Lugar lang!

16 0 0
                                    

Lugar lang!

Travel related po ito. May 28, 2019 sumakay kami ng bus pa Ozamis City. Mag si Siquijor kami ni ex (now hubby) via Plaridel kinabukasan so nag night trip kami at mag oovernight  sa Ozamis.

5 pasahero nalang naiwan sa bus, kasama ang 2 konduktor at si manong driver. Yung isa tulog sa may banda pintuan sa likod while ang isa gising. Kami ng bf ko (hubby ko na ngaun) sa front seat, tanaw ang daan. Palapit na kami sa border municipality ng zamboanga del sur at dumaan sa madilim na area naglilinyahang acacia.

Busy nakipag chika si conduktor at 3 pasahero nang may nagpara na babae sa pinakalikod ng bus,

"Lugar lang nong! " (Para lang nong)

Huminto naman si driver sa kilid ng kalsada at hinintay yung babae sa likod na tatayo at bababa. Kami rin nagaabang sa babae. Nagkatinginan kaming lahat kasi sigurado kami walang ibang pasahero kundi kami lang, at walang bababa sa kanilang grupo. Pinuntahan ni konduktor na nagising sa likod pero wala sya nakita.

So drive ulit si driver. Walang react kami kasi ayaw namin matakot. Mayamaya, isa sa 3 babae nagpara kay manong na bababa na daw sya. Di narinig ni manong kasi nakipagkwentuhan kami sa kanya. Sabi namin sa kanya manong bababa na daw ang isa.

"ooops! Diri lang!" (Dito lang!)

Sigaw ulit ng boses sa likod. Lumaki na mga mata namin dahil wala sa kanila ang boses na yun. Nang huminto ang bus sabay nagsitayuan ang 3 babae pasahero at dali2 bumaba. Kami 2 ni bf wala kaming nagawa kay may 2 oras pa ang byahe namin. Wala lang si driver. Kwento niya, ang bus na sinasakyan namin ay naranasan na maaksidente. Kung may mamamatay sa aksidente, sabi niya, iibahin ng company ang bus number. Isip ko kung naaksidente na ba ang bus na 'to or nagkataon lang may sumakay na babae galing sa lugar na may naglalalikahang acacia.





📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon