"Imperial"
Helloo! Sumideline ako sa pag-census kaya po MIA ako for a few days😁
We know naman pag census eh talagang lilibutin mo ang kasuluk-sulukan ng lugar at barangay na inassigned sainyo. Dahil nasa probinsya tayo, madami pa ding lugar yung masukal pa at mga napabayaang housing project.
I put the title "Imperial" dahil itong lugar na to yung na assigned samin.
Long post ahead po since ilalagay ko din yung mga stories na nakalakihan ko na naririnig dito sa Lugar na to at pati na din experienced ko.* Elementary pa lang nagtitinda na ko ng mga niluluto ng mama ko, from pulburon, minatamis na mani, sundot-kulangot, sampalok at kung anu-anu pa. Kapag di naubos ang paninda ko sa school nun ,inililibot ko Yun sa amin. Minsang nagluto ang mama ko ng tabog-tabog o karioka at pinangat o tinuktok eh inutos sakin ni mama na ilibot yun ng maaga para wag ako abutin ng dilim sa labas (may rules kami na dapat bago mag-ala sais ay nasa bahay na ang dalaga kagaya ng mga manok na nasa pugad na basta dumilim na).
So ayun nga mega libot naman ako hanggang makarating ako sa imperial. Pag pasok mo sa gate ng tanaw mo na agad yung playground at sample house nila, merong apat na daanan na pwede mong pagpilian. I choosed the 3rd one kasi less aso sa part na yun, although di naman ako takot sa aso ,mas takot ako sa mama ko pag di ko naipaubos tinda ko 🤣. Mabilis naubos Yung karioka kesa sa pinangat . Naglibot pa ko , Nung matirhan ako ng 2pcs na lang na pinangat eh napadaan ako doon sa Bahay na medyo malayo sa ibang duplex na magkakatabi lang ang mga kapitbahay. May tumawag sakin na matandang lalaki , bibili daw sya kuha lang daw muna sya pambayad. Naghintay ako habang nakaupo sa harapan ng bahay niya. Nung biglang may dumaang nagpapadyak (driver Ng pedicab) tapos tinanong niya ko anu daw ginagawa ko dun. Sinabi ko naman na hinihintay ko Yung bibili ,kumuha lang kako ng pambayad. Bumaba sya ng padyak niya, tapos binuksan niya Yung gate sabay sabing "Lolo ko andyan , Teka baka naulyanin na naman kaya matagal lumabas". Mabilis din syang lumabas ng Bahay habang namumutla tapos sumakay ulit sya sa padyak niya at binilinan akong wag aalis dun hanggang di pa Siya nakabalik. Dahil masunuring bata Tayo, naghintay ako. Bumalik sya na may Kasama ng ambulansya at iba pang nagpapadyak. Isang nagpapadyak ang nagsabi sakin na ihahatid na daw ako pauwi at sya na din daw bibili Ng pinangat. Kinaumagahan dumalaw si Lolo saamin, nagkwento na napatagay daw sya sa burol ng kakilala Niya na namatay kahapon. Umaga pa daw pala namatay yun, pero hapon na daw Nakita Ng apo na patay na Pala kung di pa dahil sa nagtitinda ng pinangat. Nagkatinginan kami ni mama 😳(Hindi na Pala tao Yung muntik Ng bumili sakin), kweninto kasi nung nagpapadyak Kay mama Yung nangyari pagkatapos niya akong ihatid.* Ito naman bakasyon to , kakagraduate ko lang ng grade 6, at dahil with honors ako, sinabihan Ako ni papa na bilang premyo eh magbakasyon ako sa manila kaya need ko silang tulungan magtinda ulit para makaipon pamasahe namin papunta doon. Syempre excited ako last na byahe ko eh grade3 pa ko.
May naging suki ako sa mga paninda ko nun na mga estudyanteng nakatira pa din dito sa imperial malapit lang Sila sa may model house at playground. Sa sobrang sanay na ko sa kanila eh di ko Sila nilalagpasan, daan ako dun habang tinatawag Sila para ko na Kasi silang mga ate. Nagmintis lang akong magtinda at dumaan dun Nung mahigit Isang linggo eh naguulan kaya di ako pinalayo ni mama magtinda at kunti lang din niluto Niya. Minsang dumaan ako sa kanila, bukas yung Bahay pero nakalock Yung gate kaya tumingala ako sa 2nd floor at tumawag. Isa kanila ang sumilip sa bintana at kumaway then Sabi eh bababa daw sya, saglit lang. Habang naghihintay ako may Isang kapitbahay sila na tinawag ako at nagsabing " Neng ! Wala ng tao Dyan, di mo ba Nakita Yung yellow cord?" Kaya napatingin ako ulit sa Bahay , May yellow cord nga😲 Yung nilalagay Ng mga pulis sa mga Cr!m3 scenes tapos parang dumilim aura ng Bahay , samantalang kani-kanina lang eh maliwanag pa yun at kagaya ng dati eh parang buhay na Buhay ang bahay nila. Pinuntahan ko Yung kapitbahay na tumawag sakin at tinanong ko sya anung nangyari.
