod pa though nasa laptop pa yung karugtong and di ko pa naeedit. Sinasabay ko kasi sya sa work ko pag I decided to take a coffee or during my break intervals. I'll post it also today.
So this one is different naman.
This MTG stands for name ng isang condo here sa aroud Pasay.
I am currently living in Ortigas since andon yung office namin but I seldom go here in Pasay due to a unit that I purchased last year
Yes. I bought 2BR unit in this condo due to its pretty good price. Though sa iba umaabot ng halos 3M lalo na pag SMDC property, here is di pa umabot ng 2M. Yes. Ganon sya ka good deal.
I like the location coz malapit sa lahat. So good deal na. Hinuhulugan ko pa din sya though yung DP ko is malaki laki na din and balak ko syang ipa air bnb or for rent sa mga gustong magrenta tutal good location to.
Bare unit yon kaya I purchase household stuff para maging semi furnished. There are times na nag s stay ako don due to some errand dahil malapit sa MOA, BGC and Makati na madalas may inaasikaso ako.
Pet friendly din kaya goods sa akin since I have a cat na madalas ko din isama sa mga lakad ko. Since wala ako mapag iwanan sa kanya
Na turn over yung unit ko ng Dec 2022 and Feb 2023 ko na furnish yung unit and decided to stay there for a week due to imporatant stuff na lalakarin ko sa Makati.
I am located sa 15th flr. Just to give you a glimpse medyo luma luma na din tong building na to kaya siguro good deal yung prices ng unit. I heard pa nga sa broker ko na yung sa pinaka penthouse wherein nasa 3-4 bedrooms e nag re range lang ng 4M something with veranda pa na malawak. Imagine. Napaka good deal kaya madaming foreigner ang kumuha sa may pent house.
Wala namang something sa unit ko. Peaceful nga and tahimik. Malawak din yung space ans I have small patio din na pwede tambayan.
Ok naman sleep ko don and stay not until I experienced weird noises at dawn.
I work graveyard since my Clients are from diff country and timezone. There's one time aroung 2 am while I'm the middle of my meeting with a Client when I heard yung nagpupukpok. Di ko lang mawari kung san banda nanggagaling but meron nga. Then may sound pa na parang under construction na may inaakyat baba sa elevator something like that. Even yung ka meeting ko nag ask kung malapit daw ba ako sa construction site at medyo disturbing yong noise.
I excused myself and lumabas ako sa may veranda then nilingon lingon ko if meron bang on going na ginagawa pero wala naman.
Inisip ko naman na baka nanonood ng movie yung katabing unit ko at may scene na ganon pero soundproof nga pala mga walls namin.
Nag sorry na lang ako and sinabi na may ginagawa ata sa kabilang side na malapit sa building and put a noise cancellation headset.
I finished my work around 5:30 am and medyo madilim dilim pa sa labas.
Nag crave ako sa pandesal kasi may mga bakery sa paligid namin so bumaba ako. Nakapantulog lang ako non dala yung wallert and key plus phone kom medyo madilim kasi sa may pa eskinita palabas ng condo kaya need ko ng ilaw.
Binati ako ni kuya guard on duty and dumiretcho na ako sa bakery.
Wala pa akong 10 mins na nag stay sa labas kasi wala naman gaanong tao at maaga pa.
Nag aabang na ako ng elevator nung may nakasabay ako na lalake na naka green na long sleeve na parang pang construction. Tapos may hawak na hardhat then naka boots. Napatingin pa ako sa kanyan from head to foot at ang aga naman nya tsaka wala naman notice na may under construction sa building o floor.
Hinayaan ko na lang siya then pumasok na ako sa elevator. Sa kabila sya sumakay.
Dahil nga medyo may kalumaan na yung building medyo mabagal bagal din ang elevator. That time e nagpatay sindi pa yung ilaw. Huminto siya sa 11th flr.
Pagbukas nung door walang tao. Madilim. Walang hallway lights. Pinindot ko na yung close button kasi wala namang tao. Ang tagal nya magsara. Nung pasara na sya, bigla syang nag open and na stuck na sa ganon.
Di ako makagalaw non kasi medyo natatakot na din ako kasi ako lang mag isa. Wala pang tao sa labas nung floor.
Nagulat ako nung out of nowhere dumaan yung lalake na nasa ground floor na naka green na long sleeve. Dire diretcho lang siya papunta sa way ng hallway ng mga unit.
After niyang nakadaan biglang sumara ng malakas yung door ng elev. Abot abot yung kaba ko non nung nakarating na sa floor ko patakbo ako pumasok sa unit.
Ewan ko pero tinataasan ako ng balahibo kahit nasa loob na ako ng unit ko.
Pinagsawalang bahala ko lang yon dahil kako baka pagod or puyat lang ako.
Ilang days lumipas wala naman ng ibang nangyari. Bumalik ako sa unit ko sa Ortigas and I keep myself busy for work.
Before March, dumating yung cousin ko from Dubai. And dahil may unit naman ako along Pasay nag prisinta ako na sunduin siya sa Airport and sa condo muna mag stay before sya magbyahe pa province.
It's Friday and I'm on leave that time and around 8pm yung dating nya sa NAIA kaya sinundo ko siya.
Nag dinner muna kami bago kami umuwi sa Unit. Mga 10pm na din kami nakarating.
So eto na nga, yung cousin ko na to , she stayed in Dubai for 8 yrs. Though di naman sya 8 yrs bago nakauwi but di kasi sya every 2 yrs umuuwi. after 3 yrs ganon Etong uwi nya na to is pang 8th year na niya. Wherein 2x syang umuwi ng 3 yrs and eto is 2 yrs after na. She's working as a manager ng isang kebab restaurant in Dubai and she has business there as well.
Nung bata pa kami sabi ni Inang which is Lola nya sa father side(pinsan ko sya sa mom side) may gift daw si ate. May friend daw sya na dwarf and di nakikita na kung ano ano.
Pagdating namin sa entrance ng building napahinto si ate and asked me kung dun ako naka stay sabi ko oo. Di siya umimik then pumasok na kami. Paakyat kami sa floor us tahimik lang siya ako yung mega kwento ng mga event sa buhay ko.
Pagdating namin sa unit tahimik pa din si ate so inisip ko na baka pagod siya.
Nung tumalikod ako para kumuha ng water sa ref she said
"Nag research ka ba sa history ng lugar na to?" Nagulat ako sa tanong niya kako naman oo. Bago ko kinuha yung unit na to I read articles and reviews and deals dito kaya alam ko.
Dumiretcho siya sa may veranda na area and lumabas.
Sinundan ko lang siya
Out of nowhere she said "Ang bigat ng place na to. Parang may mga na trap na spirits na di pa makaalis"
Nagtaka ako sa sinabi niya. Kasi ako wala naman ako ma fe feel so far.
Nakita niya yung pusa ko na si Milka. Si Milka is tulog sa sofa. Antukin talaga tong pusa na to.
Tinanong pa niya ako kung may unusual behavior daw ba yung pusa ko paglipat namin sabi ko wala naman. Maliban sa lagi syang tulog kasi de aircon. Persian kasi kaya makapal ang balahibo.
Pinagpahinga ko na si ate at sabi ko na baka pagod lang sya at ano ano na nasasabi.
Until I didn't experience na that is the night na makakaramdam na din ako...
(.. part 2 will be posted)
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)