Ang Lumang Bahay sa San Juan Part 1: Si Inez

133 1 0
                                        

Ang Lumang Bahay sa San Juan
Part 1: Si Inez

LONG POST AHEAD.
Hi! Please bare with me if may mali po sa kwento ko. Hindi ako maalam masyado sa San Juan City, Manila dahil lumaki po ako sa Taguig at Biñan.

Ito po ay ayon lamang sa ikiniwento ng aking lola.

Grade 5 siya nang may lalaking "star agent" na nagbabantay sa labas ng Pinaglabanan Elementary School, likas kasi na may itsura ang lola ko, maputi, at mahahaba ang biyas kaya lapitin siya ng mga ito.

Niyayaya siya nung agent na sumama sa kanya at gagawin daw siya nitong part ng Sampaguita Films. Siyempre ang content ng movie na isasama siya ay explicit (spg). Araw araw siyang kinukulit ng agent noon para sumama sa kanya, pero ayaw ng lola ko.

Sa inis ng lola ko tinuro niya si Inez (di po niya tunay na pangalan). "Ayan, mestiza yan. Yan na lang kulitin mo, susumbong kita sa tatay ko." Inis na sabi ng lola ko tapos tumalikod na daw siya palayo dun sa agent. Huling narinig niya sa agent ay, "Lahing baliw mga yan eh."

Palaging naririnig ng lola ko ang chismisan na yun sa kahabaan ng San Juan. Lahing baliw daw ang pamilya ni Inez. Sana dahil "anak sa labas" lang ito ay wag na sanang malahian pa ng pagkabaliw ng pamilya iyon.

Binabaliwa ng lola ko ang kwento tungkol sa pamilya ni Inez dahil mabait naman ito sa school nila at tahimik...

Lumipas ang ilang taon di na nagkrus ang landas nila ni Inez. Nag aaral na daw yata ito sa UST, ang lola ko naman noon sa Manuel L. Quezon nagsimulang pumasok para sa kolehiyo.

Sa paglilibot libot ng lola ko noon ay nakadaan siya sa isang kalye sa San Juan kung saan malalaki ang bahay. Tahimik daw nung panahon na yon kasi magsi-six p.m na daw nun.

Naglalakihan na mga mansion at magagarang gates ang nakikita niya, naaaliw din siya sa mga bulaklak na nakikita niya sa harap ng malalaking bahay.

Pero habang papasok siya ng papasok sa kalye na yun may naririnig siyang maingay... Maingay na tunog ng piano.

"Puñeta, di pa nila dalhin kasi sa mental iyan! Perwisyo!" Narinig na banggit nung isang lalaking may dalang aso na papasok sa may gate ng isang mansion.

Pumukaw sa atensyon ng lola ko ang malaking bahay na cream/puti ang kulay. Note: Minsan na daw ito ginamit para sa movies. :) Bahay ng mayayaman or bahay sa isang horror film. ;)

Doon nanggagaling ang maingay na tunog ng piano. Imagine niyo na lang guys, yung masyadong malakas masyadong maingay na tunog. Ang nasa isip daw ng lola ko noon, bata kaya iyon? Pero bakit hindi pagsabihan? Bakit sabi nung lalaking residente eh hindi pa dalhin sa mental?

Tinry ng lola ko sumilip sa mejo mataas na gate ng bahay, napapaligiran din daw yun noon ng halaman kaya mejo nahirapan siya. Lumayo na lang siya sa bahay at doon niya nakita na sa terrace, sa second floor ng bahay ang bukas na salamin na bintana at mejo kita doon yung malaking piano kung saan nanggagaling yung maingay na tunog ng piano.

Di masyado daw makita ng lola ko ang mukha ng nagpi-piano dahil na din sa layo niya. Pero sigurado siyang babae yun dahil sa bestida na suot non. Hindi daw po puti yung bestida haha kulay green daw po yun.

Matapos nung babae sa piano, tawa ng tawa daw yun at humahampas na yung mukha sa may piano. Maririnig mo yung mahinang pagbagsak ng ulo niya sa piano na lalong nakakapagpakilabot sayo. Lalo na yung tawa niyang hindi mapuknat puknat.

Hindi inasahan ng lola ko ang sumunod na nangyari. Dahan dahan pero sigurado siya, ibinaling nung babae ang tingin niya sa lola ko!

