Kwarto

38 0 0
                                        

"Kwarto"

SPG
Noong nauso yung mga community group sa fb na parang may pami-pamilya😅 , may isang group ako na nasalihan na medyo off para sa mga inosente sa mga makamundong bagay o Gawain. Ang nag-invite sakin doon ay yung ate-atehan ko sa ibang group. At syempre na curious ako sa mga topics nila sa group dahil sa name nito.
"$w!ng3rs Club" private group sya at syempre bawal ang m!nors. Mostly sa mga members mga couples na open at nageexplore para sa kakaibang thrill na pwede nilang maeexperience sa mga inooffer ng mga batikang couples na andun. 3$0me , bdsm, exchanging of partne
rs, 0r6y and many more. Weekly may EB na ginagawa pawelcome sa mga new members kung meron man, pero more on "play" talaga Ang ganap nila. Ginagawa nila yun sa mga hotels o kaya naman ay sa bahay Ng isang member. If you don't want to join them you'll be the "watcher". Watch them all you want but no taking pics and videos. Every EB we are going to wear a mask, we also have bracelets na may codename namin. Nung naintroduced ako sa group na to, pinakilala Ako ni Ate as her lil sis at pinaliwanag niyang "watcher" lang ako kaya Wala dapat makikialam sakin. Bilang Isa sya sa mga co-founder ng group na yun madalas na sya din ang magplano ng EB . Ilang beses na niya ko inaaya sumama sa mga EB nila pero lagi ako tumatanggi, silent reader lang ako sa group. May mga couples na nagppm sakin nun at inaakit din ako na sumama sa EB at sumali sa mga "play" nila but I always turned them down. Curious ako oo pero di pa ko ready makakita ng mga ganun actual 😅.

One time nag-aya si ate chill lang daw sa padis near cubao, silang magjowa lang daw magkasama. Gusto daw ako mameet ng jowa niya dahil curious daw bat ako binabakuran ni ate sa group.
Nagkita nga kaming 3 ,I don't drink alcohol kaya juice or ice tea lang sakin tapos foods 😁. Silang magjowa may 1 bucket na San mig, edi kwentuhan and okrayan kami. Maybe an hour or 2 biglang nagtanong si ate sakin if may work ba daw ako kinaumagahan. I told her na Wala ,kaya nga napapayag niya kong pumunta. She then told me na bababyahe daw sila papuntang Laguna for EB , mabilis akong nag no (alam Kong aayain Niya ko) Kako uwi na lang ako, eh Kaso nakareceived ako ng text galing sa Kasama ko sa Bahay na di Sila makakauwi dahil magout of town Sila. I don't want to be alone in that big house (something is happening in that big house na nirerentahan Namin pag mag-isa lang ako😅) kaya I said yes to ate na lang. Tinimbang ko pa muna desisyon ko 😂 nasa legal age naman na ko, Hindi naman Yung tipo ni Ate Yung ipapahamak ako and she promised na di nila ko pipilitin magwatch, samahan ko lang daw Sila.

Edi gora kami sa Laguna, sa may Cabuyao ata yun limot ko na exact address pero parang subdivision sya. Pagdating sa place eh siguro mga 5couples at 3 singles kami lahat. Malaki Yung house , malawak Sala at may 5rooms. Edi pakilala ganun tapos Yung 2 single guys Pala ay Kasama sa "play" nila. Meaning lahat sila magkakan-kanyang kwarto. Ako nagpaiwan sa Sala ,I asked permission sa may-ari ng bahay if I can watch na lang Kasi may collection Siya ng Narnia movies❤️. Pumayag naman she even told me na if I want to cook french fries or anything eh open Ang fridge Niya. Tuwa ko nun Malala hahaha! Na napawi din ng pumunta ko sa kusina tapos Nakita ko ref Niya 🫠 mga mi kamukha Siya nung "pridyeder" nila Janice de Belen at Andi Eigenman sa movie🤧
Buti na lang madami silang mga chichirya kaya di ko na talaga sinubukang buksan Yung ref 😅.
Peaceful naman Yung bahay. Not until napalingon ako sa Bahay na katapat ng bintana tapos may Nakita akong black lady na nakatayo sa tapat ng bintana din Nung kwarto doon. Nakaharap sya sa pwesto ko at biglang tumagos sa bintana na yun! Napatakbo ako Ng Wala sa Oras paakyat sa unang kwarto na nabuksan ko! Buti na lang di Sila naglock at Wala din silang ginagawa. Andun yung may-ari ng bahay, edi tinanong ako anung nangyari, I told her about the lady na nakasuot ng dress na itim at nakabelong itim din, Ang tumagos sa kwarto ng kapitbahay niya. She just said na Yan daw Yung reason kung bakit walang nakatira sa kapitbahay nila at dito sa Bahay Niya. Madalas daw magpakita Yung omom na yun doon kaya Wala ng tumitira doon ,kahit na ibenta sa mababang halaga eh Wala din gustong kumuha. Sabi ng parents niya ay may nakatira daw dati doon, babaeng galing ibang bansa tapos naniniwala sa mga black magic at vodoo dolls. After daw mawala Nung babae doon ay lagi na nagpapakita Yung black lady..
Di na ko lumabas sa kwartong Yun at nakipagkwentuhan na lang sa ako kanila. After matapos sa play Yung iba eh nagsilipatan na din Sila doon sa kwarto at nakipagkwentuhan saamin..
After lunch kami nagsiuwian , creepy Yung Bahay sa kanila pagumaga  madilim awra niya at Ang bigat ..
Anyway never na ko sumama ulit sa mga EB nila at nagleave sa group. Baka kung saan Kasi nila ko maaya tapos may omom ulit 🤧 I kennat!!!

Ps. Hinanap mo din ba Yung SPG moment? 🤣 Char!



📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon