Around 2013 nangyare saken to, hindi ko maikwento sa iba kse pinagtatawanan ako at hindi sila naniniwala, pero ako mismo ang nakaranas nato, yun asawa ko ang witness dinamayan tlga ako. nagkaron madame sugat yun mga paa ko. May mga insekto din na kulay itim na maliit ako nakikita na dumadapo sa mga paa ko. isipin nyo yun praying mantis na tipaklong, kukay itim at paliitin nyo na kasing liit ng langgam, tapos manipis yun katawan nya, Ganun ichura nun mga insekto. Tapos bakit sa paa ko lng. Sobra kati, kinakamot ko nagsusugat, so nagmemedyas ako sa gabi. Tapos ang kati kati pa din, parang mga kumakagat. Isang gabi binuksan ko tlga ilaw at hinubad medyas ko, nakita ko yun insekto sabi ko sa misis ko ayan oh, tignan mo. Hindi daw nya makita. 🤦🏽♂️ parang ako lng ba nakakakita? Pero yun mga sugat ko sa paa kita nya. Yun mga insekto hindi. Wala nman daw sya makita. ilan linggo dumaan sobra dame sugat paa ko, ayoko na magtsinelas kse yun ichuea ng paa ko nakakadiri na sa sugat.. hindi ko naisip magpadoktor, wala kme pera nun para ipadoktor pa yun sugat lng sa paa.
Hanggang sa binisita namen yun nanay ko, sabi nya halika ipatawas kita. Hindi ako naniniwala sa ganun pero wala nman masama. Pagkakita lng saken ng nanay ko at sa paa ko inaya agad ako ipatawas.
So tinanong saken nun magtatawas kung may nakaaway daw ba ko, sabi ko meron yata, so sabi nya babae. Sabi ko oo babae, may nangungupahan samen na magasawa tiga visayas. Minsan kme nag talo, kasi pinagsabihan ko na yun mga aso nya kung saan saan tumatae sa compound, tapos yun father in law ko palage naglilinis ng mga tae ng alaga nya. Nung nag bakasyon yun father in law ko sa isa nya anak, ilan linggo, lintik hindi tlga nilinis yun mga tae ilan araw. Hanggang natuyo na dun sa semento. Nasigawan ko na ako na gagawa trabaho nya.
Sabi ko kakatayin ko tlga mga aso nya pag hindi sya natuto maglinis ng tae ng aso nya.
So yun lng naiisip ko na nakaaway ko, binigyan ako ng instructions ng nagtatawas saken pano ireverse yun kulam daw saken.
Sabi ko ha? Kulam na to. Langya kinikilabutan ako habang tinatype ko to 😆 sabi nun nagtatawas malakas tong binangga mo ah.
So may binigay na dahon saken, tapos pakuluan, tapos yun pinagkuluan, ibuhos ko daw sa inodoro pagka ihi nun babae na tenant namen.
Sabi ko pano ko gagawin yun?? Langya paano?? Tska sabi ko bakit ganun? Wala ba kako iba paraan. Sabi nya saken wag kana magtanong dahil pag pinatagal ko pa daw mabubulok mga paa ko hanggang sa putulin.
Sa awa ng diyos, amang tama that time, nirerenovate yun banyo nila, so may common CR na ginagamit sa labas. Juskopo sabi ko pano kung hindi diba!
So paguwi namen ginawa ko na, inabangan ko tlga mag cr yun babae! Nagpanggap nln ako na nililinis ko yun paligid na inuupahan nila. Kinakabahan din ako baka pagdudahan ako. 😆
So nag cr na sya, then binuhos ko. Lintik pawis na pawis ako buo-buo 😂
So nagawa ko na. Kinabihan inaabangan ko na mangati mga paa ko. Hindi na nangati. May mga sugat pa din. Tapos ewan ko ba hanggang sa nawala na sa loob ko. Parang nakalimutan ko. Tapis bigla nln napansin asawa ko, yun paa mo galing na oh wala na mga sugat.
Pag nakikita ko paa ko ngaun, wala bakas ng mga sugat. Parang walang nangyari.
Ngaun ko na lang uli naalala dahil may fb group na ganito na pede ko mashare to nangyare saken.
Hanggang ngaun 2023, nakokontak pa namen yun nagtawas saken, dahil pag may mga sakit anak ko na diko mapaliwanag, dinadala ko sila dun.
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HororAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)