Nung kasagsagan daw na naguulan eh nir@p3 at p!n@t@y ang Isa sa mga estudyante doon (panahong to dumadami na Yung mga adik at gang o frats sa Lugar Namin) sya lang naiwan dahil nagbakasyon Yung iba pa niyang Kasama. Tinanong ko kung sino sa mga estudyante yun, sinabi niyang si Ate Sheryl 🥶 Si ate Sheryl Yung sumilip sa bintana at nagsabing bababa na .Ito Naman po Yung ibang kwento sa imperial
* May bulubunduking part po dito kung saan madalas ay ginagawang taniman noon ng Mais at sitaw. Tinatawag Yung part na yon Ng "Green hills" may ilog din doon. Noon di Naman binabakuran ang mga taniman kaya malayang nakakakuha ang kahit sino. Minsan may Isang nagpapastol ng kalabaw ang napadaan doon. Pasado alas-syete , napagpasyahan Niya na pumitas Ng ilang piraso Ng Mais Bago tumuloy pauwi sa kanila. Habang nakuha daw sya ng Mais eh nakarinig daw sya ng malakas na pagaspas at nahahawi daw ang mga Puno ng Mais. Paglingon Niya daw sa kalabaw Niya eh nagwawala ito tapos may parang nakadapo daw sa likod nun na may malaking pakpak. Maliwanag at bilog daw buwan nun. Di Niya daw malaman gagawin niya, kaya Yung mga mais na kinuha Niya Ang pinambato Niya doon . Lumipad din daw Yung kung anu mang dumapo sa kalabaw Niya at nagmadali na silang umuwi.* Dito sa imperial madami pa ding Bahay Yung di tapos Ang construction tapos yun Yung ginagawang hide out ng mga may gang o frats. May mga kabataan daw ang minsang napauwi Ng late dahil sa pagattend sa meeting nila. Hinabol daw Sila ng manananggal pauwi kaya Yung ilan sa kanila eh umuwing sugatan dahil lumusot Sila sa mga bakod na barbed wire para di Sila matangay. Umingay Yung kwento na to Lalo, dahil sa nagpapadyak (driver Ng pedicab) na nasiraan ng bait pagkatapos maencounter Ang sinasabing manananggal. May naisakay daw syang matandang babae noon na nagpahatid sa may greenhills sa curious Niya kung saan nakatira ang matandang may sungkod eh palihim niyang sinundan hanggang makarating Sila sa Isang maliit na kubo sa may burol, pumasok daw Yung matanda doon tapos maya-maya daw ay may lumabas na malaking something na may pakpak at lumipad palayo. After that insident Makikita Ng paga-gala Yung lalaki na bumubulong at Minsan sumisigaw na may manananggal daw na kukuha sa kanya.
* Sa pinakagitna ng imperial may tinatawag na "Bahay sa bato" malaking Bahay yun na nasa TaaS ng pinagpatong-patong na bato. May hagdan paakyat doon sa both side ng pinagpatong-patong na bato. Matagal na daw yun andun Bago pa gawing pabahay Yung imperial at puro talahib pa noon. Pag may-ari daw ito Ng mayamang pamilya na may lahing hapon. Noon daw ng maipasa yun sa malapit na kamag-anak eh nilibot nila Ang buong Lugar. May nakapagsabi pang Ang loob Ng batong pader eh underground kung saan iniimbak noon Ang mga sandata at iba pang gamit ng hapon. Sa pagdaan Ng panahon eh natawag syang haunted house dahil walang tumatagal sa mga tumira doon , walang may gustong bumili . Dahilan nila Ang pagpapakita umano Ng sundalong walang ulo at may hawak na Bayonetta . Sa panahon namin nun may mga kwento Ang tagaroon sa malapit na nagpapakita pa din daw ang sundalo sa tabi ng Puno ng avocado na nakatanim noon sa TaaS ng katabi ng Bahay.
So ayun nga mga mi , ito na nga Yung nangyari Nung naglibot kami Nung nakaraang araw, Nakita ko na Ang dami ng nagbago dito sa lugar na to sa pagdaan ng panahon. Yung dating madami pang nakatira eh Wala na masyadong mga tao, mas dumami Yung mga bakanteng Bahay na iniwan o inabandona. Nadaanan Namin Yung Bahay sa bato ,pero Wala Ng bahay sa tuktok, debris na lang Ng nabulok na Bahay Ang matatanaw mo Mula sa baba, Wala na din Yung Puno ng avocado. Madami Ng ligaw na Damo sa paligid Ng batong pader di na Makita Ang hagdan.
Napadpad kami sa part na maraming di pa tapos na Bahay , makulimlim Nung panahon na Yun kaya parang andilim tuloy tingnan Nung mga pader na nakatiwangwang na. Habang dumadaan kami sa mga Bahay na yun eh may narinig kaming parang nanaghoy tapos Ang bango Ng paligid na parang may taniman ng dama de Noche sa paligid kahit Wala Naman. Creepy tingnan yung paligid sa totoo lang😰 .
Ayun lang mga 😊
yang pics ay kuha ko sa part kung saan di na tinapos mga Bahay bandang dulo na ito, Yung Isa Isa Naman ay pic ng part sa Bahay na bato Yung mga batong pinagpatong-patong di ko masyado makunan maayos tulak ko Kasi si baby sa bike 😅 napalingon pa Yung Bata pagdaan 🤣📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.