GIRL BEST FRIEND NI HUBBY SINCE 2015
Hi USF Fam, just wanna share my story about sa GBF ng asawa ko na since 2015 pa sila. Naging kami ng asawa ko nung 2021, and lagi ko nababasa yung convo nila na sobrang sweet nila to the point na lagi sila nag-a-I love you-han.
As gf noon, hindi ako naging comfortable sa friendship na meron sila so sabi ko sa asawa ko ay iwasan niya na, ginawa naman niya, then binlock ko si girl. Mga ilang buwan lang, nabuntis ako.
April 18, 2022, last year lang, nag away kami ng asawa ko. Lumayas ako sa kanila. Never akong nag-reply sa mga chats niya. Then lagi ako nag-o-overthink na baka nag-uusap nga sila netong GBF niya dahil madalas niya maging takbuhan yon sa tuwing magkaaway kami.
So ayun, nalaman ko noon na gumawa siya ng dummy account and nakita ko na yung friends niya doon is yung GBF niya at yung ate non. Doon ako na-d*pr*ss*d. Buntis ako that time and sobrang sakit sa akin non. Ewan ko bakit ako apektado pero kasi alam ko na hindi tama yung ginagawa nila bilang "magkaibigan" lang.
So, meron akong friend na friend din netong GBF ng asawa ko. Pina-chat ko siya sa kaibigan ko asking kung nagkakausap ba sila ng asawa ko pero dineny niya.
April 25, last year. Pumayag na ko makipag-ayos sa asawa ko dahil hindi ko rin naman siya matiis. Hiningi ko yung dummy account niya, so bale dalawang dummy account ang ginawa niya, hiningi ko yung code ng isang account para buksan ko. Pagtapos ko makuha ang code, dun ko nabasa lahat ng convo nila. Sobrang sakit lang naman kasi ng mga nabasa ko dun na sinasabi nya sa GBF niya na,
"Kaya ikaw, wag ka magpapatuks0 ah, tignan mo ako, nagkamali.”
"Wag ka na mag-text, baka mabasa e, ako na lang magte-text sa yo."
"Ingatan mo yang kwintas ha, pag nawala yan para mo na rin akong winala."Tapos, punong-puno sila ng sweet pictures and videos together knowing na may nasasaktan silang tao. Alam mo yun, kapag pinapadistansya mo yung tao, mas lalo sila nagiging malapit sa isa’t isa. Hays. Ang hirap ng ganitong sitwasyon.
Kaya sa mga may partner diyan na may GBF, wag kayo basta basta magtitiwala.
Jen
20**
*Confidential
—-
Send your stories/confessions here: www.usfstories.com📜University Secret Files
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.