BAGONG BAHAY
Wala kameng kaya noon,pero nang magkaroon Ng sariling business Ang magulang ko ay nakapag pundar kame Ng mga Ari-arian. isa naroon Ang Bahay namin sa Isang bagong village.
Sa dulo Ng village Ang nakuha naming Lote at marami pang Puno na aakalain mong gubat.
Mabilis din na napagawa Ang Bahay namin na Hanggang 3rd floor at may rooftop pa. Bata palang Ako ay nakakakita nako Ng mga Hindi maipaliwanag na mga Bagay, Hindi pa ganong tapos Ang Bahay namin, Wala pang kuryente at Hindi pa ito napipinturahan Ng una kameng matulog dito,sobrang saya namin.
Kinagabihan natulog na kame sa first floor, Isang maliit na flashlight lang Ang nagpapaliwanag sa Sala na tinutulugan namin,tulog na Silang lahat,pero Ako Hindi pa, may habit Kase Ako na madaling araw na kung matulog dahil sa kakabasa Ng mga novela,nagtalukbong Ako dahil sa madaming lamok,nang feeling ko ay may nakatingin sa akin,sinilip ko ito ngunit Wala Naman,nakatulog din Ako pagkatapos noon.
ilang buwan Ang nakalipas at maayos na Ang Bahay namin,may mga gamit narin.g5 Ako noon nang una ko SilangMakita.
Kasama ko Ang tita ko at Ang baby nya,Nasa 2nd floor Sila at Ako Naman ay nasa 1st floor upang maligo.
Ang pinto namin noon ay Yung usong pinto Ng Cr noon na may salamin at may drawing na Puno Ng buko at beach,bago iyon kung kaya kita mo pa Ang repleksyon mo. Nangpagpasok ko sa Cr ay tumapat Ako roon para Sana mag salamin Muna,ngunit habang nagsasalamin at nag papacute ay bigla Kong napansin Ang tao sa aking likuran,Hindi koman kita Ang kanyang Mukha ay may nanlilisik itong mga mata nanakatingin saakin ,nakasuot ito Ng itim na damit na parang pang sinauna,nakabelo Rin ito at puro itim lang Ang suot, nakapaa lang ito at puro putik iyon.
Hindi Ako makagalaw, makasigaw, nakatayo lamang Ako roon habang nasa, likuran ko ito.
Nang mabalik Ako sa ulirat ko ay kinuha ko Ang tiwalya at nagtatakbo sa tita ko na nagbabantay Ng anak nya,tinanong nya Ako habang natawa pa "anong nangyari at natakbo ka?",lumapit Ako rito at tumabi, ayaw ko nang lumabas, sinabi ko rito Ang Nakita ko pati narin sa magulang ko ,ngunit walang naniwala saakin .
Nag sunod sunod Ang mga nakakakot na pagpaparamdam nila saakin, OO Sila,bawat sulok Ng Bahay namin ay okupado nila,mapa kusina,Cr,Sala,hagdan,at rooftop namin ay may mga nilalang na Ako lang Ang nakakapansin at nakakarinig.
Ang matandang magsasaka na sunog Ang Mukha ay Minsan lamang kung magparamdam saakin,ngunit Ang lalaki at duwede sa hagdan ay madalas,Gabi Gabi tuwing papatak Ang 12 Ng madaling araw,ay naririnig ko Ang mabibigat na paa Ng lalaking may bakal sa paa na paakyat sa 2nd floor o di kaya ay sa 3rd floor, katabi lang Ng kwarto ko Ang dalawang hagdan,kung kayat naririnig ko agad Sila,dahil sa pagtataka at baka napasok kame Ng magnanakaw ay bababa Ako, upang tignan kung ano Ang gumagawa Ng ingay na Yoon.
ngunit tuwing bababa Ako ay walang katao tao,walang nagalaw,ngunit patuloy parin ito na nangyayari na Minsan ay nasanay narin Ako,na kahit may naririnig Ako na nagbubukas Ng gate o dikaya mga Plato na nag lalaglagan ay Wala nakong pakiilam,dahil pag bababa Naman ako ay nawawala Ang ingay,ganun parin walang tao, walang nagalaw na kung Ano.
sinasabi ko ito sa magulang ko ngunit,Ang sinasabi lang nila ay swerte Ang mga ito sa negosyo.
pero nagbago Ang lahat ng pananaw Nila sa mga Kasama namin sa bahay,
nang bigla nalang nagkasakit Ang bunsong babae Kong kapatid.
pinadoctor Nila ito ngunit,Ang sinabi lamang Ng doctor ay may UTI ito,Hindi naniniwala Ang magulang ko at pinaalbolaryo Ang kapatid ko,nalaman Nila na Ang mga nilalang sa aming Bahay ay gusto itong Kunin,Wala Akong alam sa pagpapaalbularyo nila, diniretso Nila Ang kapatid ko sa Bahay Ng Lola ko at kinuha kame sa Bahay namin
,pagkasakay namin Ng sasakyan ay kinabahan agad Ako, Nakita ko sya sa likod Ang black lady sumama Siya saamin,gusto ko sabihin sa magulang ko kaso baka sabihin nilay Hindi ito totoo.
nakarating kame sa Bahay Ng Lola ko,sinabi NILA sakin na nagpaalbularyo nga Sila,Wala pa Silang sinasabi sakin kung ano sinabi nito sakanila.
kwinento ko sakanila Ang mga multo na nagpapakita sa Bahay, Ang white lady,kapre,lalaki,duwende,angmagsasaka at Ang black lady,
nagulat Sila dahil parehas kame Ng sinabi Ng albularyo.
Ngunit nagtaka kame Ng biglang umiyak Ang kapatid Kong babae, may matanda daw syang nakikita sa madilim na parte Ng Bahay Ng Lola ko.
ISANG MATANDANG BABAE NA- NAKATINGIN SA KANYA.
-CK
(ps.sabahay parin kame nayoon nakatira omokey narin Ang kapatid ko Hindi narin Sila gano nag paparamdam)
📜Spookify
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)