Ptpa
Hi po mga ka ths!,share ko lang po ang naexperience ng friend ko,base sa kwento nya at kwento rin ng magulang nya about sakanya. Marami na po akong story na naishare dito sa group, but this time, anonymous muna tayo for privacy na rin po ng friend ko and family nya..medyo mahaba po ang kwento ko..
"pagdurusa"
Eto po ang naisip kong title base na rin po sa mga naranasan nya..at sa malamang ay mahihirapan kayong paniwalaan lahat ng naranasan nya.
Itago na lang po natin sya sa pangalang DIVINE. Si divine po dalaga palang sya gustuhin na sya ng mga elemento, ang ganda nya level lang, pero kinaiinggitan sya dahil sa mahabang buhok nya na kulay itim na makapal na pang commercial ng shampoo ayon sa description ng parents at mga relatives nya. Nagkaroon pa po sya ng sariling pamilya, nagkaanak ng tatlo or apat, namatayan po sya ng isang anak. Kwento nya nung kinasal daw sya di nya matandaan parang wala daw sya sa sarili. Nagtaka na lang sya na naikasal na pala sya, mas lalong lumala yung mga nangyari sakanya simula ng maikasal sya. Hindi kinaya ng asawa nya kaya tumakas ito kasama ng tatlo nilang anak. Nadepress sya dumalas yung pagpapakita sakanya ng mga elemento(duwende).
Hanggang sa hindi na sya nagising, ilang araw syang tulog. Sa pagtataka ng mga magulang ni Divine, yung ilalim ng kama nya ang daming buhangin. Pag pinupusan nila si Divine nakakadakot sila ng isang dakot na buhangin sa katawan nito. Sa pagkakaalala ko marami na silang napuntahang albularyo kaya alam na nila kung anong nangyayari kay Divine. Hanggang sa nagpakita daw ang duwende ng personal sa nanay ni divine, inalok daw sya nito ng isang baul na ginto kapalit ng anak nila. Pero hindi po pumayag ang nanay ni divine dahil alam nya nililinlang lang sya ng elemento na yun. Taong simabahan po ang nanay ni Divine at pastor naman po ang tatay nya. Mga ilang araw nagising si Divine uhaw na uhaw sya at gutom, dun na sya nagkwento,sinama daw sya ng duwende sa kaharian nila, gusto daw sya gawing asawa. Maganda daw yung lugar, magara lahat kumikinang. Ang kanin daw kulay itim, ang mansanas ubod ng pula kakulay ng dugo kumikinang din. Pilit syang pinapakain ng duwende, pero alam nya na hindi pwede kase hindi na sya makakabalik. Sa pagtanggi nya dun na sya nagising, akala nya isang araw lang daw syang nawala pero ilang araw na syang tulog.
Pabalik balik sya sa mga albularyo, kung saan saan sila nakakarating pero walang makapagpagaling skanya. Sa kalagitnaan ng mga pangyayari sakanya nagawa pa syang ipakulam ng bestfriend nya. Naiingit daw sa buhok nya, yung buhok nya mismo binubunot nya hanggang sa makalbo sya, parang nay tumutusok daw sa ulo nya at mga daliri, naiibsan lang daw yung sakit kapag binubunot nya yung sarili nyang buhok.. kung paano nilaman na pinakulam sya ng bestfriend?,kapag pala kinulam ka, nakakausap ng albularyo ang mangkukulam sa katauhan ng kinukulam. At ang isisigaw ng mangkukulam ang pangalan mismo ng nagpakulam. Kaya pala todo iwas daw yung bestfriend ni Divine ng mga panahong yun.
Patuloy pa rin syang ginagambala ng mga elemento, napag alaman nila sa albularyo na yung tinayuan ng bahay nila ay kaharian pala ng mga duwende. Imagine habang naliligo sya yung mga duwende daw binabantayan sya naglalaro sa toilet bowl, o di kaya nakaupo sila sa headboard ng kama nya. Bukas din po kase ang third eye nya. Hanggang sa nakahanap sila ng magaling na albularyo sa isang probinsya. Pagpasok pa lang daw nila sa gate ng albularyo natakot na daw si Divine, halos ayaw pumasok sobrang lakas daw. Sinikmuraan lang daw sya ng albularyo kaya naipasok nila sa loob ng bahay ng albularyo. Nun magising daw si divine nasa loob na sya nakaupo, pumulupot daw ang paa ni Divine sa upuan na parang lastikman. Lahat yan kwento ng magulang nya, dun na sya gumaling. Binigyan sya ng tali na color yellow nakatali lang sa bewang hanggang sa makilala namen sya suot nya pa din yun. At kalbo na po sya that time, hindi na po tumubo ang buhok nya. Dahil nagkaroon sya ng maraming kaibigan mas napabilis ang recovery nya sa lahat ng pinagdaanan nya. Napakasarap nya kasama masayahing tao, may pagka komedyante at mapagmahal na kaibigan.
Hanggang sa naging jowa nya yung friend naming lesbian. Nawalan na po kase sya ng tiwala sa mga lalaki, kaya ayun. Naglive in po sila mga ilang years din. Eto namang friend nameng lesbian nagkaroon ng ibang jowa nalaman ni Divine, bumalik na naman sya sa dati, siguro pag nadedepress sya. Bigla na lang daw po nawawala si Divine pag natutulog sila, nakikita na lang daw po ni lesbian sa isang sulok sa madilim na lugar nakaupo. Doon na po ulit nagstart na makakita sya ulit ng mga duwende, pero di na daw sya kayang lapitan kase may pangontra na sya. Ayon din po sa kwneto ni Divine, sa takot po ni lesbian eh hiniwalayan nya si Divine. Hanggang sa may ma meet po ulitbsi divine na lesbian, naglive in din sila mga ilang months din, niloko na naman sya, iniwan sya kase akala nya baliw si divine. Tingin ko po nakaka attract sya ng elemento kapag depress sya. Buti na lang nakatagpo sya ulit ng lalaki na tanggap sya sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nya. Nagkaroon pa po ulit sya ng tatlong anak, yung anak nya po sa una, nagkaroon lang po ulit sya ng kontak nung may pangalawang pamilya na sya. Kaso hindi pa po dun natapos, nagkasakit sya at namatay last year lang😭😭😭 hindi ko po sya nadalaw kase nalaman na lang namen nailibing na sya.
Sana kung nasaan man sya ngayon ay payapa at masaya na sya, RIP my friend salamat sa pagiging isang mabuting kaibigan.
Maraming salamat po mga ka ths sa mga nagtiyagang magbasa🙏
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)