PAHINGA
Magandang araw po sa inyong lahat. Matagal na rin nung huli akong nagsend ng story ko dito gamit ang ibang account. Silent reader since 2020. Gusto kong magshare ng stories na masasabi kong isa sa bangungot ko.
4 years ago namatay ang pinsan kong lalaki. Sobrang sipag nyang bata. Trabaho sa tanghali hanggang gabi tapos aral sa umaga. Hindi rin sya nagpapahinga kahit weekends katwiran nya "Kailangan kasi ni Nanay ng pera, pag tumatambay ako sa bahay puro mura lang ang inaabot ko. Masaya sya pag umuuwi ako galing trabaho dahil sigurado syang may pera na ako." Ang nanay ng pinsan kong yun ay kapatid ng tatay ko. Kaya naman sinabi ko sa tatay ko ang sinabi sakin ng pinsan ko, agad naman pinagsabihan ni Tatay si Tita. Pero imbes na maging maganda ang kalabasan ay nalaman naming binato ni Tita si Pinsan ng baso sa mukha. Dahilan para magkapasa sya sa ibabang bahagi ng mata nya. Btw, si Pinsan pala ay 14 years old na at matangkad na bata. Nalaman naming galit na galit si Tita kay Pinsan dahil sumbungero daw ito. Kaya naman lalong nagalit si Tatay dahil sa nalaman nya, hindi kasi si Tatay nanakit ng mga anak nya kaya hindi nya pinalampas ang ginawa ni Tita sa sarili nyang anak.
Hindi naman naresulbahan ang pangyayari bagkos ay naging magkaaway pa si Tita at si Tatay. Hindi na sila nag usap. Si Pinsan ay hindi na rin ako kinausap mula noon dahil siguro sinabihan sya ni Tita. Hanggang sa isang araw nagulat ako dahil nagpunta si Pinsan sa bahay na may dalang pansit. Sabi nya sakin pinabibigay daw ni Tita dahil birthday daw ng isa pa naming pinsan. Hindi agad nakabalik si Pinsan sa kanila dahil nagkwentuhan pa kami hanggang sa mapansin nya ang suot kong Tshirt. Kursunada nya daw ito at inaalbor nya. Hindi naman ako tumanggi dahil sa tagal ng panahon ay ngayon lang sya nagrequest sakin kaya naman natutuwa ako. Sabi ko sa kanya ay ibibigay ko ang damit ko once na malabhan. Tuwang-tuwa naman sya.
Dalwang araw ang nakalipas ay sinaktan nanaman ni Tita si Pinsan dahil walang naibigay si Pinsan na pera dahil pinambayad nya sa tuition. Kinagabihan sabi ng kapatid nya ay inapoy daw ng lagnat si Pinsan at sinabi nya ito kay Tita pero ang sabi lang ni Tita ay "Arte lang yan. Matulog na kayo at bukas lumayas kayo dito at magtrabaho kayo.". Naiyak nalang daw si Pinsan sa narinig nya. Pagdating ng madaling araw, narinig ng kapatid nya na umiiyak ng medyo may boses si Pinsan. Sabi daw nito ay hindi nya na raw kaya, nahihirapan na raw sya. Masakit daw ang dibdib nya. Tumakbo daw ang kapatid nya kay Tita at sinabing hindi makahinga si Pinsan pero dahil galit pa si Tita ay sinabing bigyan lang daw ng tubig at patulungin nalang si Pinsan. Pinainom daw nila ito ng tubig at pagkatapos ay bumulong daw ito ng " Ikaw na bahala kay nanay. Magpapahinga na ako. Di ko na kaya." pagkatapos ay pumikit na ito at tuluyan nang nagpahinga. Hindi raw ito humihinga kaya naman nagwala na kapatid nya at sinabing patay na si Pinsan. Doon palamang bumangon ang mga kapatid nyang iba pati si Tita at Tito. Hagulgol sila ng iyak lahat at nag-away sila Tito at Tita . Nalaman namin ang nangyari kaya lalong nagalit si Tatay. Napaiyak nalang din ako nung malaman ko yun kasi hindi ko man lang naibigay ang tshirt na inaalbor nya. Balak ko na panamang iabot kinabukasan pero wala na pala sya.
Hanggang ngayon kapag napapadaan ako sa kanila, naaalala ko parin si Pinsan at hindi ko maiwasang malungkot. Yung Tshirt na inalbor nya, nirequest kong isama sa paglibing sa kanya. Dahil alam kong gustong gusto nya yun. Hindi narin nag usap ang Tatay ko at si Tita.naghiwalay narin ang mga magulang ni Pinsan at tuluyan nang nahati ang pamilya nila.
-TAURUS
📜Spookify
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)