"My Brother in-law"
Di ko masasabing creepy ang isshare kong story sa inyo pero may halong paranormal.
Nangyari ang hindi inaasahang pangyayari sa buhay namen ng biglang pumanaw ang asawa ng ate ko last year. Simulan naten sa mga pahiwatig. Since kinasal na nga si ate syempre need na nyang bumukod, kame nakatira sa Malabon sila ate nakatira naman sa Pasay.
Sobrang bait ng brother in-law ko at sobrang lungkot lang at kinuha sya agad samen. Ngayon ko lang nagpagtagpi tagpi yung mga nangyari bago sya pumanaw, para bang pinagsama sama nya kameng lahat dito sa bahay nila dito sa Pasay bago sya pumanaw.
Since malayo ang Malabon sa Pasay sobrang sasadyain mo talaga para pumunta dito sa Pasay. Mga months before sya pumanaw lagi kameng andito sa Pasay ng boyfriend ko minsan nga dito pa kame natutulog.
So napagkasunduan namen na pumunta ng Baguio mga 3rd week of July which is yan yung week ng kamatayan nya. So everything was set na, nakabili na kame ng bus tickets at may Tita naman kame na nakatira sa Baguio so talagang ok na ok na yung trip namen. Ito na yung sad part days before ng alis namen bago pumunta ng Baguio nagcomplain yung brother in-law ko na nahihirapan syang huminga may time pa nga na madaling araw nagising sya at hirap na hirap sya talaga.
Fast forward na tayo, since hirap na nga sya huminga nagdecide na nga yung ate ko na iadmitt na sya sa hospital, actually ayaw pa nga nung brother in-law ko magpacofine kaso feeling ko iba na talaga nararamdaman nya kaya pumayag narin sya. So to make the story short pumayag na si Ate na mauna na kame sa Baguio at after nila sa hospital eh susunod na lang sila.(Gustong gusto din nung anak nila kasi pumunta ng Baguio kaya talagang pinayagan nila kame nung araw na yun)
Naka schedule for Operation yung brother in-law ko kasi may nakitang bara sa puso nya..yung schedule nung Operation nya is the same day nung pagakyat namen sa Baguio.
So fast forward ulet tayo..habang asa bus na kame sa may Marcos Highway nakatangap ng message sa messengere yung bf ko na wala na nga daw ang brother in-law ko.. grabe talaga yung narramdaman ko nun parang hinalukay yung tiyan ko as in napaCR ako sa bus( buti naka first class kame na bus). Hindi ko alam kung paano ako magrereact.. tinawagan na kame ni ate na kelangan nya kame at need namen bumalik sa Manila.
Kinabukasan bumalik kame agad ng Manila at sympre mega crayola ang ate ko.. pag dating namen sa Manila diretso na kame agad sa wake. While asa wake sila ate dito kame nagsleep sa room nilang magasawa( need ko kasi mag work sa umaga tapos sa hapon gora dun sa wake. WFH ako so dito rin ako nagwwork) for some reason wala syang paramdam.
Fast forward ulet tayo so nailibing na nga ang brother in-law ko, at syempre ito mga days na grabe ang iyak ni ate.. dito nagsimula yung paamoy ng bulaklak, dito rin kasi kame nagsleep sa room nila para may kasama ni ate, may mga nights na parang may nakatayo dun sa may side ng bed kung saan nagsleep si ate. Feeling ko kaya di masyadong nagpaparamdam ng bongga kasi alama nya na sobrang matatakutin si ate. Close din kasi sa mga barkada ko ang brother in-law ko ..yung barkada ko sa Malabon pinuntahan nya sa bahay, Sabi nung friend ko may butterfly daw na dumapo sa kanya.
Yung gf naman ng kapatid ko may kids na kasi yun..yung bunso siguro mga 3 years old pa lang .. may picture kasi na malaki dito yung brother in-law ko ang sabi ba naman ni bagets nakikita nya daw sa hagdaan yung asa picture at matagal syang nakaturo dun sa may side nung hagdanan. Usually bago sya mag 40 days puro paamoy ng bulaklak ang bet nya.. Pero after 40 days bigla na lang din nawala yung mga ganyang paramda nya, siguro nakatawid sya agad ng matiwasay.
Naging Barangay Captain sya at makikita mo sa mga nakiramay na mabait na tao sya at mahusay Kapitan!
May karugtong pa kasi natuloy kame sa Baguio.
"Brother in-law part 2"
So after ng 40 days nya eh nagdecide kame pumunta ng Baguio since feeling namen, na gusto nya rin na matuloy yung trip namen sa Baguio.
Fast forward na tayo dumating na kame sa Baguio at nag settle na kame ng gamit.. So syempre kamustahan, kwentohan.Yung Lola ko is nakatira sa Baguio (mother ng mommy ko) nagkkwento sya na pinuntahan daw sya ng brother in- law ko at binati sya.. paulit ulit nyang sinasabi yun.
Nagstay kame sa Baguio parang 4 days, 5 nights so ito na yung matindi and last na paramdam nya.. pauwi na kame and asa terminal na kame ng bus (Victory liner) Nag First class bus na kame dahil ayaw na mapagod ni ate sa byahe. Kapag sa first class na bus ka sumakay may stewardess na nagaaudit ng seats, ang pwesto namen ay sa may bandang likod yung ate ko and yung anak nya sa dulo nakaupo kame naman ng bf ko sa may harap nila, yung seating arrangement ng seats sa first class bus ng victory is sa left side dalawahan and sa right side isahan lang, so ito na nga lumapit samen yung nagaaudit ng seats nagaask if ksama daw ba namen yung lalakng nakaupo dun sa isanhan na seati, tinatanong nya kung asaan na daw... Pinadescribe ni ate if anong itsura nung lalaki na kasabay namen umakyat ng bus and nakaupo sa isahang seat, ang pagkakadescribe nung stewardess naka white t-shirt and kalbo ..dun na kame natuwa and kinilabutan at the same time..kasi kasama parin naman sya sa Baguio.
Ang funny dun nakahalata yung stewardess na di na buhay yung pinapadescribe ni ate, L
lalo na nung sinabi namen na kame lang ang magkakasama .. ayun nag thank you na lang at umalis na. Ramdam na ramdam namen na kasama namen sya sa byahe pa Manila.
Nakakasad lang kasi after ng Baguio namen di na sya nagparamdam ulet ..As of this writing wala na talaga. Ramdam namen na asa Paradise na sya. 🙏May question ako, kasi nabangit ni ate na di nya daw ever napaginipan ang husband nya bakit kaya?
Ito na yung last part ng kwento sa asking brother in-law.. Actually may creepy story ako dun sa bahay ng tita ko sa Baguio sa susunod ko na kwento yun.
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.