Grabe ang lamig ng katawan ng lola ko dahil nakatingin sa kanya yung babae mejo mapula ang noo dahil sa pagkakahampas at may kaunting dugo daw yun, sigurado siya dahil nakita niya tumulo yon ng kaunti sa ilong nito.

Malaki ang ngiti ng babae at parang alam ng babae na kanina pa nakiki-chismis ang lola ko sa pagpi-piano niya. Hindi makaalis ang lola ko sa kinakatayuan niya dahil sa sobrang kaba at takot.

Juskopo, si Inez yung babaeng yon! Sigurado ang lola ko sa nakita niya dahil sa biloy (dimples) nito sa magkabilang pisngi. Ano'ng nangyari sa kanya? Yun ang tanong ng lola ko sa isipan niya.

Hindi pa din nawawala ang ngiti ni Inez, ngayon naman ay mahinang paghalakhak ang ginawa niya. Nung una'y mahina hanggang sa palakas ng palakas ito, napapikit ang lola ko dahil ang sakit daw nito sa ulo.

Sana daw pala hindi niya pinikit ang mga mata niya.
Pagdilat niya nakita niyang tumatakbo si Inez sa terrace at tumalon!

Mataas taas ang terrace pero hindi ka naman mamamatay kung tatalon ka doon, mababalian siguro.

At punyeta, buhay pa ito na parang walang nangyari at tumatakbo sa direksyon niya! Hindi na nag isip pa ang lola ko at kumaripas ng takbo.

Pagkuwa'y tumitingin siya sa likod niya dahil baka maabutan siya nito. Pero sa awa ng Diyos hindi na niya nakita pa ang nakakatakot na si Inez.

Halos daw hindi siya makausap ng maayos ng ilang araw dahil sa nangyari. Di pa din daw mawala sa isip niya ang mukha ni Inez. Parang papatay. Mukhang wala sa sarili.

Lumipas ulit ang ilang taon at nawala na din sa isip ng lola ko ang tagpo nila na iyon ni Inez. Nagkapamilya ng maaga ang lola ko kaya mas nabaling na ang atensyon niya sa ibang bagay.

25 years old ang lola ko noon ng makatanggap siya ng isang malungkot na balita sa kaibigan niyang si Ning. Patay na daw si Inez. Kung anuman ang dahilan ng pagkamatay nun ay hindi sinabi ng kapamilya nila.

"Hay nako, hindi naman na bago iyon." Biglang singit ng tindera sa tindahan na tinambayan nila.
"Lagi naman daw ganon yang pamilya ni Inez. Bawat babae sa pamilya nila pagtungtong ng edad disi sais (16) nababaliw na daw, yung iba nga mas maaga pa. Tapos tinatagal lang daw ng buhay ayan 23, 24, o kaya trenta pero higit don wala na kaming nabalitaan na nabubuhay pa." Kwento ng tindera sa kanila.

Nagkatinginan si Ning at lola ko. That explains well kaya siguro walang kapatid si Inez, only child ito.

"Nako, eh diba dati may kwento kwento sa'tin, kumukuha daw yang pamilya na yan ng lalaki na magpapatuloy ng angkan nila? Pag hindi pumayag, pinapatay daw. Dun sa libingan sa ilalim ng mansion nila nilalagay." Dagdag pa nung tindera.

"Eh, Aling Tekla ngayong patay na si Inez baka wala nang magtutuloy ng lahi nila, diba huli na siya?" Sagot naman ni Ning.

"Diyan ka nagkakamali, Luningning. Nandyan pa ang kapatid nun na lalaki, totoo at legal na anak ng tatay ni Inez." Nagkatinginan ulit sila ni Ning at hindi na daw nagsalita.

Kung tutuusin nakakaawa yung sinapit ng pamilya lalo na ang mga babae sa angkan ni Inez. May nagsasabi daw na dahil "walang katulad ang ganda" nila at pati ang yaman na di kumukupas ay binenta daw ng ninuno nila Inez ang lahat ng anak na babae sa isang demonyo.

Umaasa daw yung kanunuan ng angkan ni Inez na titigil yung kasunduan na iyon kalaunan at lumapit na din daw sila sa Simbahan para gumawa ng ritual. Pero hindi daw nawala iyon sa pamilya nila...

May part two pa po ito. Si Fernando naman. Ang kapatid ni Inez. :)



📜Travel Horror Stories
▪︎2020▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon