Sobrang saya ko non nung natanggap akong bilang isang GM ng isang online game.
Oo lang talaga ang sinagot ko sa mga tanong nila sakin. Isa na dito ang "Are you willing to work at night alone?". Alam kong 24hours ang office nila and adik naman ako sa larong ito at inaabot ako ng umaga, kaya kayang kaya ko yon.
So after ng training, sabak na agad. GY shift. Pagpasok ko, after 1 hour uwian na sila. Mag endorse lang ng mga nangyari at mga gagawin. So yun na nga.
Ang sarap maging GM sabi ko pa. Mabilis lumilipas ang oras hindi mo namamalayan na umaga na pala, papasok na pala yung susunod na shift. Then ulit ulit kinabukasan.
1 time nagtanong ung tenured GM sakin,, ok lang daw ba ko sa gabi. Sabi ko naman, ok lang ako d naman ako umaalis dito kasi may baon din nman ako. Ayaw ko kasi na akyat baba lalo mag elevator mag isa haha.
Tapos mayamaya ung boss ko naman nag tanong, kung ok lang daw ba ako sa gabi.. (hmmm nakakahalata na ko ah) sabi ko naman.. ok lang nman po ako.
So dumating na yung time na hindi na pala ok..
So naiwan na ko.. itong gabing to, ewan ko pero sobrang lamig ng office. Yung aircon nga nagawa ko pang 24° pero malamig pa din kaya pinatay ko na talaga.. habang kumakain ako, mayamaya may lumaglag na picture frame don sa may meeting room,,, tinignan ko,, wala namang nalaglag.. eh di balik ako ulit sa pagkain ko.. maya maya, may tunog na kala mo nagbabasa ng dyaryo.. ung paglipat ng pages, ganon.. OMG! sobrang kinakabahan na ko.. tinignan ko ulit pero this time sa room ng boss ko.. wala naman tao at wala naman dyaryo. Tapos yung sa pinto biglang nagsabi ng "welcome" (pag pasok may sensor).
Potek sabi ko, may pumasok ata.. tinignan ko wala naman tao... Pagbalik ko, ang sabi ng sensor "thank you, come again". 😱😱😱 Nag speaker talaga ako ng malakas nung gabing yon habang tumutugtog yung mga kanta sa game.
Kinwento ko yun sa boss ko at sa kapwa ko GM and confirmed! Kaya nila ko tinatanong kasi un nga daw yung meron don and next week eh lilipat na kami ng office, sa katapat lang nya pero mas malaki.
Hind pala sa paglipat namin ng office matatapos ang lahat. Mas malala pa ang maeexperience ko dito.
Tumagal na, promoted na ko, may sarili akong office. Sa labas ng office ko, andon yung station ng mga GM.
So 1 time, nagkaemergency yung GM na dapat papasok ng sunday. Kaya nakiusap yung boss ko na kung pwede eh ako muna ang pumasok ng sunday. Ok lang naman sakin sabi ko, kasi umaga naman ng sunday yon. Wag lang gabi, tinawanan ko pa...
Wrong move pala yung pagpayag ko.
So ayun na nga.. sunday na,, pumasok na ako.. ako lang mag isa sa office. Binuksan ko na yung dalawang magkatabing PC sa GMs station at isang pc sa office ko. Nilakasan ko yung sound para pag may mag livechat, madidinig ko Mula sa office ko. Bale labas pasok ako kada may maglilivechat..hindi na ko nauupo non kasi mabilis lang naman sagutin ang nasa livechat..
Pagmagbabasa ng livechat, nakayuko ako, tapos nung pag angat ko ng ulo ko sa harap ko, langya!! May babaeng duguan!! Ang sama ng tingin sakin ung half ng face nya covered ng buhok tapos duguan sya!!
Yun na ata yung pinakanakakatakot na nakita ko 😱
Tumakbo ko sa office ko, nilock ko yung pinto. Tinawagan ko yung next shift sakin sabi ko agahan ung pasok kasi wala kong kasama. Tpos nung tawag, alam mo ung napapanood mo lang sa tv ung mga sunod sunod na gagalaw ung gamit, totoo pala!!! Yung pinto ng office ko parang may pilit na papasok. Tapos yung sa kabilang pinto bukas sara. Tapos yung sensor welcome thank you!! Nakasiksik lang ako sa gilid ng office ko, kala ko mababaliw na ko. Yung next shift tumatawag na sa cp ko. Nasa labas na daw sya. Sagot ko pa sa kanya, "sure ka ba? Nasa pinto ka na ba?" Pag bukas ko ng pinto ng office ko, parang wala naman nangyari. Pag bukas ko ng pinto ng main door, andon na ung ka next shift ko. Umiiyak ako, napayakap ako sa kanya, yung yakap na buti nalang andito ka na. Sinabi ko sa kanya yung nangyari. Sabi nya, matindi daw yung naranasan ko. Dahil sa kanila daw, sa gabi, yung babae, nasa loob lang ng stock room, makikita mo lang yung silhouette nya sa pinto. Tapos yung mga keyboard may pumipindot na wala naman tao. Yung sensor tutunog kahit walang dumadaan, nung chineck yung footage, mga orbs lang ang nandon. May nangangalabit din Daw don tuwing gabi.
Pinacheck ng boss namin yung office sa albularyo, at meron nga daw don.. ayaw ng boss namin ng ganon kaya nagdecide ulit na lumipat ng office.
Nung nag aalsa balutan na kami ng mga gamit.. yung DYI roleta namin biglang gumalaw, tapos tumalsik yun pin nya. Yung upuan umusog mag isa. D pa kami tapos. Magbalot, lumabas na talaga kami. Pinaayos nalang namin sa tagalinis ng office. D na kami bumalik pa don.
Nung lumipat na kami sa new office.. d pa kami nagtatagal don, may tumalon naman na babae from penthouse. Maraming media that time para icover yung nangyari.
Pagbaba ko non sa fx, biglang may pumutok, akala ko pumutok yung gulong ng fx na sinakyan ko. Sigawan yung mga taong andon. May tumalon!! D ako nakiusisa. Pero pag akyat ko ng office.. tanaw yung nangyari from bintana. Yung babae nasa kalsada, gulagulanit. Yung ibang laman laman nya nakasabit pa sa wires. Madaming nakiisyoso sa baba. Yung babae pala tumalon mula penthouse nung bldg.
Tapos non, maaga pa naman ako laging pumasok, nasa akin ang susi ng office.. isang araw, nung papasok na ko sa office, may nakita akong babae sa loob nakatayo sa gilid ng office..mula non, d na ko pumapasok mag isa sa loob ng office.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)