Apartelle

30 0 0
                                    

Kakauwi lang po nung ex ko nun from abroad we decided na kumuha ng tutuluyan sa San Pedro Laguna para dun ilagay yung mga luggage niya and dun narin kami mag stay away from both our fams. Dahil 1 week lang ang naibook namin yung owner nag decide na ipa-advance booking yung room na pinag stay-an namin. Being accommodating si owner at di niya alam na balak namin mag stay dun for a month, nag magandang loob siya at tinilungan niya kami mag hanap ng matutuluyan. Nag suggest siya na sa muntinlupa dahil madami daw apartelle doon na for sure na bakante. Dahil feb noon medyo punuan mga hotels, apartelle and even motels kaya umabot kami hanggang putatan.

So ayun na nga nag stay kami sa isang apartelle sa putatan, we booked there for a week since may arrangement kami ng owner ng previous tinutuluyan namin na after a week ibook ulit namin yung room and by that time ay malinis na at bakante na ulit. Yung first floor ng apartelle is kainan, tapsihan at bulaluhan then yung 2nd and 3rd floor yun na mga rooms. Pinili namin yung suite nila na nasa 3rd floor since only room lang yun dun and spacious. Overlooking sa lake tapos pag gabi nakikita yung nightlights sa kabila ng bay.

First 2 days ng stay namin doon ay okay naman kasi rarely kami na andun more gala kami ni tapos bumibisita sa bahay nila sa sta Rosa. Yun yung time na nilagnat ako ng husto. So nag decide kami na mag stay lang muna at ienjoy yung place. Dun na nag start yung mga weird na pangyayari.

Una yung kusang pag bukas at sara ng door sa cr. Pero pina walang bahala ko kasi baka cause lang ng hangin. Tapos palagi pag gabing natutulog kami may pumapatak na tubig sa amin kahit malayo naman yung aircon at wala namang visible leak sa ceiling. Tapos nag rereklamo siya na may kumukuha sa yosi niya. Sa 5days stay namin ay halos naka 5 na kaha din siya ng yosi kahit hindi naman siya malakas mag yosi. So sa akin wala lang talaga lahat di ko man sineseryoso kasi ineenjoy namin time namin nun ni ex dahil matagal din kami di nagkita.

Isang gabi habang nag iinuman kami, nakatalikod ako noon sa pintuan ng cr, bigla napasigaw si ex, may nakita daw siyang batang babae sa loob ng cr, tinawanan ko lang siya non dahil palabiro at alam kong tinatakot niya lang ako. Kaya pumunta ako sa cr at binuksan ng mabuti yung pinto. Tatawa tawa pa ako noon, pero pag kaharap ko sa kanya e sobrang putla niya at hindi kumikibo. Dali-dali kaming bumaba at pumunta sa malapit na 7/11 na isang kanto lang ang layo para mag palipas ng ilang oras dahil takot na takot talaga siya.

2:30 ng madaling araw bumalik na kami sa  apartelle at nasaktuhan namin na nagyoyosi yung isa sa mga boy ng apartelle. Tinanong namin kung anong meron sa suite ng apartelle. Nag kwento siya sabi niya yung isang boy daw na lagi nag lilinis ng lugar yung may alam ng mga kwento dun sa suite. Bumalik kami at nag stay muna sa lounge sa front desk, dun kami nag simulang mag imbistiga, mag tanong tanong sa mga boy doon. Mga higit 30mins din namin kinukumbinsi yung mga boy para mag kwento. Dun namin na confirm na lagi nga daw "naiiwan na bukas yung gripo sa cr kahit ilang araw na walang nag bbook ng lugar." Pilit namin siyang tinatanong kung may nakikita ba siya, sadya naming hindi sinabi kung ano nakita namin para ma confirm namin kung meron ba talaga. Pero ayaw niya talaga mag kwento. Kaya sinabi nalang ni ex na may nakita kaming batang babae na basang basa sa loob ng cr. Namutla na parang maluha-luha yung boy nung sinabi ni ex yung nakita niya. Hindi kalaunan ay nag simula na mag kwento yung boy, yun nga daw yung lagi niyang nakikita doon pag nag lilinis siya. Ipinakwento namin sa kanya yung pinaka nakakatakot na nangyari sa kanya dun sa suite kaso nung mag sisimula na siya, sinita kami ng babae na naka station sa front desk at sinabi na wala lang daw iyon.

Mag aalasais na ng umaga nang napagdesisyonan namin na umakyat at matulog na since medyo maliwanag na. Mga bandang 7am ginising niya ako sabi niya mag empake na daw kami. Sabi niya hindi siya makatulog tapos may parang malamig na nakayakap at nakadagan sa kanya. Kaya kahit na pang limang araw palang namin doon ay nag empake na kami dala lahat ng luggage niya.

Pag dating namin sa San Pedro habang nag bababa ng gamit napansin niya na nawawala yung singsing na kapares ng akin. Sigurado ako na suot niya yun bago kami makaalis sa apartelle at hindi namin tinatanggal yung singsing namin. Tinignan namin ng maigi sa sasakyan at tinawagan agad yung apartelle pero wala daw sila nakita.

Kinagabihan na yon nag decide kami na umuwi ng bahay nila sa Novaliches. Dahil hindi makapag book ng uber ay nag punta kami ng muntinlupa para doon makapag book. Bago kami makakuha ng masasakyan sinadya namin daanan yung apartelle para magtanong tungkol sa singsing, pero wala talaga. Habang hinihintay yung uber nakatitig nalang kami sa bintana ng kwarto kung saan kami nag stay, iniisip kung ano nga ba talaga ang nangyari sa kwartong yon.

Habang nasa byahe kami napansin ko na tingin ng tingin yung driver sa rear view mirror at maya't mayang humahawak sa rosaryo na nakasabit. Maya maya pa ay napansin ko si ex na tila balisa at pawis na pawis, tinanong ko siya kung okay lang ba siya. Ang sabi niya sakin ay naiinitan lang daw siya pinapahubad ko ang hoodie na suot niya pero ayaw niya. Kaya pinalakasan ko nalang sa driver yung aircon. Malapit ba kami non sa kanila pero hindi parin tumigil yung pag papawis niya at tila ay init na init siya samantalang ako ay nilalamig.

Nakarating na kami sa kanila noon at habang nag bababa ng ilang mga gamit at pasalubong, tinanong ko si kuya driver kung bakit siya hawak ng hawak sa kanyang rosaryo. Nakangisi at balisa niyang sabi sakin na "ma'am napansin niyo po ba na parang ambigat ng sasakyan natin kanina?" (Nagtataka ako dahil hindi ko naman napansin) "Ma'am may kasama po kasi kayo ni sir" pasunod na sabi ni kuya driver. Pag kauwi  namin sa bahay dalidali naghubad ng hoodie si ex at nagulat kami ng mom niya na may marka ng kamay sa braso niya isang kamay ng bata at isang malaking kamay.

Pasensya na po kung mahaba at magulo ang kwento ko. Share niyo po sakin kung may alam kayo about sa apartelle na yun sa putatan may SUN sa pangalan ng apartelle 🤣




📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon