National Contest - Pahiwatig

27 1 0
                                    

National Contest - Pahiwatig

Naranasan niyo na bang ipahiwatigan ng 'di isang kilalang tao sa tanang buhay niyo?

It was March 2019, nang sumabak kami sa isang National Contest na ginanap sa Ilocos Sur. We won 2nd place in that matter and no words can describe how happy our team was, dahil na rin sa tatlong araw lang namin na-polish ang music piece na kailangan tugtugin ng araw na iyon.

Pagkatapos ng Contest ay napagplanuhan namin ng aming team na mag celebrate sa Vigan - Calle Crisologo in where we spent the rest of the day bago kami makauwing Pangasinan.

Bandang alas-nueve ng gabi, nag relay na ng message ang aming music instructor na bumalik na sa Van para maghanda na pauwing Pangasinan. In a matter of seconds, nagkasama sama na kaming lahat. Sobrang saya pa rin namin tipong walang tigil ang pag tawa, sumasabog ang aming dibdib sa tuwa dahil sa achievement na natanggap namin. Nang bigla kaming napansin ng kuyang Driver (driver ng van na nirentahan para sa team)

•Kuyang Driver: Mga anak, itigil niyo muna ang kasiyahan, saka nalang ulit kayo mag celebrate pagdating sa Pangasinan dahil babyahe pa tayo pauwi.

nagtataka man sa sinabi ni kuya ay sumunod na lamang kami. inumpisahan na naming tahakin ang daan pauwing Pangasinan. Ang iba sa amin ay natulog dala na rin ng pagod, pero ang iba sa amin ay nag kikwentuhan at nagkakatuwaan pa rin dahil gising na gising pa rin ang kanilang diwa. Nakatulog ako bandang 11pm dala na rin ng pagod at pagbabantay ko sa mga junior musicians na kasama ko sa Van.

Naalimpungatan ako at ang katabi ko bandang 2am. mabilis ang patakbo ng sasakyan, may mga street lights na malalayo ang agwat sa bawat isa, tamang tama upang makita ang dinadaanan. - walang bahay, puro talahiban.

Tumingin ako sa bintana, nang walang pakuwari'y may dalawang nilalang ang bigla na lamang tumawid, kumbaga sinalubong 'yong mabilis na sasakyan namin. napansin iyon ni kuyang driver dahil bigla na lamang siyang pumreno to the point na bigla na lang umangat ang likurang bahagi ng Van at muntikan na itong tumaob.

Nagising ang lahat, tahimik, nakikiramdam sa paligid. napahinto kami sa street light na malapit ng mapundi, walang tao, walang ibang sasakyan. Lumingon ako sa likurang bahagi ng sasakyan para tingnan kung may nabangga ba kami o may tao ba. WALA. WALANG TAO. ang lakas ng tibok ng puso ko, iniisip ko ang mga kasamahan ko sa loob ng Van, nang biglang inatras ni kuyang driver ang sasakyan para rin siguro tingnan kung may nabangga kami.

Ako: Kuya, walang tao sa likuran, umalis na po tayo at baka mapano pa po tayo dito.

Umabanteng muli ang sasakyan. Huminto kami sa unang gas station na nadaanan. doon, pinababa kaming lahat ni kuya para kumalma at para mag cr.
Pagdating sa destinasyon namin at kukunin na namin ang aming mga bagahe sa likuran ng Van, doon napansin naming may DALAWANG MALAKING HAND PRINTS.

may connection kaya ito sa sinabi ni kuyang driver? o coincidence lamang?
ps. hide my identity because I am using my real account. for privacy purposes. thank you, admins!

-senior.



📜Spookify
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon