TIKBALANG

87 1 0
                                        

TIKBALANG 🥺

it was year 2019 nung nangyari to dito sa bahay namin.. we've been living here for 3 years na nung nangyari to. sino magaakala na sa isang subdivision may ganong eksena...

that time, sa baba kami natutulog ng husband ko and dalawang anak ko. maaga kasi kami nagising dahil may delivery kami sa school canteen at may work from home ako pag 4am. ung panganay ko lng natutulog sa 2nd floor, sa room naming mag asawa...

one night, bumaba ung panganay ko na umiiyak asking kung pwede ba daw siya matulog sa tabi namin, so tinanong ko siya kung bakit. sabi niya may nadidinig daw kasi siya na takatak ng kabayo na hindi niya alam kung san galing, una daw malakas tas pahina ng pahina then akala niya nawala na. nagulat daw siya ng biglang bumigat ung buong katawan niya na parang may nakadagan, pagdilat niya may nasa ibabaw daw niya na parang halimaw. ilang seconds daw na ganon tas nagpray siya at nawala yung bigat then bumaba na siya dito samin. so sabi ko sige, dun ka sa tabi ni bea sa dulo, ang pwesto namin is siya sa dulo sa may wall, ung 2nd ko na anak, ako, ung bunso and husband ko...

akala ko okay na pero after ilang minutes ginising ulit ako ng anak ko at umiiyak pa din kasi nasa may paanan daw niya yung dumagan sa kanya, so sabi ko dun na siya sa tabi ko matulog at si bea sa dulo tapos nagpray kaming dalawa at yapos ko siya habang natutulog siya...

after that night, nagpunta kami sa kakilala kong manggagamot then sabi niya maginsenso kami ng buong bahay, ako sa insenso at anak ko magsasaboy ng asin ng nakasunod sa akin. 3 tuesdays at 3 fridays nmin gagawin un ng 3pm. ineexcuse ko sa klase yung anak ko para gawin yun and during those times sa tabi namin siya natutulog. good thing mukhang di na bumalik yung kung ano mamg entity yun at di na din ginulo ang anak ko...


📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon