Kasambahay ni Lola

60 1 0
                                        

Share ko lang sana nangyari sa kasambahay ng lola namin (mother ng mother inlaw ko).. recently lang talaga nangyari to at fresh na fresh pa.. -[may Part 2 nalang po tong story ko para hindi naman po kayo ma bored mag basa ng mahaba..] ‼️P.S baka may makapag advise narin sainyo kung ano pwede namin gawin😭

January this year nirecommend ng isang family friend namin si ate . Tawagin nalang natin siyang si ate G..

At first, normal naman.. naging sobrang gaan ng loob ni lola agad sakanya.. by the way, pag pasok nga pala niya pinakiusap talaga niya na kasama niya sana yung 4years old niyang anak kasi wala daw mag babantay. Ayun na nga.. pumayag naman family namin kasi sa bahay lang talaga magiging trabaho niya.. wala namang gaanong trabaho kasi nauunahan na ni lola sa mga chores (86 years old na po siya pero pag naka isip ng gawa yun mas gusto niya siya nalang gagawa, malakas pa naman at sobrang liksi kahit hirap na tumayo) kahit malaki yung bahay hindi naman madumihin, kasama lang talaga ni lola ganun..

Nagulat kaming lahat, weeks palang ng pag stay niya with lola sobrang nakagaanan na niya ng loob. Si lola P kasi yung tipong sobrang tapang. Sobrang baba din ng trust issues niya sa kahit sino kahit sa mga anak.. negosyante ika nga.. sabi nga ng father-in-law ko pag nag aaway daw sila ni M.I.L masyado sinasanto daw ni lola pera niya. Madaling mambintang kahit walang proof na ikaw talaga may gawa to the point na ipapahiya ka agad at makakarinig ng masakit na salita kahit pa madaming tao.. The recent year halos naka 7-8 na house helper na siya, kung hindi napag bintangan na nawala yung hundred thousand niya daw sa cabinet, kesyo tamad daw, etc. As in wala siyang makasundo. Isang tingin palang niya sa tao, pag ayaw niya sayo, pag ttripan ka niya hanggang sa sumuko ka.. Pero iba talaga kay Ate G.

Last month lang nag umpisa lahat ng creepy na nangyayari sakanya kaya instead na si lola ang aalagaan niya, siya na lagi naming problema. 2nd week ng Feb. Tumawag samin si tita Em na kapitbahay lang ni Lola P (bale pamangkin ni lola si Tita Em). Nag collapse daw si ate G tapos dinala sa hospital. Isipin niyo yun pati si lola nag panic hindi alam yung gagawin dun sa helper niya, pati siya sumama sa hospital despite sa condition niya na nakatungkod na. 3hours na siya naka confine, nagising daw si Ate sabi i-uwi nalang siya at alam niya gagaling din daw siya agad.. Kaya si lola kinausap yung doctor, sinabihan din daw na pwede naman, pero need muna mag pa-blood test & ultrasound bago payagan idischarge. So, pina test ni lola tapos pinauwi muna dun sa nanay ni Ate G, babalikan nalang results kinabukasan kasi na admit siya around 5-6pm na..

Hinatid na nga nila tita Em. Mga 1 1/2 hour yung byahe.. by the way, taga province nga po kami.. tatawid dagat po pala from batangas.. Ayun na nga, nakarating na sila ng Barrio nila habang pinapaliwanag nila tita Em na dapat samahan ng family niya para sa follow up checkup ni Ate at yung mga dapat na meds na ipainom. Nang bigla nalang daw natahimik si Ate G tapos biglang lumuwa daw yung dila👅.. Yung parang aso daw na nauul°l ganun.. Panic malala daw silang lahat pwera sa mother ni Ate. Kesyo ganun na daw talaga yun noon pa. Kwento niya naka ilang pa check up na daw sila.. mapa doctor or albularyo. Wala daw makasagot kung bakit ganun siya, pero afterwards babalik na daw uli yung sigla niya sabi nung mother.

Madaling araw na naka uwi sila tita Em kaya nakuento niya samin kinabukasan na . Grabe daw talaga takot nila, noon palang sila naka encounter na humaba yung dila ng ganun.. Pinipilit daw ni ate G na ibalik sa loob ng bibig pero parang na cho-choke lang siya. Nag sabi kami na mas mabuti pa siguro kung huwag nalang pabalikin Si Ate G, pero talagang ayaw ni Lola. Sobrang pagtaka naman namin lahat kasi 1st time namin makita si lola ng ganun.. nakasanayan namin na kahit hindi big deal pinapaalis niya kasama niya sa bahay. Pero kay Ate G, sobrang iba. Kesyo kawawa daw, mabait naman, maalaga, ganun..

Days after, nag makaawa si ate G sa tito namin na nasa korea (yun po kasi nag papasahod sakanya) na babalik po talaga siya kay lola.. infairness, alam niya na after 4-5 days normal na din daw siya uli.. Dahil gusto din talaga ni lola P pabalikin, sinabi nalang ni tito na sige pwede silang bumalik ng anak niya, pero mag papa-check up muna para malaman talaga kung ano ba sakit niya at matulungan nalang sa pag papagamot niya. Pumayag naman si Ate G. After nun, pumunta si Ate G at tita EM sa kalapit na City para mag pa check up sa mas malaking hospital. Sinabi nila lahat ng nangyari sakanya, kaya nirefer ng provincial doctor na mag pa CT scan, or kung may makakapunta sa ibang hospital na may neurologist much better.. wala daw kasing available ngaun dun kasi nga kulang pa talaga sila.. lumabas na din lahat ng results niya at same lang din sa recent test niya normal yung sa blood test pero sa ultrasound may mga bukol daw sa ovary. Madaling sabi, back to work na daw uli si Ateng.. basta inumin lang mga meds niya.

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon