Ang misteryo ng Siquijor

45 1 0
                                        

Ang misteryo ng Siquijor

Sinamantala ng buong research team na itaon sa Holy week ang magsagawa nuong impact evaluation namin sa isang programa namin sa lugar.  Excited kami kasi 1st time namin makakapunta. Kumakain kami ng lunch at nagbibiruan/tawanan  kasi balitang madaming   aswang, manananggal at kung anu-ano pang mga katatakutan sa lugar.  Nagulat na lang kami ng bigla kaming pinag sabihan ng waiter na magingat kami kasi baka may makarinig at magalit sa amin. Holy week daw - panahon kung saan dumadayo ang mga mambabarang at mga masasamang elemento ng kadiliman duon para palakasin ang kanilang powers.

Natahimik kami ng sandali. Pero nuong nakaalis na yung waiter nagtawanan kami at na nuon na nagbulungan na lang sa mga kuwentuhan ng mga kababalaghan pero di namin pinaniniwalaan.

Yung inupahan namin ay isang malaking cottage na nipa ang bubong at kawayan ang mga dingding at sahig. May mga foam lang para sa higaan. Sa mezzanine kaming mga babae natulog. Open lang cya kaya pagtayo mo kita mo na agad ang baba kung saan naglatag yung mga boys.

Mga hatinggabi na nuon ng parang merong malakas na hangin  na humahampas sa bubong. Sabi ng isa kong kasama ang lakas naman ng hangin parang pinapaypayan ang cottage natin. Biglang naramdaman namin na pati yung bintana parang meron pilit na hinihila pabukas.  Nagtakbuhan kami sa ibaba kasi mukhang di naman na yata yun hangin.

Pati pala sila nagising. Cg lang pilit na bigyan ng humor yung pangyayari. Sabi nung isa ng malakas tinatakot nyo lang sarili nyo. 5 min after ng pagkakasabi nya biglang bumalik yung malalakas na hangin at ingay parang humahampas na pakpak sa bubong pati sa mga dingding. Lahat na kami natakot at nagsiksikan sa isang sulok. Mga 20 min yata nagtagal at kahit tumigil na duon na pwesto namin natulog na magkakatabi.

Kinabukasan sinabi namin yung experience namin sa waiter. Sinabihan ko naman na kayo huwag nyong gawin biro kasi magagalit sila sa inyo.


#2 hiwaga ng siquijor

Sa una kong kwento nagparamdam na sa amin ang mga aswang sa aming cottage na tinutuluyan dahil sa mga biruan namin tungkol sa kanila. Kaya sumunod na araw medyo behave na kami lalo na at sa community na ang punta namin.  Gaya ng warning sa amin nuong waiter, madami daw mga mambabarang at iba pang mga tao na may anting-anting at mga tao ng kadiliman ang dumadayo sa kanilang lugar kapag holy week para sa mga ritual for renewal daw ng kanilang "powers"

Anyways wala naman kakaiba sa 2 lugar na napuntahan namin hanggang makarating kami sa huling  baryo na yuon.  Pag dating palang  namin, kakaiba na ang pakiramdam sa paligid. Sobrang tahimik at may parang masangsang na amoy.  Ang mga tao mapupula mga mata at matatalim ang tingin. Kapansin pansin din na walang mga bata.  Hinanap namin yung brgy captain pero sabi nila umalis lang daw sandali pero babalik din agad.  Habang naghihintay inalok kami ng mga inumin. Nagpasalamat kami at tinangihan Dahil may dala naman  kaming mineral water maliban duon kay Dong isa naming kasamang lalake.  Tuwang tuwa tinitignan nuong nag alok habang  pilit na pinaubos yung nasa baso. Pagkatapos ng 1 oras at medyo pababa na ang araw na wala pa si kapitan nagpasya na kaming umalis.

Kapansin pansin na habang pauwi kami hangang hapunan napaka tahimik nuong si Dong. Di din cya kumain at masakit daw tyan nya kaya nauna na cya sa cottage.  Pag punta namin sa cottage nagulat na lang kaming marinig na nagsisisigaw at nagwawala itong si Dong na parang may kaaway pero  walang ibang tao duon  maliban sa kanya. Pilit cyang inaawat ng mga boys pero nagpupumiglas.  Kinakabahan at natatakot na kami kung ano dapat gawin.  Maya maya pa may kumatok sa pinto - yung waiter sa restaurant na nagwarning sa amin nuong unang araw.  Nilapitan nya si Dong na nuon ay nakaupo sa bangko na hingal na hingal.  Hinawakan nya sa ulo at  may binulong bulong cya. Pagkatapos inalalayan nya para humiga sa papag si Dong na nuon ay mahinahon na. 

kinuwento nya na pangkaraniwan nangyayari ito sa mga "dayo" kaya warning nya di daw dapat kami tumatanggap ng anumang inumin sa di kilala. Yun palang huling lugar napuntahan namin ay lungga ng mga aswang at  mambabarang. Sabi namin buti alam nya kontrahin -  ngumisi cya at sinabing - " taga duon ako" sabay lakad palabas. 

Kinabukasan di na kami nagalmusal at nagmadaling umalis at sa airport na lang nagpalipas oras. Si Dong? Wala cyang natatandaan sa nangyari.


📜Travel Horror Stories
▪︎2020▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon