Nakaluhod

32 1 0
                                    

Hi! First time to post here.

This happened way back 2011. 23 na ‘ko ngayon, so 11 pa lang ako non, but I remember everything vividly. Papunta kaming Tacloban, galing kaming Santa Rosa, Laguna. Since marami kami (titos, titas, and cousins) and gusto naming makapuntang Bicol rin, nagdecide yung parents namin na magroadtrip kami to Tacloban. 24hrs rin na biyahe yun, pero masaya.

Okay naman nung nasa Luzon pa kami, umalis kasi kami around 5am kaya may araw pa hanggang makarating kaming Sorsogon. Around 11pm na yata nung nakatawid kami ng dagat papuntang Samar. Tulog lahat sa van nung nasa daan na ulit kami. First time ko makadaan sa Samar nang naka-van, halos iilan lang yata yung nadaanan naming may ilaw yung bahay, karamihan magkakalayo at madilim. Hatinggabi na non, pero ang nakakapagtaka, nasa labas yung mga tao, nakaupo lang sila sa labas ng kanya-kanya nilang bahay. Nakatingin sila samin, siguro kasi kami lang yung sasakyan non, walang ibang dumadaan.

Nung puro na lang kakahuyan yung nasa paligid, nagpaalam ako sa driver namin kung pwede ko buksan yung bintana. Sabi niya, pwede naman daw pero ’wag masyado kasi dayuhan kami. Nakasilip lang ako sa bintana, nagpapahangin, nung biglang may nakita akong nagpuprusisyon. Gising na gising diwa ko non, hatinggabi ba naman kung magprusisyon. Mahaba-haba rin yung prusisyon, lahat sila nakaputi. Lahat nakaluhod habang may hawak na kandila. Nung nadaanan na namin yung unahan ng prusisyon, yung nasa gitna nila, may hawak na baliktad na krus. Paglampas namin sa kanila, sabay-sabay sila nagtinginan sa van kaya isinarado ko agad yung bintana.

Maya-maya biglang may kumalampag sa bubong ng van, parang malaking bato na ihinagis. Nagising lahat, kahit yung driver namin nagulat pero dere-deretso lang siya magmaneho. Sabi niya “Marami talaga dito sa Samar, pero ‘wag lang papansinin. Malapit naman na tayo sa Leyte.” Dun ko na rin isiningit yung nakita kong nagpuprisisyon nang nakaluhod. Nagsalita yung pinsan kong nakaupo sa likod ko na nakita niya rin daw yun, pero di siya nagsalita kasi baka magpanic yung mga natutulog. Ayun, nagdasal kaming lahat hanggang makarating sa Leyte.

Hanggang ngayon ‘di ko pa rin malaman kung ano yun, multo, kulto o mga aswang. Marami pa ‘kong kwento about sa bakasyon namin sa mga probinsya. Pero next time na lang yung iba hehe.


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon