So eto na nga, kwentong motel sa Pasig. Wholesome ito promise.
This happened last year lang. Galing kame ni partner sa isang event and dahil malayo pa uuwian, we decided to check in nalang sa isang motel sa Pasig. It was the garage room sa pinaka dulo tapos unlike other garage rooms na paakyat, eto pababa. Oks ung room, very spacious. Sabi nga namen for the price, maganda sya. I looked outside the window, para syang overlooking tapos puro puno.
Oks naman sya for the early part of the night, naka sleep naman ng maayos until siguro mga past 12 midnight nagising si partner kasi akala nya tinatapik ko sya, pero when he checked, tulog na tulog ako kay bumalik na din sya sa pag sleep. Tapos may narinig daw syang naghihilik sa may bandang right side, eh ung right side is the sofa, nasa left nya ako. Dinedma nya lang though naffeel ko na gising sya so gumising din ako. I asked ano meron, nung una wala hindi nya sinabi pero mejo bumigat nga ung feeling compared sa unang pasok. Tapos sabi ko sige mag sleep nalang ulit kame, humarap sya saken tapos nung huhug sya saken bigla sya nagulat tapos nagmamadali sya umayos ng higa. This time pinilit ko na sabihin nya ano meron, so knwento nya na saken ung may kumalabit sknya tska naghihilik. Then eto na, kaya daw sya nagulat kase may nakita syang babae na black sa side ng bed ko na nakatayo tapos papalapit ung mukha sa kanya ng super bilis tapos hitsurang galit.
We wanted to call the operator kaso apparently the phone is not working so lumabas kame and nag try kame magpalipat ng room kaso wala nga daw bakante na iba. We also tried turning the tv off pero mag ooff sya then bubukas ulit until binunot ung saksakan. After non, hindi na namen pinatay ung ilaw tapos nag pray nalang kame ng Apostles Creed, naging okay naman ung aura after non.
Ayun lang po. Kayo ano kwentong motel nyo? Ung wholesome lang din ah. 😅
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.