Sikreto ng pamilya
Nakabalik ulit ako sa lugar na ito lumuwas pa ako galing Laguna para makita ang aking natitirang pamilya sa lungsod ng kalookan.
Sa pag uusap naming magpinsan ay naalala namin ang kwento ng aming papang isang sekreto na itinago hanggang sa malimutan na ng panahon at ang mga nakakaalam ay unti unti naring lumipas dahil sa katandaan.
Ang aking Papang ay isang propersor ng salitang espanyol sa U.P. noong 1950s hanggang 1970s
Galing sa simpleng pamilya at nakapag asawa ng isang mayamang matandang dalaga na halos doble nya ang edad. Na pagkatapos ng 5 taon ay pumanaw rin at naiwan ang kanyang ari arian kay papang.
Siya ay kilala sa pagiging matikas at noong kapanahunan nya ay lumaban din sa mga hapon noong panahon ng giyera dahil dito natuto sya ng iba ibang kalupitan sa mga tao.
Kung ako ang tatanungin masasabi kong isa syang matapobreng tao kahit siya ay aking kadugo.
Alipin ang turing nya sa kanyang mga trabahador sa bahay. Isang araw ng sabado araw ng pahinga ng mga trabahante sila ay umalis sa bahay at naiwan lamang si papang at Mina di ito bago dahil eto lamang ang panahon na nagkakasama silang dalawa na walang ibang tao sa paligid nila.
Nag karoon ng panahon na sya ay nagkaroon ng relasyon kay Mina isa sa kanilang kasambahay dalaga, morena, balingkinitan ang katawan matalino kumpara sa iba nilang kasambahay.
Pero nalaman nya na may plano makipag tanan si Mina at mayroon pala itong nobyo. Sa kanyang galit ay pinaghahampas niya ito ng tungkod habang nasa loob ng kanyang opisina sa loob ng bahay. Noong panahon na iyon ang pagdadala ng tungkod ay kasama sa eleganteng pananamit at pagbihis ng mga lalake.
Nabali ang braso ni mina sa pag salag sa kanyang hampas, tinadyakan nya sa tiyan at tuhod hanggang ito rin ay mabali. Humihiyaw ng tulong at nag mamakaawa siya na huminto na si papang sa kanyang kalupitan.
Pero mas lalong nagalit si papang at hinila ang kayang kaliwang tenga hanggang eto ay matanggal.
Paulit ulit na hinampas at binayo ng tungkod si mina sa mukha hanggang sa isang malaking butas na lamang ang natira sa lugar kung saan dati naroon ang kanyang magandang mukha.
Nang bumalik ang mga trabahador sa kanilang araw ng pahinga ay wala na si Mina ., Si papang na lamang ang naroon na may baling daliri sa kamay.
Wala na rin ang kanyang mga gamit at ari arian sa bahay ni papang.
Ngunit simula ng mga panahon na iyon ay meron na palaging nakikitang babae na iika ika maglakad at naglalakad lakad sa paligid ng bahay. Kahit ngayon 2023 ay meron paring mga nagsasabi na nakikita parin siya sa lugar na iyon... Sya ay si Mina.
Noong 2006 napag desisyunan ng pamilya na gibain ang magandang bahay ni papang dahil wala nang nag aalaga dito. At matagal naring yumao ang aking papang. Sa pag alis ng kanyang mga gamit ay nakita ang kanyang mga diary. Na nakalagay ang mga detalyeng aking sinabi sa kwento na ito.
Noong giniba ang bahay at nabungkal ang lupa sa tabi ng bahay ay may nakitang mga buto at isang bungo na durog ang mukha. Alam naming lahat na marahil ito si Mina pero walang kumibo at nagsalita ni isa sa mga kapatid niya. Kami ay nabalot lang ng takot at pangamba noong panahon na iyon kahit kami na mga bata pa noon ay tila kinabahan dahil kitang kita namin amg pag aalala sa mukha ng mga magulang namin.
Ito ay ikinwento lamang samin noong kami ay nagka isip na wala na akong balak ipasa ang sekreto na ito saking mga magiging anak kaya sa inyo ko nalamang ibabahagi ang sekreto ng pamilya Saavedra.
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)