Phonecall

43 1 0
                                    

naipost ko na ito sa ibang group using my other account gusto ko lang din ishare dito..

"phonecall"

(real story na naexperience ko)
noon di pa uso ang cellphone kaya ang ginagamit namin is telephone (90's baby ako) nung mga panahon na yun kapag my gusto ka kausapin na kaibigan tatawagan mo thru landline(telephone) or kung my nililigawan ka sulat/thru telephone ang communication, pero my isang gabi ako nung panahon na yun na di ko makakalimutan at yun ang magiging kwento ko ngayon para sainyo ....

dati my narinig na akong storya na meron ka daw makakausap sa telephone ng 3am ng madaling araw, tipong kala mo siya padin yun kausap mo pero iba na pala at hindi siya tao kundi elemento/multo na alam ang lahat ng ginagawa mo habang kausap mo siya sasabihin niya sayo kung ano kulay ng suot mo, hanggang sa matatakot ka na at habang patagal ng patagal pakiramdam mo e andun lang siya kung nasan ka...

1 araw mula ang pangyayareng kabanalaghan...

my nabasa akong ganyang story na di ko masyado binigyang pansin tinatawan ko lang kasi di naman talaga ako naniniwala sa kwento2 not until ako na mismo naka experience..

may nakilala kasi akong kambal na babae, actually ka phonepal/katawagan sola ng tropa ko, pero di pa namin namemeet in person yung magkambal na babae talagang thru phonecall lang namin nakakausap, 3 sila magkakapatid yung kambal at kuya nila.

ako: hi ako nga pala si .... tropa ko si ..... binigay nila sakin landline no. niyo ok lang ba makipagkaibigan sainyo?

jena(eto yung type ng tropa ko) : ayy ok lang naman wala naman problema, ok lang ba yung kambal ko kakausap sayo? my ginagawa lang ako.

(pinasa na niya aa kambal niya, hazel ang pangalan niya)

hazel: hi po ikaw po ba yung kaibigan ni ....

ako: oo ako yun, ok lang ba makipagkaibigan sayo? taga saan kayo? pano kayo nagkakilala ng tropa ko?

(tapos napasarap ang kwentuhan namin kasi nakakatuwa siya kausap from 1-3am kame nagtetelebabad)

hazel: kuya sandali lang ah mag cr lang ako ok lang ba ihang ko yung phone? mabilis lang ako.

ako: sige ako nga din na ccr na.

hazel: wait lang ah

nung tapos na ako mag cr kasi nag wiwi lang ako pag hello ko sumagot agad si hazel...

ako: hello hazel andyan ka na ba?

hazel: oo andito na ako

(pero iba yung pakiramdam ko nung sumagot na siya basta my kakaiba akong naramdamam)

my mga tinatanong ako sakanya pero di na siya masyado nagrerespond sa mga tanong ko parang nagiba talaga yung mood niya parang iba kausap ko pero siya padin talaga yun. tapos nagulat ako sa aso ko kasi katabi ko aso ko the whole time na naguusap kame at exact 3am, my tinatahulan yung aso ko at nakatingin siya sa pintuan namin tapos nakatayo buntot niya.. habang tumatahol aso ko bigla nagsalita si hazel... dito na ako kinabahan...

hazel: aso mo ba yun tumatahol?

ako: oo, tataka nga ako bakit siya tumatahol sa my bandang pinto namin.

hazel: natatakot ka ba??

ako: hindi pero kakaiba kase iba tindig ng aso ko parang my tinatahulan

(dito ako lalo natakot)

hazel: HAHAHAHAHAHAHAH (tumawa lang siya)

hazel: gusto mo maglaro tayo? huhulaan ko ginagawa mo ngayon at huhulaan ko ano suot mo?

(siyempre ako game ako kasi responsive na si hazel, pero ang weird na talaga ng pakiramdam ko nun time na yun)

ako: sige game! hahah

hazel: nakaupo ka ngayon, nakade kwatro ang upo mo habang hawak mo yung puti tela na pinupunas mo sa wire ng telepono, naka blue shorts ka na my red sa gilid at my design na star "3 star" nagulat ka ba?? bakit parang nagiba na ichura mo? HAHAHAH

(tangina nung panahon yun di ko alam gagawin ko gustong gusto kona ibaba yung phone dahil lahat ng sinabe niya tama tapos tahol padin ng tahol aso ko)

ako: ang galing mo nahulaan mo lahat...

hazel: wag mo subukang ibaba ang telepono hindi mo magugustuhan ang susunod na mangyayare HAHAHAHAHAHA

ako: (di na makaimik takot na takot na ako)

hazel: pababa na ang mama mo HAHAHAHAH sige na pwede mo na ibaba ang phone

tapos bumaba nga mama ko at the same time tumigil na yun pag tahol ng aso ko

mama ko: oh 3am na bakit di ka padin natutulog?! umakyat ka na at matulog.

kinabukasan nakausap ko mismo kuya ni jena at hazel siya mismo tumawag sakin..

kuya: tol kausap mo ba si hazel nung 1-3am?

ako: oo tol, saya nga niya kausap e.

kuya; tol 2am natulog na siya. naiwan nga niya nakahang yung phone e papanong hanggang 3am kayo nagusap? my nakausap ka ba ng 2-3am?

ako: oo tol si hazel kaso parang iba siya nung time na yun kala ko antok lang siya...

kuya: wag ka na ulit tatawag samin..

binabaan ako ng phone at di ko na sila nakausap ulit since nun kahit tropa ko di na niya nakausap yun mga yun...

up until now di ko padin makalimutan yun nangyare nung gabing yun, siguro kung binaba ko yung phonecall na yun malamang wala na akong kwentong ganito ngayon...

salamat sainyo admin at sa mga nagbasa pasensya na ang haba

end of story.



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon