Ang Lumang Bahay sa San Juan
Part 2: Si Fernando
—
Isa sa pinakamagandang regalo na nakamit ng lola ko ay magkaroon ng isang magandang anak na babae.
Pero nang tumuntong ng 9 years old ang bata na itago na lang natin sa pangalan na Sinag, ay nagkaroon ito ng meningitis na sa panahon ng 1987 ay walang lunas at wala ka talagang kalaban laban dito dahil na din ang ospital ay para lamang sa mayayaman.
Itinakbo muli ng lola ko si Sinag sa Chinese General Hospital (correct me if I'm wrong sa name) dahil sa lumalalang komplikasyon nito.
Habang naghihintay sa labas ng emergency room pipi niyang hiling na sana ay wag pabayaan ng Diyos si Sinag. Sa sobrang pagod at pag aalala nakaidlip siya sandali. Pagdilat ay nagulat siya dahil may lalaking nakatayo sa pader sa kanyang harapan.
Mula ulo hanggang paa mukang mayaman 'to. Naka-rolex pa! Suplada kasi lola ko kaya di niya pinansin, dumiretso siya sa may pinto ng emergency room at nakita doon si Sinag... Nakaratay, mahina, walang kalaban laban.
Ilang minuto pa lumapit ang lalaki. Nagpakilala. Fernando daw. Tumango lang ang lola ko at umalis ulit. Kinausap ang doktor at tinapat na daw siya nito.
"Mommy, hindi ko po maipapangako ng 100% ang paggaling ni Sinag... Mahina na ang bata, she might survive pero baka hindi na siya makabalik sa isang normal na buhay." Maari din daw na maging inable (baldado) si Sinag katulad ng isang lantang gulay.
Isang lugar lang ang alam niyang maaaring makatulong sa kanya, ang simbahan. Sa piling at presensya ng Panginoon...
Doon ay ipinagdasal niya na kung mahihirapan lang din si Sinag ay ibinabalik na niya ng bukal sa loob ang pinakamamahal at unica hija niya...
Pagkalabas niya ng chapel nandoon na naman si Fernando. Lumapit ang lola ko at sinigawan siya, "Hoy, ikaw na leche ka bakit mo ko sinusundan?" Lumapit ng kaunti si Fernando. Napamura ang lola ko. "Sige, subukan mong lumapit at sisigaw ako!" Pananakot naman ng lola ko at tinutok dito ang dala dala niyang malaking payong. 😂
"Gusto kitang tulungan."
"Ha? Kilala ba kita?" Umiling lang si Fernando at nagpatuloy sa sinasabi.
"Tutulungan kita sa lahat ng bayarin ng anak mo at kukunin natin ang isa sa magaling na espesyalista sa UST Hospital." Alok ni Fernando. Doon palang alam na ng lola ko na mabigat ang hihingiin non na kapalit.
Out of the blue? Bigla siyang aalukin ng ganun? "Ayokong maging pokpok mo, tanga. Tabi nga diyaan." Masungit na sabi ng lola ko at naglakad na palayo.
—
Lumipas ang ilang araw palala ng palala ang kondisyon ni Sinag. Lalong nag aalala ang lola ko. Noong mga panahon na iyon ay hiwalay na sila ng lolo ko pero ganumpaman gumawa ng paraan ang lola ko para humingi ng tulong na pera para sa pagpapagamot kay Sinag.
Habang bumibili ang lola ko sa canteen ng pagkain nakita na naman niya si Fernando. "Ano ba di ka ba titigil ha?" Inis na sabi niya.
"Hayaan mo na lang sana akong tulungan ka."
"Eh ano naman ang kapalit?"
Nagbigay ng isang ngiti si Fernando. Tumayo ang balahibo ng lola ko dahil sa ngiti na iyon. Tila yata't pamilyar ang ngiti na yun.
"Gusto ko na ipinta ka." Napatawa naman ang lola ko dahil sa sinabi ni Fernando.
"Amorsolo ba apelyido mo? Ayun lang ba? Osige. Tara na." Yun pala ay pagsisisihan niya ang pag-oo niya sa alok nito.
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)