Kailangan ba talaga ang pagpag?

35 1 0
                                    

Kailangan ba talaga ang pagpag?

2013 namatay kapitbahay namin na mula noong 1993 nakakasalamuha na namin. Nasaktuhan naman din na mag weekend kaya pauwi rin ako ng Cavite para dalawin nanay ko.

Isang bahay lang pagitan namin nung kapitbahay namin na namatay. Mula 7pm andun na kami ng nanay ko nakikiramay at kwentuhan sa mga naulila.

Nagpaalam na rin ako mga bago mag 9pm kasi kako pagod ako sa byahe at babalik din bukas ng umaga sa Maynila.

Bago umuwi, lumapit ako sa kabaong at sa isip ko lang sinabi ko na "kawawa naman wala na yung padre de pamilya maiwan na magiina." after nito umalis na ako at dumiretso sa bahay.

Walang pagpag. Naghilamos at pumasok na ako sa kwarto.

Pagkahiga ko wala pa ilang minuto biglang nanigas katawan ko at hindi ko na maigalaw kaya niready ko na sarili ko na sleep paralysis na naman. Sanay na ako kasi madalas na mangyari sa akin yung ganito.  Kaibahan lang nito sa ibang sleep paralysis na naranasan ko, dilat yung mata ko kaya kita ko ang isang bahagi lang ng kwarto ko pati yung bukas na ilaw sa labas.

Ilang saglit lang may bumulong sa kanang bahagi ng tenga ko na "Paano mo ako matutulungan kung hindi mo ako naiintindihan?" agad-agad pumasok sa isip ko na yung boses ay boses nung kapitbahay namin na namatay. Hirap na hirap siya bigkasin yung bulong na yan. Siguro na rin kasi throat cancer ang ikinamatay niya? Hindi ko alam. After ko mag inside panic (hehe..) nakawala din ako sa paninigas ng katawan.

Hinihintay ko na lang makauwi nanay ko at sinabi ko sa kanya yung nangyari. Sinabihan na lang niya ako na pagdaan dun bago bumalik ng Maynila, bulong sa isip lang sa tapat ng bahay nila na wag na paramdam sa akin at takot ako. Matapos nun, wala naman na nangyari na kakaiba na related dun sa patay.

Sana lang may nakatulong sa kanya na iba na malakas loob kung may unresolved issues pa siya bago mamatay.


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon