Hi! May nabasa akong post dito tungkol dun sa isang member na may namana sa kanyang grandparents. Yung nagcucurse siya at talagang nangyayari. Di ko na makita yung post niya. 😟 I wanted to talk to him/her dahil we're in the same situation. I'll share my story at baka makuha ko atensyon niya.
Nung bata pa ako, merong bukol sa mata ko. Di siya masyadong malaki but halata siya tuwing pipikit ako. (Parang singtigas nung puti ng mata ng isda.) Ginamot siya ng Lolo ko. Parang may ginawa lang ritwal tapos tinusok ng mahina yung mata ko using a BBQ stick tapos may dasal siyang sinabi. After a week, nawala na yung bukol sa mata ko. Nga pala, 4 years kong dala yun. 🥺
After nung ginamot ako ni Tatay, he told me na whatever I see, di ko daw papakialaman and di ko na papansinin. Weeks after that, may nakita akong pulang supot sa tabi ko. Akala ko, it was intentionally put by someone and it was for me to read. So I opened it and found some very old things. Dahon, coins, mga sanga ng kahoy, mga ugat-ugat tsaka isang libreta. I read the whole thing, it was written in Latin. Di ko lang malimutan na word dun is yung "Oremus". After reading it, Tatay saw me. He got mad. So mad! Sinabi niya na next time, di ko na dapat basahin pa yung libro. Di ko na dapat pakialaman pa yung supot.
Few months after that, may nahulog mula sa kisame and pagtingin ko, yung supot na naman. Ayoko na sanang basahin kasi ayokong magalit si Tatay but something urges me to read it. At ayun, binasa ko talaga. Nakita ulit ni Tatay na hawak ko yung libreha. This time, di na siya galit. He just hugged me and told me na whatever happens, I must control my feelings. Dapat di ako basta basta magsalita ng masama sa kapwa ko lalo pa pag galit ako. I just need to pray and keep declaring good things.
Mula nun, I've seen a few "entities" tulad ng mga batang itim sa church, usok na hitsurang lalaking nakabarong na parang foreigner ang mukha. May mga nasabi akong masama sa kapwa ko na talagang nangyari. May mga nagkasakit, nagkaron ng family problem, and worst, namatay. May nakita din akong mataas na human figure sa may sala namin. Dumaan siya sa harap ko. Napakatangkad niya at ang tangos ng ilong niya. Di ko makita buong mukha niya dahil nakasideview siya and may suot siyang sumbrero. Ang bilis ng lakad niya parang animo'y nakalutang. I'll attach a photo that I found online na fit dun sa nakita ko. Tulad ng sabi ni Tatay, di ko pinansin and it took years bago ko sinabi sa pamilya ko ang tungkol dun. Nasabi ko nalang sa kanila when my sister told me na may nakita siyang something kakaiba sa bahay so I described what I saw and yun din ang nakita niya.
Meron ding a few barren women akong nadasalan at nabuntis. Yung iba 16 years nang married pero di nabuntis, nagpaalaga na kung kani-kaninong doktor. May isang babaeng nag.ask sa aken to utter prayers for her womb and I did, she now got two kids. Pero when I pray, something urges me to do it. Yun bang di ko sinasadya. Bigla bigla nalang, umiinit yung kamay ko tsaka yung ulo ko. Na parang something is covering my head.
ang problem ko is simula nung nagpray ako na mabuntis yung unang dinasalan ko, nagkaron ako ng PCOS. Sabi ng nanay ko, my late Tatay refuses to heal someone dahil daw nagkakasakit siya every time he does it. Naalala ko din nung nagkasakit ang anak ko, uso ang Covid that time, bigla siyang nagsuka and nawalan ng malay. I just uttered prayers and after a few minutes, bigla nawala yung pagputla sa anak ko and naging okay siya pero a day after that, nagkaron ako ng sakit and I was bedridden for almost two weeks. Nung nagpacheck up ako, okay naman lahat. Need ko lang daw magpahinga. 🥺
Ngayon, ingat na ingat ako sa emosyon ko. Di na rin ako nakikisama sa ibang tao. Ginawa kong small yung circle ko. Just my family nalang. Nawalan ako ng mga kaibigan because ayokong mag.invest ng feelings na sa iba. Ayokong masaktan at ayokong makasakit.
Pasensya na at medyo mahaba. Sana mabasa to nung isang myembro na same sa sitwasyon ko. Namention niya kasi na meron siyang proteksyon. I wanted to know more about it. Thank you po.
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
![](https://img.wattpad.com/cover/334075232-288-k923540.jpg)
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.