Provident Village

27 0 0
                                    

Someone asked me to post about Provident Village.. Siguro karamihan dito alam lahat tungkol sa Provident village na binabaha tuwing malakas ang ulan.. dahil ung dike dun ka level lang ng isang bungalow house o karaniwang bahay na first floor lang kaya tuwing tumataas ang ilog umaabot sa halos 2nd floor ng bahay (22ft if ibabased sa water level na naka indicate sa ilalim ng tulay)...

Karaniwan duon may mga kwentong kababalaghan dahil sa daming namatay duon .. tao o hayop man.. ilan lamang tong kwento ko sa naencounter ko nung napatira ako duon ..

2010
1. After Ondoy (2009) nung unang mapatira ako sa Provident Village though nadadayo naman kami kahit nuong mga bata pa kami- dahil duon nagwowork mama ko as Quality Control ng isang woodcraft exporter- Back to my story, natira kami sa isang room for rent .. Isa syang bahay na may mga kwarto kwarto (5 kwarto), that time 3 pa anak ko at ksama ko minsan ang ex bf ko or minsan mama ko .. nung isang beses galing kami sa MOA ng ex ko sinundo ko ung mga bata nang sabi ko magluluto muna ako, common kasi ung kusina dun... mag aalas 12mn na nuon at ako na lang mag isa na gising duon nang biglang may sumitsit sa akin nuon.. sa sobrang takot ko napatakbo ako nuon at iyak ng iyak sa kwarto nmin..
2. Same year din nung mag work ako sa isang resto bar pero fine dining din sya na pag aari ng isang kilalang chef at isang may ari ng mga taxi's , usually 6pm-12mn o 1am depende kung may events na nagaganap.. isang gabi, nakasalubong ko ung regular customer namin duon then binati ko sya.. may kasabay sya nuon na babae na maliit lang at biglang ngumiti skin . Sa pag aakala ko kasama nya yung babae kaya nginitian ko rin.. The next day nung magawi ulit si regular customer, nabanggit ko sa kanya na may babaeng kasabay sya nung naglalakad sya nung makasalubong ko sya.. sinabi nya na wala naman daw syang kasama nuong time na yun at mag isa lang daw syang naglalakad nuon .. so sino yung kasama nya?

2015
That year natira ulit kami pero sa ibang room for rent naman, same din sa isang bahay may mga paupahang studio type na may common naman na cr , buntis naman ako sa isang anak ko nuon nung natira kami dun. Naroon may naaktuhan ako na parang may sumilip galing sa bubong , tapos evrytime na mag ccr kami kailangan may kasama ka dahil kahit ikaw lang mag isa, mararamdaman mo na lang di lang ikaw ang mag isa sa cr na yun...

----------
Nakatira pa din kami sa provident since '91. May house kaming nabili along saint mary na ang purpose nya, dun mag stay mga kamaganak naming balikbayan tapos pag may mga bisita kami dun, madalas sinasabi samin na may bata dun sa bandang kusina. Then madalas tuwing gabi, akala ko ako lang nakakarinig na gumagalaw yung mga upuan namin sa main dining table, mabigat yung upuan, gawa sa nara. Na confirm ko lang na totoo nga yun nung nagkakwentuhan kami ng kapatid ko with friends. Nung nabenta na namin yung house na yun (sa provident pa din kami nakatira), nakasalubong ko yung kapitbahay namin, tinatanong kung may nakabili or nakatira daw ba dun sa bahay kasi may mga naririnig daw silang boses at mga nag sasarado ng bintana. Haunted house ang tingin namin dun sa bahay na yun pero hindi lang naman sa provident may mga ligaw na kaluluwa.

-----------

-----------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon